Sabado, Agosto 30, 2014

Pusher


Pak!

The other day nanampal si  Mayor Herbert Bautista ng isang Chinese drug pusher. Di daw kasi maunawaan ang sinasabi nya. Kaya sinampal na nya. Ang nakakapagtaka daw eh may driver's license si mokong eh ni English o Tagalog di maintindihan eh paano nakalusot ito sa LTO. So kapag di ka pala maintindihan ok lang manampal ganyan? Madami ako masasampal nyan. Pak!

Dalawa lang naman ang uri ng adik. May adik na user, may adik na pusher. At may adik na hypothetical lang. Kung adik ka sa isip, sa salita at sa gawa, either user o pusher ka. Walang user kung walang pusher. Walang user kung walang pangangailangan. Walang pusher kung walang nangangailangan. Eh yung hypothetical na adik? Mga adik lang sila sa isip at sa salita. Malabo ba? Adik ka!

Tinanong ako ni Eman ano daw ba ibig sabihin nyan, 'adik ka!' Pinoy sya pero since five years old eh nagmigrate na sila sa America so limited na lang ang kanyang kaalaman sa Tagalog. Nakakaunawa pa naman sya ng Tagalog so no need na sampalin Honorable Mayor. Ang kaso lang minsan nakakabasa sya ng mga slang terms at mejo nalolost sya. Like yan, 'adik ka!' Nahawa lang ako sa expression na yan tapos naging expression ko na rin to. Adik ka! It means 'you're crazy' in English. Well, hindi sya literal translation pero same thing naman. Gets mo na yan. Kesa naman 'you're an addict' dabah?

Meron pa isang expression, 'ipush mo yan teh!' It means 'go ahead' 'go for it!' Bex term ba yan? Not necessarily pero sa panahon ngayon, ang wikang Tagalog na unti unting nag-eevolve ay unti unti ring binabakla ng mga tao. Nakakatulong ang media sa pagpapakalat ng ganitong uri ng pananalita. Nanjan ang mga tulad ni Kris Aquino sa TV at Nicole Hiyala sa radyo sa pagpapakalat nito. Nakakasad naman. Darla, nasasad ako! I know, right? Trulalu at walang halong eklavu!

Push is tulak. Ano naman itutulak ko? Droga ganyan? Sabi naman ng friends ko PUSH daw stands for pray until something happens. Eh kung push lang naman ang usapan, passive ang pray. Dapat perform o produce, o something else na proactive ang verb. Hindi yung magdadasal ka lang hanggang may mangyari. Ipush mo yan teh. Gawin mo yan!

Adik ka! Going back sa kaadikan. Parang harmless statement naman. Pero kung gagamitin mo to sa convo eh iba na ang dating. Like so:

KUYA: Hi!
ATE: Hello!
KUYA: Pwede makipagkilala?
ATE: Adik ka!
KUYA: Palabiro ka pala. Droga ka ba?
ATE: *seen*
KUYA: Kasi adik ako sayo!
ATE: *ATE blocked this person*

KUYA: Ang ganda mo talaga ate!
ATE: Adik ka!

KUYA: Coffee, tea, or me?
ATE: Adik ka! Meron ba orange juice?

KUYA: Will you marry me?
ATE: Adik ka!

Pusherzone. Nasa ibang level ito sa Friendzone. At least sa friendzone hindi ka nya pinapaalis sa buhay mo, hanggang friends nga lang kayo. Wag ka na umasa. Seenzone. In FB chat language, yung tipong sinilip lang nya ang message mo at kebs na sya sa sinabi mo. Hanggang tingin lang. Pak! Eh ang pusherzone? Nagreply naman sya pero indirect ang rejection nya. Adik ka! You're crazy! Stop it! Ikaw lang ang masasaktan pag nagpatuloy ka.


Kasi maraming taong umiiwas sa direct confrontation. Oo o Hindi lang dapat ang choice, may nalalaman pang 'Pwede.' Lahat na lang nasa gray area, nasa malabong usapan. Accept o reject, 'adik ka' ang sagot. You're like pushing the person away kahit hindi mo sinasabi directly. Dahil sa hiya. Nahihiya ka'ng tanggihan nang harapan yung tao. Nasa culture na rin siguro nating mga Pinoy. We are a polite race. Yung tipong may nangutang sayo, mahihiya ka pa tumanggi. Nahihiya ka rin maningil. Nahihiya ka tumanggi makipagdate. Nahihiya ka tumanggi sumama sa sinehan.

Try mo next time sabihin no. Just say no. Mahiya ka na lang sa oras na masasayang. Ipush mo yan teh!


____________________
Photo by Lorenzo Pasqualis via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips