Lunes, Oktubre 6, 2014
Kashalahan at Kapuritahan
"Langit ka, lupa ako. Im-im-impernes!" sigaw ni Shenelyn sa dati nyang bexfriend. Nagsimula silang closest of friends sa squatter, I'm sorry I mean informal settlements, sa Tondo. Pero nang magkajowa na si Beckyjoy ng Mexican eh nag-iba na sya. Di na sila nagtatravel together with their tryke driver jowas.
Struggling silang highschool students a few years back. Ngayon tapos na ng cosmetology sa TESDA at kumikitang kabuhayan na sa pagmumuk-ap sa mga bertdeyan, kasal, libing, binyag, kumpil, any celebration just name it. Combo package pa naman sila. Ngayon solo flight na ang Shenelyn. Minsan hinahanap pa rin nya ang bruha nyang bexfriend na inuutusan nya magtuloy ng gagawin nya kapag biglaan nya kelangan sumideline ng extra serbis. Extra serbis I mean yah know massage, labada, tinda ng sedula, etc. Sa panahon ngayon extra serbis na ang bubuhay sayo dahil ang minimum wage pang maintenance na lang choz.
Single nga pala ngayon si Shen. "Maganda naman ako ahh. Kulang pa ba ang muk-ap ko today?" Well, hindi sya talaga maganda. Feelingera lang talaga. Ang totoo, si Shenelyn ay ipinanganak na Arsenio Junior sa isang sigang tatay. Mayroon syang labing isang ate, may anim pa na bunsong babae sa kanya bago pa sya nagkaroon ng isang kapatid na lalaki. Naniguro kasi si Arsenio Senior na madudugtungan ang lahi nila. Di nga sya nagkamali dahil kinse pa lang ay dalawa na agad nabuntis ng bunso nila. Minahal naman sya ng kanyang ama kahit sumuko na itong pilitin syang magpakalalake. Ayaw daw magbasketball eh, pangcheerdance daw sya. At least daw active lifestyle. Tinuring naman si Shen na prinsesa sa tahanan nila, bilang nag-iisa syang reyna. Yun mama nya na nasa Hong Kong nagdi-DH eh kay Shen pinapadala ang mga muk-ap. Kaya naging calling na nya ang maging parlorista. Di naman required na maganda ka kung muk-ap artist ka lang di ba? Pwede ka lang magmaganda.
Di na nagkajowa si Shen after nung last of the last of the finallest of the last breakup nila nung walangyang tryke driver. Abusive relationship kasi, akala kasi punching bag yung cheekbones nya. At ang makapal na lalaki feeling gwapo madami pang gurlprens. "Gwapo ka kuya? Katawan mo lang ang ginusto ko. Pagkatapos ko palamunin ka ng bistek at adobo at tapsilog araw araw habang ako nagkacup noodles at skyflakes lang, matapos ka bihisan ng Bench shirt at underwear habang ako nagtyatyaga sa ukay! Ito pa ba ang isusukli mo sakin?You are always remember you are just a only a hipon. Look to yourself! Look at!" Ohhh I forgot bumabalik pala ang Englishment syndrome nya pag mataas ang emotions nya. But she's struggling na. Uminom na sya ng cough syrup para gumaling sya. Mejo. Pramis! Gawa ng hiwalayang ito naging manhater na si Shenelyn. Yes, baklang manhater na sya. Tatanungin mo ako, is it real, is it real? Lahat possible sa ilalim ng bughaw na langit. Para lang yang washing machine with wifi, o mango sorbet served with bagoong, o pulitiko na di corrupt, akala mo di nag-eexist pero possible.
Isang araw sa Starbecks tumambay si Shen inaantay ang kliyente nya na may aatenang ballroom mamayang gabi. May extra money pa naman sya kaya naisip na bumili muna ng Mocha Frappe habang hinihintay si Mrs. Trona. Yung Venti para mas sushal tignan, tapos kakanawan na lang nya ng tubig after para tumagal. Naupo sa isang sulok malapit sa window para matanaw nya ang mga dumadaan. Sketch sketch sa tissue. FLAMES FLAMES pag may time.
"He loves me, he loves me not..."
"Well, well. Look who the cat drug-addct! What are you doing in my coffee shop? Teritoryo ko to!"
"Becky? Is that you I miss you!"
"Miss mo mukha mo!"
"Keep calm and YOLO! Ano ba ginawa ko sayong masama?"
"Wala naman, you're just like a basura to me. A dirty memory. At muntik mo lang naman agawin ang asawa ko!"
"Are we on the next page? Sino nga ba pinag-uusapan natin? Si Boy Kulot? Si George? Ohhh, si Ramon. I remember that boy but I don't remember the feeling. Well, if my memory search me well, una sya naging akin! Dahil I'm more beauty than you. Magaling ka lang umextra serbis. Aminin mo jan ka lang magaling!"
"I know right. San ka pa nakakuha ng jowang handang magluto, maglaba, magplantsa at magmasahe sayo? Ako lang! At wag ka, for free ito. All in the name of love. You can never be half the woman I'll ever be will be que sera sera!"
"Gaga ka! The problem with you is you are bargain selling yourself! I'm not that kinda gurl. I won't st... ano ba yun... yung lelevel sayo ganyan."
"Now now look who's talking."
"Who's there?"
"Hindi ito knock knock joke bobita! I'm talking about you idiota! Don't talk to me when your mouth is fool. Manong guard! I said, manong guard! Get this woman out of my building!"
Feelingera, hindi naman napalayas kay Shen eh di nga sya may-ari kahit ng isang kape sa coffee shop na yon. Bumili ka muna bago ka mag-angas sa babaeng may pulgas. Bumalik si Shen sa kanyang peace at nagmuni muni. How can someone so close, so sistery bigla na lang magbabago ng ganyan. Sabi nila love of money is the root of evil. Wala namang money sa garden of Eden pero bakit may demonyo na? Ang totoo ang temptasyon ay paligid ligid lang, kumukuha ng kanyang mga biktima.
"Di ko sisisihin si Becky kung nagbago na sya dahil mahirap din ang dinanas ng bruhang yan. Ang gusto lang nya ay makabawi sa malupit na mundo. And now I'm the bad gurl? Tulong kaya kami sa lahat. Sidekick ko sya sa telenovela ko, at sidekick nya ako," napaisip si Shen.
Mag-aalas sais na nang magtext si Mrs. Trona. Shett naibayad na pala nya sa kape ang pangload nya. "Mama, last lod ko na to. Lod mo muna ko bente, ibawas mo na lang sa bayad. On the way na ako," text nya kay Mrs. Trona. Bago umalis nagrefill uli si Shen ng water at sugar at cinammon sa frappe nya.
____________________
Crosspost from Wattpad.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento