Ako nga pala si... hindi na yata mahalaga yun. Basta ang alam ko mali ang intro ko. Sabi ng aking maestro sa Panitikan noong fourth year college si ginoo/ginang/dimawari Romeo Flaviano I. Lirio, PhD na dapat daw wag ka magsimula ng iyong akda sa "ako si" lalo na kung "ako ay si" kasi wrong gramming na agad yan. Magsimula ka sa isang tanong o anekdota o isang "ganap." Okay, take 2.
"Sino kayo? Nasaan ako? Pakawalan nyo ako! I did not kell anybody!"
Tubo akong Mandaluyong. Di ko masasabing born and raised dahil ang totoo pinanganak ako sa hospital ng Perpetual Succor sa Maynila. Alam mo ba na ang tagal nyan ay laging saklolo, ang lalim di ba choz. Anyway ayun na nga going back sa Mandaluyong ako nagkaisip, lumaki, at malamang dito rin ako mararatay sa wakas ng panahon. Pero malayo pa yun. In my *ehem* years of existence, I can say I am happy were I am dahil happiness is a state of mind. Happiness is relative; happiness is a choice; happiness is what you make of it. Motto ko na yata yan. Therefore ang ambition ko is to be perpetually happy. Pero alam naman natin there is no such thing.
Anyway ayun na nga nasaan na ba tayo? Yes sa Mandaluyong. Bilang taga Mandaluyong nga ako ang natatanong lagi ng mga tao, "sa loob o sa labas?" Malamang sa loob dahil kung nasa labas ka eh di Maynila, Pasig, San Juan o Makati na yon. Pero may other connotation kasi ang loob.
NCMH. National Center for Mental Health. In short, Mental. May institution kasi para sa mga wala sa tamang hulog ang pag-iisip. Mga baliw. Sino'ng dakila? Sino ang tunay na baliw? Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng hangal? Thank you Kuh Ledesma. Infernezz maganda sa NCMH ha. Malaki ang lupain at napapalibutan ng forest ang mga pavilions. Parang nasa probinsya ka lang sa loob ng lungsod. Nagjajogging din ako dito paminsan minsan. Buti na lang di nila pinapakawalan ang mga patients para habulin ako ganyan. May rebulto rin dito si Sisa featuring Crispin and Basilio. Nakakalungkot isipin na si Sisa pambansang larawan ng pagkawala sa sarili ngunit ang totoo ay sya ang larawan ng hinagpis ng isang inang nawalay sa kanyang mga anak. Pwede ba iupdate na natin yan. Si Kris Aquino na lang ganyan? Dahil you do crazy things with love. At sya ang modernong epitomiya nyan.
Anyway ayun na nga, kapag tagaloob ka baliw ka agad. Yun ba ang distinguishing factor ng Mandaluyong? Mejo nakakaoffend ha. Pero sa paglaon ng panahon eh nasanay na rin ako. So sa susunod na may magtatanong, "sa loob o sa labas?"
Minsan nasa loob, minsan nasa labas. Oh di ba eh di nilito mo sila. Or lalo mo lang pinatunayan na baliw ka. Kebs!
Fact: Alam nyo ba na ang dating pangalan ng Mandaluyong ay San Felipe Neri? Ang patron saint ng laughter, humor, and joy. Kaya pala nakakahappy dito choz. Pinangalanan na daw na Mandaluyong galing sa salitang daluyong o alon. Citation needed. Ewan ko kung chinochoz ako ni Wikipedia.
Hindi lahat ng tumatawa ay masaya. Hindi lahat baliw. May magaling lang magtago ng kalungkutan nila. Kung sino pa ang malakas tumawa sya ang malalim lumuha. Drama drama. Kaya nga minsan feeling ko bumoborderline na ako. Minsan nasa loob. Parang kulo, nasa loob daw sa taong tahimik. Izz not healthy na magkimkim ka ng nasa loob mo kaya eto minsan nagsusulat, nagbablog, nagsasoundtrip habang lumilipsynch sa kanta nila Kelly Clarkson, Adele, at Alanis Morrissette habang tumatawid sa tulay ng Guadalupe. Release release din pag may time. Dahil mag pumutok ang Pinatubo, catastrophic. Baka matuluyan ka ipasok sa loob.
Ikaw ba, sa loob o sa labas?
____________________
Photo by luca's eye via Flickr.
*Crosspost mula sa Wattpad. Ipagpaumanhin ang hindi mala Deniel Pedelle or Jims Red na kalidad* Link: Wattpad
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento