Biyernes, Oktubre 3, 2014

Selfielibusterismo


"Selfie on a lazy Saturday!" tweet ni bex 1 year ago. May kalakip na piksur. Wrong spelling ba ito? Dahil first time ko lang talaga narinig ang salitang yun. May mangilan-ngilan din akong friends na mahilig kumuha ng pics ng sarili nila pero self-portrait ang term nila, which is self-explanatory naman para sa iyong self-confidence. Ewan ko kung dito ba natrim ang work na selfie. Self, self, self. Puro na lang self. Pero for the sake ng shorter syllabication, sige ipush na yan. Selfie. Pero wag ka, 2013 word of the year yan.

May mga taong magaling sumelfie dahil magaling umanggulo. Pag nagcheck ka ng pictures nila eh iisang style lang lahat. Overhead, duckface, kuha sa kanan. Hindi naman masama kung may "right angle" ka pero lagi mong tatandaan: ang tunay na ganda walang anggulo.

*Snap* Na-Glossy na, na-Sexy lips na, na-X Pro II pa! Upload sa Instagram. Nawalan na ang sense ng composition. Wehanongayon eh pwede naman icrop-plus-filter lahat ng pics ngayon eh. Nabalitaan mo yung nakipagdate sa Lipa tapos tumalon sa mall dahil iba yung itsura ng kadate nya sa tunay na buhay? Yes alam ko satire lang yun pero madami naniwala. Bakit mo iguglossy ang pics mo kung nung magsabog ng tagihawat sa mundo eh sinalo na lahat ng mukha mo? Ikakaganda mo ba ang makinis na skin sa pic? Nakakadagdag ng self-esteem pero pag humarap ka na sa kanila baka mapagkamalan ka pang poser. "Ako talaga yan, naeliminate lang ng flash yung mga blemishes ko." Ulolz! Ang tunay na ganda walang filter.

FRIEND1: Parang hindi ka man lang nagsuklay teh sa pic mo.

FRIEND2: Sorry naman friend, I just woke up and the sunlight was fantastic and I told myself I wanna get a selfie to capture the moment. Fresh naman ng skin ko jan, look!

FRIEND1: Magpaliwanag ka sa pagong na may care!

Thesis mo teh? Dahil ang tunay na ganda walang explanation.

Okay, so hindi naman ako nagmamalinis. Nagseselfie din ako. Those were the dark days choz urteh. Yeah araw araw may shot sa mirror ng CR. Eh bawal nga daw magselfie sa office. Eh kahit selfie sa bahay ko eh inookray lang ng mga friends. Pagbigyan nyo naman ang feeling GGSS ko. Eh walang support eh. So nagseselfie pa rin ng panakaw pero for personal consumption na lang. Wag lang sana mahack ang iCloud account ko choz.

Sa panahon ngayon, lahat na yata gusto gumanda. Ano na ba ang pamantayan ng ganda? Naging focus ang pagpapaputi hanggang sa malunod tayo sa glutathione. White is the new black ganyan? Parang lumalabas pag maitim ka panget ka o libagin o di naliligo o mukhang katulong. Hindi naman totoo ang mga ito. Remember yung Miss America na si Nina Davuluri, andaming racy comments sa kanya dahil hindi sya "white" na ineexpect siguro ng mga tao. Kesyo mukha daw syang terrorist at iba pang pakshett na comments. Ang nakakaawa, pati sa India mismo na origin ng parents nya eh di sya papasa sa pamantayan nila ng ganda: maputi. Ang tunay na ganda ay hindi dapat naaayon sa kulay.

Makati. Ayon sa TIME magazine, Makati ang selfiest city of the world. Nagtatala ng 258 selfiers sa bawat 100,000 katao, o 0.255%. Parang lumalabas ang bawat isang tao sa Makati may ikaapat ng isang bahagdan na chance na magseselfie every time. Para bang kung nasa opisina ka makakaramdam ka na lang ng urge na "ayy mamaya na yang report, selfie time muna." Mejo sick and weird, I know pero normal naman siguro na magselfie ka paminsan minsan. Wag mo lang gayahin yung ateng na nagselfie habang nasusunog yung mga barung barong sa tabi ng Makati Med. Lakas lang maka-Selina sa Mula sa Puso sa kabitchyhan. WAG TULARAN!!!

Anti-selfie bill. Narinig mo pa lang nagwawala ka na. Gaya ng milyun milyong mga Pilipino na nagreact agad at nagalit, nagwala, nagmura, nagtweet, at nagselfie dahil lang nabalitaan nilang papatawan na ng batas ang pagseselfie. Hindi pa muna nababasa ano ba ang nakapaloob sa bill na ito. Ayon sa principal author na si Misamis Oriental Rep. Rufus Rodriguez, ang panukalang ito ay naglalayong parusahan "any person who willfully intrudes into the personal privacy of another, without the consent of that person and with intent to gain or profit therefrom." Naalala ko bigla si Jennifer Lawrence. Sad. Or kahit si Paolo Bediones na lang, or si Wally Bayola. Intrusion din naman yun, hindi nila ginusto yun pero sinisira sila ng mga malilibog na mga tao. Like eewww. I've never seen any because that's like against my morals choz. Pero ayun na nga going back, dahil lang napagkamalang anti-selfie bill ang isang panukala--dahil lang namention ang pagkuha ng pictures at video--ay maibabasura na agad ito. Ayaw kasi natin na pinagbabawalan tayo.

Nasaan na yung mga selfie na pinagplanuhan muna bago nashoot. Hindi yung snap and post lang. Or stolen stolenan, tulug tulugan. Meron pa rin namang sining sa pagkuha ng selfie. Mahirap din kaya magselfie. Kaya naging mabenta ang monopod eh, to facilitate selfie-ing. Meron ba ganyang word? At please lang, kung nagpapicture ka sa iba, hindi na selfie yun. Self nga di ba? Otherie na yun. Meron ba ganyang word?

Ang selfie ay isang salamin sa iyo: an expression of yourself--your artistic side, your vain side. Kung madalian ka magselfie, lahat ng bagay sayo ay rushed. Ang selfie ay interpretasyon kung paano mo pinepresenta ang sarili mo sa publiko: natural ba, enhanced, o mema lang. Keep taking those selfies, baka makita mo nasaan ang natural na ganda mo. Ngunit laging tandaan: true beauty lies not in oneself, but in one's selflessness. #englishmopaparamapushangselfie


____________________
Crosspost from Wattpad.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips