Miyerkules, Disyembre 31, 2008

Fountain Dew

Walang komento:

Countdown
December 31, 2008

Naiinis ako dun sa mga batang hagis ng hagis ng mga picolo sa kakalsadahan. Meron pa mga pinapatulan ang watusi, inaalog alog pa sa mga palad. Mag exhibition ba? Sige nga itry nila sa bibig alugin yun.

Sa totoo lang ayoko ng mga paputok na yan. Ilan na ba ang naputulan dahil jan? Wala ring takot ang mga taong to eh. They keep coming back for more. Kahit ipagbawal pa ng barangay eh wa effect naman. Sabi nga nila ang bawal daw ang exciting. Leche eh di putulan na lang ng daliri yang mga yan, tutal dun din naman ang kahahantungan nun eh di shorcut-in na natin.

Sinira ng kapitbahay namin ang ilang new year's eve ko. Bakit kasi kelangan pa magpasikat sa pagpapaputok ng pinakamahabang Sinturon ni Hudas. Hudas talaga sya, gustong gusto ko nang sinturunin eh. Hindi man lang ako makatalon ng maayos kasi maya't maya may hahagis na labintador sa pinto nyo.

Mas enjoy ko pa yung lusis na pwedeng ikaway, iwagayway. Wave!!! At eto ring Fountain na iniimagine kong volcano na nagpoproduction number sa explosion. Nitong nakaraang taon eh nabawasan na ang ingay, napalitan na ng mga ilaw. Mejo shala na ang mga tao, mejo gumagastos na sa pyrotechnics kaya nakakabalik na ako sa panunuod sa labas.

Magandang pagmasdan ang iba't ibang kulay sa sumasabog na liwanag. Kung ingay lang naman talaga ang habol ko eh di sana nagpukpok na lang ako ng batya at palu palo. Sa pagtingala ko mamaya, magwiwishing on the same star ako na nakatingala ka rin at humihiling ng magandang kapalaran.

Simbilis ng paglalakbay ng liwanag ay nahulog ang loob ko sa iyong pagningning. Rollercoaster ride itong 2008, maraming pataas at pababa na parang ispaghetti dinidigest ko ngayon. Marami ring paikot ikot, nahilo ako pero tumibay ang sikmura. Nawa'y ipagpatuloy mo ang iyong pagningas. Burn for me baby! Meganooon?! Bawat isa sa atin ay nagsilbing ilaw sa karimlan sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay, in one way or another.

Ilang sandali na lang magpapalit na tayo ng taon. Habang ang ilan nagsusunog ng pera sa mga paputok, may ilang nagsusunog ng tulay sa nakaraan, sa mga masasakit na sinapit at napagdaanan. May bagong bukas na nakalaan sa lahat. Kaya't gumising ka, maghilamos, magpagpag ng alikabok. Singhutin mo ang hangin na ngayo'y mausok pa at amoy pulbura, lilipas din yan. May papalit na bagong simoy. Bagong umaga na. Bagong taon na!

SEB HeadBang Now!!!

2 komento:

Bangengers!
December 31, 2008

Shen: Ateng may love love chorva akez dabah. Mega date galore ang lola mo with Carlo. Followup kay Gardo. Pero I'm like a confuse now.


Becky: Habaherness ang vruha. What ba inispluk ng Carlo nung date galore with you?


Shen: Si Carlo eh ayun Silent night, its like frenly levelling lang. Pero ang Gardo may chorvaness to the maximum levellations.


Becky: Where na buzilakness mo?! Sauce Barbra Streissand. Gorabelles na ateng for Gardo. Winona Ryder.


Shen: Eh yah know Carlo is like make pampam to me pero I'm not a know right now ok. Pero ang Gardo naman eh merong bleeding keep keep bleeding love before and now.


Becky: What if you're make yaya ng Carlo for chorva?


Shen: It's not happen sis, tuod sya. Yah know, I'm not make pili pa.


Becky: Ayyee! Ganda mo teh! Choisy!


Shen: Cheh!


Becky: May multiple choice talaga?


Shen: Pwede ba NOTA?


Becky: I'm known mahilig ka sa NOTA.


Shen: None of the above, shungaerz! Nako ha, kung ano jinijisip mo jan!


Becky: What the hey none of the above? Bet mo BOTTOM?


Shen: Ayyy wit!


Becky: Sabugan kita jan eh. Bet mo super lolo?


Shen: Ewwww di ko betching magplay with lolo thunder noh! Same is go with baby rocket. Sometimes in the middle lang.


Becky: Si Hudas bet mo?


Shen: Halik ni Hudas gora pa akez.


Becky: Meganon?


Shen: Yeiz!


Becky: Yaw mo nung pasabog nya? Sinturon ni Hudas? So mahaba and so malakas!


Shen: Mayayanig ba mundo ko?


Becky: Not really. Kase pabuzilak epek ka!

Martes, Disyembre 30, 2008

Torpedo

Walang komento:

Stoic
December, 2008

Leche patapos na lang ang taon eh andami ko pang iniisip. Hindi maganda to, ayoko magdala ng mabigat na damdamin. Sa isang banda eh masasabi kong maganda ang itinakbo nitong taon. Maraming bago:
bagong kaibigan, bagong aral, bagong karanasan, at bagong pananaw sa mundo at sa sarili ko.

Ayon sa isang psycho exam eh isa raw akong counselor. At napangatawanan ko naman yun sa pamamagitan ng pagiging chismoso, este adviser sa mga friends ko. Kahit na walang kakwenta kwenta mga payo ko eh mejo bumebenta naman sa kanila. Hindi naman talaga nila kaylangan ng advice, basta meron lang makikinig sa mga problema nila eh parang nakakagaan na rin ng kalooban. Sabi sakin ni Janice eh magaling daw ako makinig, akala ko dati sa chismis ko lang magagamit tong tenga ko, akalain mo yun kahit sa mga seryosohang usapan pala eh effective pa rin. Ang masama lang eh bakit pag ako na ang magsasalita parang walang gustong makinig?! Leche talaga. Ang natitirang pag asa ko, si Warren na lingguhan ko lang mahagilap dahil sa pagkocallboy, at si Maureen naman nasa Bataan pa para sa month long celebration ng kasal ng ateng nya. Alam ko namang napagtyatyagaan nila ang emo mode ko. Kelangan ko maglabas ng sama ng loob, at wa epek na ang dulcolax.


~0~


Jude: Ask ko lang hinihintay mo pa ba yung special someone mo kaya singular ka pa rin. Naghihintay ka pa rin ba sa wala?

Jeremy: Bakit on the spot ako?

Jude: Bakit ka pa rin naghihintay. TANGA ka ba?

Jeremy: Cheh! Kanya kanyang diskarte yan noh.

Jude: Kahit na. Waiting is waste of time for a lover na naghahabol sa taong walang kasiguraduhan.

Jeremy: The fact is hindi ko alam. Masyado akong choozy kaya hindi ako basta basta nakakapagdecide. And I dont care if I'm loveless right now, kaya wag mo pakialamanan ako.

Jude: Sana nga nakikialam ako so that I could slap yer face really hard. You could care and think about other's love problems, give comments and advices tapos you're being unfair to yourself, hanging in that comfy tower won't bring you any progress.

Jeremy: Eh kasi ang love nakakatanga yan.


~0~


Maricel: Pwede ko ba sabihin na kung busy sa work eh wag na lang i-try mgkaron ng lovelife? Napakakitid ko ba kung humingi ako ng time?

Jeremy: Hindi naman noh. Pero sa relationship eh investment ng time eh mahalaga di ba?

Maricel:
Kase di ba ano pang use na pumasok ka sa isang relationship kung wala ka naman time para dun. Eh di mabuti pang magsolo ka na lang.

Jeremy: Pero kung kaya naman nya magbigay ng time eh why not. Pero kung lagi na lang... kung sana nag-eeffort sya, kahit sa loob ng five minutes magpakasweet sayo.

Maricel:
Eh tuwing nandito sya usual na gagawen niya tatayo siya sa harap without saying anything as in wala, tapos maya maya tatanungin ako kung pwede niya ko i-kiss. Aba malamang eh di pwede diba?

Jeremy: Baka nahihiya lang sya sayo.

Maricel:
Ako nga nahihiya sa ginagawa niya, kase baka may makarinig sinasabihan niya ko ng "I miss you!"

Jeremy: Ayaw mo ba nun? Hindi ka ba kinikilig?

Maricel:
Ok nga yun eh ang ayoko pag wala siya. Mejo nahihiya pero kinikilig. Tapos kahit galit ako dahil di siya nagpaparamdam sakin eh nawawala pag nakikita ko na siya.

Jeremy: Ayyy in love ka nga, pero nalilito ka lang kasi namimiss mo sya lagi.


I don't know pero mejo allergic ako sa mga ganyang words. The most I can reply is "hmm.. ok. Thanks. Ikaw talaga!" BUZZ!!! Wrong answer. Pero what can I do, I'm certainly not romantic. Pero hindi naman ako robot. Tinman siguro pwede ba, looking for his heart. Tinanong sakin ni Ariel dati bakit nga ba pag gusto mo ang isang tao eh hindi mo masabi sa kanya ng derecho. From one torpedo to another, ewan ko ang sagot jan.

Sana hindi ko na lang binuksan yung "Jack-in-the-Box," nagfeeling Pandora tuloy akong nagpakawala ng delubyo sa kautakan ko. Hinahanap ko pa yung Hope sa ilalim, sana meron pa. Kahit isang stick lang basta may maaninag lang.

Leche patapos na lang ang taon eh andami ko pang iniisip. Hindi maganda to, ayoko magdala ng mabigat na damdamin. This is not me. I hate this feeling.



Huwebes, Disyembre 25, 2008

Patawad

Walang komento:

Namamasko!
December 25, 2008


Sa dami ng batang nagbabahay bahay eh nakakasawa ring sumigaw. Kung sa ibang bansa eh may Trick or Treat ang mga bata, ang sarili nating kajolog jologang version ang Namamasko po!

Kasama jan ang pangangaroling. Kung yung ibang bahay eh pagtapak ng September eh bonggang bongga na ang bahay sa Christmas tree, parol at Christmas lights, ang mga bata naman eh inaabangan lang ang pagtapak ng December para mangaroling. Wala pa ngang simbang gabi eh naririnig mo na ang mga ligaw na tono. Armado kadalasan ng tambol na gawa sa latang binutas sa magkabilang dulo at may plastic na ginomahan; marakas na gawa naman sa maraming tansang nakatuhog sa alambre; o ang paborito kong kutsara't tinidor, saludo ako sa kanilong pag-eeffort.

Syempre napagdaanan ko yan nung childhood moments ko noh, pero alam ko yung tono at lyrics, pati yung proper blocking at pagpoproject, isama na rin ang dami ng song choice dun sa album nila Basil Valdez, etal na Christmas medley ata.

Ang pinakaayaw ko marinig ang Patawad! Syempre kelangan gumanti ka ng Ambabarat ninyo! Ngayong eh umikot na ang gulong at ako na ang sumisigaw non. Bakit nga ba patawad? May kasalanan ka ba sa kanila?

Malamang humihingi ka ng paumanhin na hindi mo sila mabahaginan sa kaunting mayroon ka. Kahit papiso piso lang eh sana'y mapasaya mo sila, pero wag ka at baka ikaw pa batuhin nila non.

Ang pasko ay dapat season for sharing, season of smiles, season of love, at star for all seasons. Love you lucky me! Panahon to para magbuklod at magkaisa, upang magsama sama, upang magpatawad sa ating mga nagawa sa taong matatapos. Dahil ito ang itinakdang araw na para sa kapanganakan Niyang tumubos sa kasalanan ng mundo. Kung Siya nagpapatawad, ako pa kaya? Ikaw? Tayong lahat?

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Linggo, Disyembre 7, 2008

Tengang Kawali

Walang komento:

Lend me your Ears
November 30, 2008



Nakipagnomo nomohan lang ako sa isang friend ko, si Tonton. Bale tinext nya lang ako na pumunta sa kanila. Magdala daw ako ng yelo. Tinanong ko kung ilan, malinaw na malinaw na isa daw. So nagdala ako ng isang yelo, yung nabibili sa tindahan ng tigdo-dos pesos. Pagdating ko sa scene of the crime eh kulang daw yun, isang bloke daw ang gusto. So tambling ako sa pinakamalapit na suking grocery groceryhan. Isang supot na yelo at dalawang Red Horse grande ang tangan.

Pagkabalik sa bahay eh balik sa kwentuhan. Hindi naman drowsy tong si Tonton pero I can sense na wala na sa tamang katinuan. Napag-usapan ba naman pati si Nicole Hiyala na kesyo rebonded lang ang buhok, 29 na pero nakabraces pa rin at bad breath daw, puro pink ang suot at andami kabebeltan na alipores. Ewan ko lang kung imbyerna lang sya kay Nicole o inggit lang sa tunay na engkandiosa. Whatever yaya!

Sa sobrang daldal eh naikwento rin nya samin pati itong si Natalee Holloway. Hindi nyo kilala si Natalee? Ako rin weh, pero ayon sa kwento na hango daw sa Fox News eh tatlong taon nang nawawala sya. Magfeeling where in the world is Carmen San Diego ba, or Where's Wally. So heniweys, nagbakasyon daw si ateng sa Aruba. Dun daw sya dinala sa beach ng isang nagngangalang Joran Van Der Sloot, with correction pa sa pronunciation namin na islowt daw dapat hindi islut. Sya daw ang pinakawafu na nakita nya. Ginoogle kagad namin at shett, lasing nga sya. Ngayon eh pinaghahanap pa si ate, nasa Thailand daw binenta yata bilang palengkera. Hindi kaya naabduct ng alien? ALIEN!!! Feeling ko nagtatago lang sya sa bombay eh. May kapitbahay din kami dati parang ganito nangyari sa kanya.

Bigla ba naman napansin ni Ton yung tenga ko. Maliit daw, ibig sabihin daw mamatay ako ng maaga. Kainis na! Pero ok lang daw yun kasi maraming iiyak daw para sa akin, sasabihin nila na sayang daw maaga ako kinuha ni Lord. Anobeh! Eh gusto ko man lang makatikim ng 20 percent discount sa Jollibee at libreng sine noh. Yung mga kasama ko malalaki daw ang tenga kaya aabutin daw ng isang daan. Lulumutin na sila eh buhay pa. Matutuwa pa nga daw ang mga tao pag nategi na sila kasi ba naman eh sobrang excited na silang maghatian ng pamanang lupain sa paso. Baka nga big reunion ito tapos may banda talaga, parlor games, madjongan, saklaan, at tongitan. Bonggacious to the maximum levellations ang despedida mo!

Ang moral lesson, wag na makipagtalo sa mga lasheng. Hayaan nyo lang silang magsalita, pag pinatulan mo pa eh boogie wonderland talaga ang mangyayari. Kaya nga daw tayo may dalawang tenga at isang bibig para tayo'y makinig muna bago magsalita. At kaya naman tayo naimbentuhan ng ating mga ninuno kung sino man sya ng mga earphones at earplugs eh para pananggalang natin sa mga kabubullshitan at tae taeng konsepto na maririnig natin kung kani kanino lang. And with that mag iiwan lang ako ng words of wisdom from our sponsors.


Una magdasal ka para mabuhay ka
Pangalawa magtoothbrush ka
Para mabuhay naman ang iba.


Nicole at Chris, Tambalan

Biyernes, Nobyembre 28, 2008

Sit down

2 komento:

You're Rocking the Boat
November 8, 2008



Friday night eh nakakuha ako ng message kay
Kiko inviting me over for a party, not actually but a get together. Matagal na yung last naming nagkitakits. Eh mejo shy shyan nga ako kaya hindi ako madalas magpurupupunta sa mga kapapartyhan na ito kaya magdedecline na sana ako. Pero reply pa rin ako baka sakaling makahook ng isda di ba. "Cno ppunta?" At least si Elvin pala eh pupunta, okies na yon meron akong makakausap kung sakaling magkadamihan na ng tao. Ok I'll try sabi ko.

Pagkatapos non eh pinagtetext ko sila Arvy at Iyo kung pupunta rin ba sila. Si Iyo eh busy busyhan lately kasi gym gyman ang lola. Nagpapalaki ng maskels para sa nalalapit na bertdeyan. Si Arvy naman eh sa chat ko na lang nahahagilap kasi naman kung saang nomohan yata nakakaladkad ng mga frens na lulu at becky. Ok lang, at least andun pa naman si
Elvin .

Tanghaling ng kinaSabaduhan eh nagtungo ako ng Divisoria para mamili ng barong. First time ko sa Divi kaya shock pa ako sa dami ng tao, sa traffic, sa amoy and everything. So help me God. After ng kakapagod na experience na yun eh tambling na kagad ako kala Kiko.

Pagdating ko sa apartment eh wala pang tao. At mejo nagulat ako kasi I'm expecting maingay. Yoga party ba ito? Nagbukas ng pinto si Jayvee, his housemate. Tinakot ko pa sya kasi para pala akong istowker sa labas. Si
Kiko naman eh nagsundo pa sa ibang guests. Looking around eh napunuan na ng laman yung pad compared dati na totally bare. May tv, may ref, may books, lots of them. Pero somethings missing. Aha, tables and chairs. Dapat yata nagrent kami plus Boyoyong clowns para panakot lang, Halloween season pa naman that time eh. And from now on, this apartment will be dubbed Tahanang Walang Bangko, or House with no Chair, or other similar terms. Madami naman pillows eh.

Siguro twenty minutes pa dumating sya, with
Elvin and Anniel. First came the pasta, ang sauce eh somewhat veggie yata for a vegan friend who's supposed to come. Tapos may chicken pa. I didn't then kasi kakatapos ko lang kumain that time. Ngayon parang pinagsisisihan ko di tinikman ang luto ni kitchen god.

After that dumami na ang sangkatauhan. Mga highschool classmates, mga friends, pati housemates, and housemates' clanmates. Hard to keep up with the intros at talagang hindi ko nakuha karamihan ng names. Memory gap. Pasensya na kasi can't afford ako sa Sustagen.

Maya maya may grupo grupo na ng chikkahan. Parang game itu! The boat is sinking, group yourselves into four. Grupo kami nila Anniel at Elvin plus si Miguel, housemate din. Sa kabila eh englishan na ang labanan. Si
Kiko eh bumabalik balik para magdala ng drinks. Yung pinkish white drink na yun, na combo pala ng Dutchmill, Sprite at Gin ata.

Siguro past two na nung umalis two groups, wala na ang mga pechay. Simula na ng sausage party, nagsama na ang mga surviving katribo. Yun nga lang di na rin kinaya ni
Kiko at nagretire na. So naiwan kami na magkwentuhan ng walang kakonek konek na mga bagay. Mga spook stories na nalink sa Mobius Strip at Maskman, mga episodes ng Twilight Zone na muntik nang malink sa Twilight, pati episodes ng Sailormoon na kabisado pa nila ang mga hand gestures. Standout performance ang intro ni Ate Vi sa youtube na "Where's the Party?" at ang Temptation Island dance to sampalan showdown. Hindi ka rin IN pag hindi mo nagets ang Awkward Turtle, Sexual-harassment Jellyfish at Sexual Worm. Addendum lang ni Anniel na pwede naman daw "Awkward Ipis" for a more pang masang effect. Hindi lang kami masyadow nakapag ingay kasi baka mauga namin tong boat ni Kiko eh magising at magwala. hahah. Hindi naman, peaceful kaya ang borlogs nya nun.

Natapos na ang event ng magising ang
Kiko Matsing at papasok na sa kanyang daily task. Linggo na ng madaling araw. Nagjogging ako pauwi. Actually gusto ko sana tumambling lang pero lango pa ako sa nectar. I smelled something in the air that night that shined so bright Fernando.

Hanggang sa susunod na paglalayag, this is your Captain speaking, the Master of my soul, este show na lang. Taray! Parang Kuya Germs lang kasi WALANG TULUGAN!!!

Miyerkules, Nobyembre 26, 2008

Crossing

Walang komento:

Bagong Chicken
Pork Adobo

November 24, 2008


Well a big shout out muna sa new batch of CPAs this October 2008. The results were released after one day from the four days of examination on October 11, 12, 18 & 19 from Manila, Baguio, Davao, Cebu, Cagayan de Oro at may isa pang chorva, sori ha memory gap. Di bale nagsuSustagen na ako. The examination produced 2442 passers out of 6663 for a 36.65% passing rate, halos kasing levelling ng 2007 exam.

Syempre happy ako jan kasi part ako.  Heniweys, November 24 ang oath taking ceremony na naganap sa Plenary Hall ng PICC. Mahaba ang ceremony na puno ng kachorvahan lang. I mean may intro pa ng mga school faculty, at lalo na ang mga reviewers na mas malakas pa ang charisma kesa sa guest speaker. May mga messages ng guests na paulit ulit lang naman. Tapos meh awarding pa na buti na lang walang acceptance speech. At meron pa talagang kunwa kunwariang kamayan sa mga inductees with nirolyong papel at matching grad song. Grad song talaga?! Hindi man lang pinalitan ng background music into Low, Crank that Souljaboy or Kapag Tumibok ang Puso. Pajologan na to.

Syempre merong speech ang topnotcher. Madrama ito, azz in. Eh hindi nga ako mahilig sa drama. Sori sa mga fans jan ng MMK o Wowowee, pero nako-cornyhan talaga ako pag merong Star Drama presents factor na nasasangkot. Well may karapatan sya kasi top naman sya. Natawa lang ako nung mega comment sya sa mga thank yous nya, "And to my bestfriend, you know who you are." Oh di ba winner, pang showbiz ang dating. To begin with hindi ko alam kung boy o girl yun pero I can sense something eh. Well heniweys, congratz kay Richie Jackson Taguinod ng University of Saint Louis Tuguegarao. Paborger ka naman, I'm sure mayaman ka na! Naokray na kita bago pa kita na congratz. Peace!

Share ko lang yung first line ng speech nya na quoted somewhere at ewan ko lang talaga kung may konek sa exam ha. I find this very inspiring.

"I expect to pass through this world but once;
any good thing therefore that I can do,
or any kindness that I can show to any fellow creature,
let me do it now; let me not defer or neglect it,
for I shall not pass this way again."


Stephan Grellet

I'm happy for all who passed. It's only the start of a new journey. For those who didn't make it, kaya nyo yan next time. Aja!! For those who plan to take it in the future, Good luck and God bless!

Huwebes, Nobyembre 20, 2008

When in Wensha

2 komento:

Do as the Wenshans do
October 21, 2008




This happened like a gazillion weeks ago pa. Tanjobi Omedetto ng aking friend na si Warren at dahil hampas lupa ako eh namilit akong magpalibre. Hindi naman masyado, slight lang. Well, nag promise promise-an naman syang maglilibre sya when the time comes para nga sa bertdey nya. Kaya yung mga magbebertdey jan, yung kambal ng tadhana, blow out naman! nyahahah


Well rewind muna tayo a few weeks back, so napag-usapan namin thru chat ang isang bath house na tatawagin na lang nating Wensha. Why Wensha? Kasi yan ang talaga ang name nya, tanungin nyo yung may- ari why Wensha. Nabasa daw nya sa forums about this place. Sa sex threads. hahah. Well, mukhang satisfied naman sya. At kahit ilang beses pa nya ko pinilit na magbasa basa ako about dun eh dedma lang.

Fast forward, play. So bertdey nga nya. Ang kitakits daw eh sa MRT Taft station. Quarter to nine andun na ako sa Taft. Fifteen minutes later pa dumating si Warren. Baba kami ng station at kuha ng taxi. Hindi pa kami nakakalayo eh biglang huminto yung taxi. Nawalan daw ng gas. Wow, how convenient. At ang kapal pa ng mukha para maningil eh hindi naman kami nakalayo. Buti na lang may kasunod na taxi.

Minutes later nasa Wensha na kami, sa may likod lang pala ng CCP to. Pagkabayad ni Warren sa counter, binigyan na kami ng slippers. Kinuha yung shoes ko. At shockingz galore talaga ako. Kelangan maghubad?! OMG. Dapat binasa ko yung threads about this. Shett! Supahshock talaga ako, mga ilang megavolts siguro, pero I was not expecting this I swear. I thought you can wear underwear sa ilalim ng towels and robes, pero no! Sabing no eh! Maghubad ka! Pasensya na talaga sa katontahan ko about this, pero new lang ako dito eh. Virgin virginan pa ako sa spa. Hindi ko to kinaya, azz in. Sana naman kabahan yung mga staff dun na paghubarin ako, lampayatot kaya ito. Baka biglang may mag-outreach sa akin at alukin ako ng feeding program. Pwedeng pwede ako dun.

So ayun nga, nakahubad na, manipis na towel lang ang harang. Sa pool area, shower shower ng konti. Tapos babad sa icy cool pool. Sobrang lamig, pwede ng pang cryogenic chorva. Sa kabilang pool naman, scorching hot. Kelangan ko igalaw galaw ang katawan ko para pantay ang pagkalapnos. Heniweys, while andun kami eh nagchichikkahan lang kami ni Warren ng biglang namataan nya ang isang suspicious person. Hindi naman, feeling ko lang istowker ko, kahit minsan magfeeling tayo di ba?

Nagtry naman kami sa steam room. Parang sandali lang eh natutuyuan talaga ako dun, pero ok lang naman, may sipon ako that time... at least libreng vaporizer yun. Sana nagbaon pala ako ng Vicks vaporub. So labas after mga 10 or so minutes. Babad sa pools. Shower. Pahinga sa recliners. Repeat until well done.

Sa kinalaunan eh nacurious kami na pumasok sa isang room. Sauna yun noh. So pagpasok pa lang sobrang init na talaga. Umupo kami sa benches, mainit pa rin kahit may towels na. Marinade na lang ang kulang pwede na kami mabarbecue dun. After three minutes hindi ko na kinaya. Lumabas na ako.

So si Warren nagsteam uli. Ako sa recliner lang. Here comes searchee number one, I mean yung istowker-wannabe ko. Dumaan sya at palingon lingon. Cue music: Pasulyap sulyap ka't kunwari patingin tingin sa akin.... Cute naman, pasado! Weird nga lang at lumapit sya at nagpaalam na uupo lang daw sya dun sa next recliner. Huuuuwhaaaat?! So ayun, nagkahiyaan after nun, naghahabulan lang ng tingin, hanggang sa retire na ako sa pitstop.

Umalis na kami ni Warren para sa massage. Sya na rin pumili ng masahista. Male talaga. Well, ok lang naman yung massage sakin. Sobrang lang daw ako ngumiwi? Kasi naman ang lakas ng kiliti ko sa pusod, so bawat daan malapit dun eh talagang nagpipigil ako ng tawa. Parang torture pa nga nangyari sakin eh. Hindi ako nakapagrelax. Ayaw pala ni Warren dun sa naassign sa akin kasi ba naman yun daw yung dating nagmasahe sa kanya na mejo sensual daw. Siguro nga kasi mejo *censored*

Heniweys, after nun lamon mode na kami. Kainis nga lang at wala na palang shabu shabu that time. Eh mejo full pa naman ako kaya nag-mami na lang kami. Imagine that, pumunta kami sa spa para kumain ng mami, pwede naman sa palengke, turo turo at karinderya di ba? Masarap naman eh, I didn't quite taste the exquisite herbs and essence of spices. Choz! Masarap talaga. Try it!

Nagkwentuhan na lang kami after nung mami. Eh mag-aalas kwatro lang pala. Nilakad na lang namin palabas ng Roxas ata. Mejo masukal ang daan na naliligiran ng mga kapunuan. Hindi naman, maliwanag naman dahil maraming ilaw, pati Star City eh bongga pang ng ganung oras.

Nakauwi rin ako mga alas sais na. At least bagong experience to. Well, malamang maulit ito, masarap naman eh. Pero sa Wensha na lang uli, mejo nalurkey ako dun sa ibang spa. Mas lalo akong masa-shock dun for sure. Busilak ata to! So the next time hindi na ako noob.

Wag kayong tumawa jan. Just try it! Pati yung mami na rin.

Lunes, Nobyembre 17, 2008

Paborger ka naman!

Walang komento:

Midnight Snack
November 18, 2008


So lapit na magbertdey itong si Elvin kaya naman sobrang antabay ako sa panlilibre nya noh. Dati sa McJo na ang usapan. Tapos kalamaan laman ko sila nang nagbabalik na jowang si Serge eh mag Rairaiken daw. Assuming na lang akong mainvite. Nabanggit ko kasi one time na pwede na ako sa Lucky Me pancit canton kaya yun na lang daw. Ah kahit cheapness yun papatulan ko talaga! Nako itry nyo nga yung Kalamansi at Sweet Chili ipagcombine nyo, heaven pare! Adik lang. Kaya kanina eh hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya't nagpapampam at nanggulo talaga. Iskandalo to!

Jeremy:
BUZZ!!! Hoy! Pitong tulog na lang, Jollibee na naman. Ang araw lulubog at chorva chorva pa. Ano daw?

Elvin: Ha? Werd!

Jeremy: Werd talaga!

Elvin: Tara burger tayo sa Angels burger.

Jeremy: San yun?

Elvin:
Ay di mo knows yun? Sa may ABS! Di mo alam yun?

Jeremy: Hindi eh... may melamine ba yan?

Elvin:
Nagkalat kaya yung burjer stand.Kain lang kami ni Kenshin. hihihihih

Jeremy: Go ahead. Picture-an mo ha!

Elvin:
Mamaya! BRB



So, nagsnack (or lunch or dinner, I'm not sure na, basta ganitong unholy hour eh lumalarga palamon mga kachat ko) si Elvin at ang officemate nyang si Kenshin. Mejo cuteness naman tong si Kenshin kaya pinagtitripan din namin minsan. After some time, akswali mejo matagal nga yata yun eh, nakailang tambling na ako bago nakabalik sa borgeran.



Elvin:
Nakakahalata na daw sya. hahaha

Jeremy: Anong nakakahalata?

Elvin: Pababa daw ng pababa ang mga hawak ko sa kanya. wehehhehe

Jeremy: Anong pababa ng pababa?! Shett! Nagspaghetti kayo? Akala ko ba borger?

Elvin: Antaba ng utak mo para maisip mga ganyang bagay.

Jeremy: Anong antaba ka jan?!

Elvin: Mukhang yoko na makipagsundutan sa kanya.

Jeremy: Sundutan? Nagtoknene ba kayo? Ano ba talaga kinain nyo ha!

Elvin: Kulet mu! cheh!!!!

Jeremy: Ano na nga nangyari? Details!!!

Elvin: Details ka jan.

Jeremy: I want to be complete!

Elvin:
Centrum?

Jeremy: Yeiz!

Elvin:
Angel o Piolo? ...ay Heart pala!

Jeremy: Kahit sino.

Elvin:
Bentong?

Jeremy: Cheh! Oh chuloy ang kwencho.

Elvin:
Habang naglalakad kami pabalik, di ko napigilan... habang naglalakad kami pabalik kinalabit ko sya sa pwet. Slight lang.

Jeremy: Ayy type mo ang siopao?

Elvin:
Weh. Tapos na kami kumain nun no! Kulet kase ng suot nyang pantalon. Low rise. Eh yun nga sabi... Nakakahalata na daw sya, hipo daw ako ng hipo.

Elvin: Di naman galet. Sabi ko lang, "Baket? Kala mo malaki ka? Wag mong sabihing malaki ka, paptulan kita!" Ayun nabawag ang buntot

Jeremy: Nako, iskeyri ka lang! Isusuplong kita sa bantay bata.

Elvin: Duh. Pano mo alam na bata pa yun? Matanda pa ako dun eh.

Jeremy: Hula lang. Next naman huhulaan ko ang kapalaran ni Ate Charinggerzi...

Elvin:
Sus. Kahit saang dimension at anggulo naman, masama ang sasapitin ni Charing sa mga kamay mo eh!

Jeremy: "Wag magsuot ng yellow, baka ka matuklaw ng ahas. iwasang uminom ng tubig, galing sa gripo man o mineral, sa loob ng tatlong araw, baka may muriatic acid. lucky color yellow. lucky number 13."

Elvin:
Baket naman yellow pa napili mu?

Jeremy: Wala lang, mahirap iispel ang fuchsia eh.

Elvin:
Eh di sana red na lang? Sabagay, may lason bang kulay red?

Jeremy: Ang obvious naman pag red noh! Kelangan light colors lang.

Elvin:
Honga.

Jeremy: Pinkish white for example

Elvin:
Ay!

Jeremy: Oh dabah, hindi obvious kung may vetsin yon.

Elvin: Pinkish white? Sasali ka dun sa contest?

Jeremy: Anong kontes to?

Elvin:
Yung dream date, with Piolo or Dingdong?

Jeremy: Hindi na noh. Yakkks lang!

Linggo, Nobyembre 16, 2008

Ammonia

Walang komento:

*Hikab*
November, 2008


After light years eh nagbabalik na naman ako para magagagawa ng mga ka-Bloggaguhan. Shett! It's been so long. Madami nangyari sa last couple of weeks. Syempre iuupdate ko na lang yung mga significant events sa blogs para naman magkalaman to kahit papano.

So ayun, lately wala akong magawa. Naalala ko tuloy yung commercial dati sa MTV, "Bored ka na ba, nalolongkot at walang magawa?..." parang ganun na ko ngayon. Pero hindi naman ako desperate na mag-hello telefown at makipag chikkahan sa mga pokpok at macharge-an ang aking credit card. Una, dahil wala akong credit card, kaya yang mga nakatayo jan sa mga malls na nag-ooffer ng bahay, lupa, celphone, at kung anu ano pa, get away ok! Pangalawa, bakit ako magbabayad kung may libre naman, I mean libreng katelebabad na for hours at nakakaubos ng pagod, pasensya, tutuli, at laway. Hindi na katulad dati na pag walang magawa eh sulat ako ng kung anong chorva na naman, ngayon eh meditating-meditatingan ako. hahah. Akswali speechless lang ako, wala masabi kaya wala mablog.

At sa ngayon nga eh tambay mode ako. Gusto ko na nga magresign eh. Yah know, ayoko na ng theme song ng buhay ko... "bum bum bedum bum bum bedum bum." Shadap ka muna ate Rihanna. Nagko-concentrate ako. So ayun, kelangan lang maglabas ng konting pressure. Nakakabaliw din to noh, yah know naman malapit lang kami sa Center! At sa mga detractors ko jan, assuming naman meron ako, hindi ako takas. Shett!

Linggo, Oktubre 19, 2008

Escabeche!

Walang komento:

Jumper!
October, 2008



Malabo na naman ang TV, parang di-antenna pa rin kami. Puno na ng snowflakes ang screen at mostly static yung sound. Leche! Nakikikabit na naman si Aling Pina sa cable namin. Ang magaling pa eh sinisingil nya yung mga nangungupahan sa bulok nyang mga apartment ng bayad daw sa cable?! Grabe sa kaswapangan. Kinarma tuloy ng diabetes.


Tapos may Koreanovela sa Siete. My Husband's Woman... shett ampapanget ng cast. Puro matatanda na ata. Expired na sila for primetime light noh. Siguro kaya gabing gabi na pinapalabas eh para sa mga thundercats to watch. At ang istowri about kabitan issues?! Shett uso na ata to!


Yung isa kong friend, si Tootsie, meron syang crushie sa office nya. Well lately eh hiningi nung crushie nya yung e-mail add nya sa office dun sa isa pang officemate nila. Common denominator sila yung si officemate kasi kay crushie eh ka-affiliate nila, kay Tootsie naman eh ka-department nya. Tapos ayun na nga e-mail e-mail-an na sila. Azz in nakikipaglanjian si crushie sa kanya.


Eh magaling ang Intel nitong si Tootsie. Well researched na sa buhay ni crushie. Alam na nyang may wifey si crushie. Pero naman di naman kakinisan si wifey kaya talbog sya kay Tootsie. So tuloy ang lanjian nila, well minsan umiiwas daw ng topic si crushie. Pero notable questions ay "meron ka na bang bf?" Itatanong mo ba yun kung wala kang ibang pakay? Shett. Kaya tong si Tootsie eh ina-accommodate lang nya advances ni crushie. Go lang Tootsie, you're on a roll.

Isa pang case eh between kay Elvin at Serge na friends ko rin. Tumagal din sila ng ilang buwan, I'm not sure ilan basta bumilog naman ito ng ilang beses. Ilang anime dates dito at doon eh akala ko'y happiness together forever and ever to come ang drama. Until last week. Prior week or so to that eh may selosan drama. Dedmakels sila for the duration of the jelosan. So enter Jack to the rescue. Dinamayan daw sya nung times na sya'y bored, malongkot, at walang magawa. Napasaya daw sya.

Fast forward ng isang linggo. Nagkabati na sila Elvin at Serge. Pero biglang eksena marie itong si Jack na naman. At may date pa na naganap, bayad daw ang grocery showcase! OMG! Friend ko sila pero I think that's just low, low, low. Them bag of relief goods, parang nilimos mo lang ng awa. Eh parang ewan din kasi at pinayagan pala nitong si Elvin na makipagdett si Serge! Kesyo magagamit din ni Serge ang groceries daw. Ayun, naibenta nya pala ang love nya.


Nung last week nga break na sila. Nakapress release na bago ang formal break up. Nagpromise pala si Jack ng hacienda nya ng kalamansi sa California kaya ewan ko kung nasilaw lang dun si Serge. Ewan ko lang talaga ha! Ewan ko! Naglast goodbye na rin si Elvin nung Biyernes. Dumalaw sya sa house ni Serge at mega-bigay ng parting gifts, mga macaroons at shirt.


Kalaman laman ko eh itong si Jack eh meron ding jowa. So in pari delicto ang drama nila ni Serge. Parehong nangaliwa. Pero since kakabreak lang ni Serge, naconvert sa pagiging escabeche! Leche!

Hindi naman ako nagmamalinis. I have to admit that I considered it once. Pero hindi ko kinaya. May konsensya naman ako noh! Try nyo rin magsafeguard para naman tablan kayo! Well it WAS nice while it lasted. At now happy pa naman akong singol ba! Andito pa rin akong nagsisilbing counselor sa mga friends ko.

Kaya heto ang dati kong theme song. Idededicate ko para sa inyo. Nawa'y pagpalain kayong mga escabeche sa conquest dabah! Eh kung kaya namang talbugan ang mga orig eh why not coconut. Malalaki na kayo, kaya nyo na ang mga sarili nyo.


Sa puso ko'y nag-iisa, kahit merong iba,
Kahit hindi tama ang ginagawa, sinta

Basta ba'y makapiling lang kita

Kahit kapiling mo pa sya.

Sabado, Oktubre 4, 2008

Pushing Daisies

1 komento:

Daisy Shett Eh!
October, 2008


Siguro two weeks ago nung makita ko yung Project Runway Philippines. Wala naman akong fashion sense kaya parang wala akong maiko-comment dun sa show, other than its nice nga na makitang ang talentong Pilipino ay naipapakita sa mundo. Well goodluck sa kanila. Pero mejo nahook ako, slight lang dun sa isang contestant, si Eli Gonzales. I lurve him. hahah. Kinda sad nga lang he was out the following week dahil sa Arts and Crafts Creation daw nya ayon sa panel.

So the following week, inaabangan ko uli yung rerun ng show Monday ng umaga. So replay na naman dun sa same episode nung elimination ni Eli. Kinda hurting pa sa episode na yun, kaya palipat lipat na lang ako ng channel, at malamang dahil na rin sa low attention span.

Napunta ako sa Jack TV. May tumatakbong bata sa field of yellow flowers, Daisies? Nung una akala ko eh parang Music Vid lang ito, pero may narration. Glued kagad ang mata ko sa tv. Sa style pa lang ng narration, I can tell I'd love this. Inantay kong magbreak to commercial para malaman ang title ng show, Pushing Daisies. I know mashadong late na ko sa show na to, it aired last year Fall of 2007. May second season na nga ito eh.

Ang istowri eh about dun kay Ned, na may power daw na makabuhay ng patay. Kinda freaky ability ito and surely ndi sa mga wish ko sa mutant powers ng XMen. Gusto ko dati eh Shapeshifting at Telepathy. Heniweys, may rules ang powers nya noh, after one minute eh randomly anyone near the proximity masishift yung death. Plus ndi rin nya pdeng hawakan the second time yung naresurrect nya at for sure tegi na forever. Mejo konek din ako sa personality ni Ned, socially unattached.

Isa sa mga zombie-fied nya eh ang first love nyang si Charlotte aka Chuck. Ndi naman talaga zombiefied pero sad lang kasi ndi na sila pde maghawak kc dedz na si Chuck next time. Parang gusto ko lang magsong number ng "Sometimes When We Touch" wala lang. Wala naman relation yung song, gusto ko lang ng musical number weh.

Ayon sa mga ka-google ko eh ang show na ito ay isang "Forensic Fairytale." Siguro hindi na ako makakamove on sa fairy tales, child at heart ba? Kaya hanggang ngayon eh naghahanap pa rin ng fairy god mothers, frog princes, at magic lamps. Isa pang factor ang Romantic Comedy style na appealing talaga sa mga korny at jologs ang konsepto sa pag-ibig.

Kung gift ni Ned itong power na to, gift ni God sa atin etong life na to. Hindi natin kelangan na maputol pa ito bago natin maappreciate itong blessing na to, we'll never meet a Ned in our lives to save us. Or maybe we did? Someone who's there to revive us in times we were down and we felt like dying. Don't let your Chuck fade away from you 'cause the next time you might not have your chance.



"A hug is like an emotional Heimlich:
they put their arms around you
and give you a squeeze and all your fear
and anxiety goes shooting out of your mouth
like a big, wet wad and you can breathe again."

Charlotte "Chuck" Charles, Pushing Daisies

Martes, Setyembre 23, 2008

True or False

Walang komento:

Tama o Mali
September, 2008


Nung grade 1 ako, may subject ako yung CBA (Character Building Activities), na narename sa GMRC (Good Morals and Right Conduct) nung grade 2 na ako. Dati eh kapag may test madali lang, basta alam mo lang kung ano ang tama at mali eh ganun lang, kahit sa totoo naman eh balistad nun ang ginagawa mo. What matters eh 5 out of 5 ka na. Wala naman ako Values Education nung highschool at Theology nung college kaya siguro hanggang ngayon eh ang nagpapanggap na mabait pa rin ako. hahah

Ang mahirap (o madali, depende sa probability parin) sa Tama o Mali eh 50/50 ang chance mong tumama. So kung may 5 item test kayo, ndi ito basta basta 5 times 1 over 2. Hindi ka magkakaroon ng half chance lagi. Kung iko-compute mo eh 1 out 2 5 times multiplied by 5 ito. Or para mas madali eh 5 out of 2 raised to 5. So 5 out of 32, which is 15.625%. Sa 5 item test pa lang yan, pano kung mas marami pa?

Tapos nagkaron pa ng variations. Merong modified true or false. Yun bang kapag True write T, kapag false naman, write the word that made it false. Hindi ka na pwedeng basta bastang magtoss coin jan, kelangan mejo kabisote ka para alam mong may tama ka!

Meron pang isang variation, yung Morse type. Yung may statement one at statement two. Ang kaso nadoble na ang hulaan powers. Nung dati 1 out 2 chances lang, ngayong 1 out 4 na: true and true, true and false, false and true, and false and false.

Hindi naman sa hated ko ang true or false pero talagang nakakatorete ito. Minsan parang may tama na pero one word lang mamamali ka na. Basta alam mo ang basic theory eh mani na lang to. Eh pag morse type? Tinetechnican ko na lang. Kapag totally opposite yung theory behind jan, mejo lumalakas na ang loob ko na isang true at isang false. Huhulaan ko na lang kung alin ang tama, tapos ireverse na lang yung isa.

Eh kaso minsan napansin ko na parang parehas silang may tama. Sa dalawang magkasalungat na pananaw:

Statement I. Hindi laging may nag-iisang tama.
Statement II.  Minsan parehas silang may tama.

A. Both statements are True.
B. Both statements are False.
C. Only First statement is True.
D. Only Second statement is True.
E. All of the above.
F. None of the above.

Huwebes, Setyembre 11, 2008

Alin?

Walang komento:

Libra?
Semptember, 2008


Isang hapong walang kagana-gana, nanonood ang kapatid ko ng TV, yung mga Koreanovela nya sa DVD. Pagdating ng alas tres o alas kwatro yata, biglang inilipat sa dos at manonood na daw ng paboritong Mexican soap. Wala syang kasawaan sa drama noh? Heniweys, eh hindi pa tapos yung palabas so inantay na lang nila matapos yung palabas. Ang title ng show daw eh Ligaw na Bulaklak starring Roxanne Guinoo. Hindi naman talaga ako fan nito (kasi partly kapuso ako?) saka nako-cornyhan ako sa mga tagalog dramas. Ang OA ng pagkakasulat ng kwento, may mga dramang sobrang sama sa pagkamatay ng mga kontrabida, nawala na ang sense of poetic justice. May nahulog sa building o sa helicopter, natapakan ng stampede, nasunog, nabigti, at kinain ng mga buhaya.

Heniweys uli, andun pala si Ara Mina sa show. After years ng kacornyhan nya sa Bubble Gang eh dito pala sya pupulutin. Mas nakakatawa naman talaga si Rufa Mae noh, at saka sila Yaya at Angelina. San na nga ba ako? Ahhh, kay Ara. May scene sa show na mejo natawa ako at slightly touched. May ganun? So pokpok yata si Ara sa serye (may pinagkaiba ba sa totoo?) tapos para matustusan nya ang pagdadrugs ng kanyang ka-live in (kids don't do this at home) eh sumali sya sa contest yata, beauty contest noh, I don't think capable sya sa quiz bee. So question and answer portion na: (Mejo foggy sa memory ko yung exact lines ha, hindi ako scriptwriter nito)


Host: The question is, sinong pipiliin mo: ang taong mahal mo o ang taong nagmamahal sayo?

Ara:
That's a tough question.

Host: Yes, indeed. (Yah I know, kaya nga tinagalog ko na eh.)


Dito sa part na to nagpa-flashback si Ara dun sa jowa nyang adik adik. Tapos cut screen dun sa isang gelay sa table. I'm assuming eh mamasang ito o bugaloo ni Ara na nagbibigay ng pera sa kanya. So habang nagta-timespace warp si Ara eh dead air. Nakatingin pa rin si mamasang at naghihintay ng sagot. Pati kapatid ko eh sobrang bitin na, overtime na daw ang Ligaw na Bulaklak kasi. So nag cut to commercial ata. Ako rin nabitin.


Ara:
I choose you Pikachu! I mean yung taong mahal ko, kasi in time matutunan din nyang mahalin ako.


Akswali sad yung moment na yun. Kasi madarama mo na hindi talaga si Ara mahal nung jowa nya. Napatanong na rin ako sa sarili ko, sino nga ba ang pipiliin ko? Sino ang mas matimbang? Eh kayo?

Sa isang banda ang taong nagmamahal sayo eh ang taong pag-aaralan mo pa lang mahalin. Ang tao namang minamahal mo na eh ang syang inaasahan mo pa lang suklian ang pagmamahal mo.

Kaya nagkakaroon ng mga triangle triangle na yan eh dahil sa mga ganito eh. One loves you, but you love another one. Bakit hindi na lang bilateral lahat. Give and take. Mahirap din makahanap ng perfect match. And when you do, keep him/her. Live your fairy tale.

Bakit puro love love ang hanap ng mga tao ngayon?! Ito ba ang sagot sa kahirapan, gutom at mga krisis sa mundo? Oo, love makes the world go round daw. Kung lahat nagmamahal at nagkakasundo ay walang conflict, walang gulo.

World peace y'all! That is all. I thank you. Bow!

Martes, Setyembre 9, 2008

Manga-hin mo Mukha Mo

Walang komento:
Kamangha-Manga
September, 2008


Syempre kelangan din kami makiuso noh!
Di ba, Beckyfren?

"Oh yes you did Shenfren!"

Parang baliw lang, kinakausap ko na sarili ko. bwahahah


Miyerkules, Setyembre 3, 2008

Tagaytay Ghost Story

Walang komento:

Driver's Seat September, 2008


This story happened a few months ago along the Tagaytay Road. There was a guy who got left behind by a pack of mountain bikers. The group was large and he didn't bring a cellphone. He crashed his bike somewhere between Picnic Grove and DBP. To make things worse, a storm came in. So he walked.


This guy was on the side of the road hitch hiking on a very dark night in the middle of a storm. The night passed slowly and no cars went by. The storm was so strong he could hardly see a few meters ahead of him.

Suddenly, just before the junction going to Manila, he saw a car slowly looming, ghostlike, out of the gloom. It slowly crept toward him and stopped. It was raining hard, wind blowing all around you, what would you do? Like you would, he got into the car and closed the door, then realized that there was nobody inside the car, even in the driver's seat.

The car slowly started moving again. The guy was terrified, too scared to think of jumping out and running. The guy saw that the car was slowly approaching a sharp curve. The guy started to pray, begging for his life; he was sure the ghost car would go off the road and he would plunge to his death, when just before the curve, a hand appeared through the window and turned the steering wheel, guiding the car safely around the bend.

Terrified, the guy watched the hand reappear every time they reached a curve. Finally, the guy gathered his wits and leaped from the car and ran to the nearest place where there were houses and a store.

Wet and in shock, he went into the store and with voice quavering, ordered two bottles of beer, and told the people about his horrible, supernatural experience. A silence enveloped everybody when they realized the guy was apparently sane and not drunk.



About half an hour later two guys walked into the same store.


One said to the other...











"Yan! Yan yung tarantadong sumakay habang nagtutulak tayo!"

Martes, Setyembre 2, 2008

SEB Taft Now!!!

Walang komento:

LRT
September, 2008


Sa huling pakikipagsapalaran ng tambalang Shen En Becky ay huli silang namataang tinatahak ang kahabaan ng España gamit ang tricycle ni Gilbert, you know the motorcycle. I know right? Mula doon ay bumaba sila sa Tayuman Station at patungo sana ng Baclaran para magshopping shopping. Shala? They're like make sawa na to the Divisoria and Quiapo, you know!


Shen
:
Oh Beckyfren, are we like find to konduktor here like before and pay to him?

Becky
: Don't be a stupid Shen, we are like buy ticket ok, like a airplane ticket.

Shen: But look oh, the people are like so dami na.

Becky
: Don't worry, no problem. I can wait forever.

Shen: If your say its bitter too. I can wait...

Becky
: Please shut now and go line to them.

Shen
:
I'm just sing ok! Don't mad to me ok!

Becky
: Whatever!


At nagsipagpilahan na ang dalawa. Mejo mahaba ang pila, naalala pa nila nung time na bumibili sila ng NFA rice at namamasko ng relief goods sa baranggay hall. Maya maya, pinaglalalabas na ang mga school ID nitong bestfriends at ipinipresenta sa teller.



Teller
:
NEXT!

Shen: Two please ok!

Teller: Ishteyshyown?

Becky: Pardon. Please repeat after me?

Teller: ISTEYSHTOWN?

Shen: What is she say to you daw?

Teller: Saan kayu magbaba?

Becky: Oh why are you not say so already quickly. Please to Baclaran ok?

Teller: Pepten isa? Trinta.

Shen: Here's the ID ok.

Teller: Nu need por that.

Becky: Student discount ok?

Teller: No eschoodent descount!

Becky: What are we do?

Shen: Ok were not go eat later are you ok to that?

Becky: K fine, whatever!

Teller: Magbabayad ba kayo?

Shen: Yeiz, please wait and talk a while ok.

Becky: Here we are go!

Teller: NEXT!!!


Nakatapos na sa pagpila at papunta na sila sa platform nang biglang may narinig silang nagsisigawan. Parang telenovela lang. Asan si Ate Charo? Ayyy go lang baka biglang sumikat ng mga hitad.



Elvin
:
I LOVE YOU!!!


Serge
:
Pakkshett ka!


Elvin
:
Hmmmpppphhhh....


Serge: Joke lang! Wait!

Shen
: Can you excuse to me
ok!

Serge
:
Ano yun? Nagmamadali ako. Elvin wait!


Becky
: Are you like jowaerz to each other?

Serge
:
Ha? Sino ba kayo?


Shen
:
Are you not know to us?

Serge
:
Should I?

Becky: What the nerd!

Shen
:
Beckyfren let us go now or I'm anger to him now!

Serge
:
Yeah right!

Becky
: Hey see you ok. I'm hope you're good to your jowaerz ha!

Serge: Could you just shut up?

Shen
:
Gora na frenship, so kalurkey na this dod! Eeewww.


Matapos ang episode na yun, makiepal pa kasi sa business ng iba, eh sumakay na rin sila sa loob ng tren. Parang manghang mangha pa si Shen na bumubukas ang mga pinto mag-isa. Baka nga naman may tali daw na hinihila nung drayber. Mahaba rin ang byahe. At todo sight seeing ang bestpren sa mga guys, feeling may papatol lang.


Becky: You know fren, I remember that guy to the Tayuman ok.

Shen: Why are you crazzness to him?

Becky
: No, not really. But he is a cutie aren't he?

Shen
:
Kerri lang, may fezz value naman, pass him na ok, but he's so make inis me.

Becky
: Please forgive to him na!

Shen
:
It's like I remember to Banjo.

Becky
: What is it? Is he make steal money to you again?

Shen
:
No, I think I'm still a in love to him. You know the guys there are like make flashback to me the sad times, the happy times we Banjo and me are like share together in electric dreams.

Becky
: Oh I'm not forgive to you if your see to him again. What am I say to you? He's not a good. Look at! He's like drugs every now and then.

Shen
:
But he's still sweet as ever. I'm not look at the bad side, it's like this, if you're like to someone, your want to make pansin only the good. Maybe I'm change him to better if I'm with him ok.

Becky
: Haller?! You are out of this mind!

Shen
:
Oh Beckyfren what am I do?

Becky
: Not worry anymore, forget and forget. You'll find to others.

Shen: Sinetch naman ang lucky lulurki?

Becky: Hey are you see Gilbert's rellebo? You know, Jerry? He's a cute. I make intro to you in the videoke last week if I remember so right.

Shen: Oh him. Yeiz, he's a cutie too. Is he like to me? What is he says.

Becky: I think he's like notice to you also. Your good singer to him that time are you remember now?

Shen
:
I'm not make alala becouse I'm like singing to the back of my lungs like this. "AND I DON'T WANNA MISS A THING!!!"


Nagulat ang mga tao. Akala nila may kinatay na biik sa tren. Mejo nataranta. This is not a drill, I repeat, this is not a drill! BACLARAN STATION! BACLARAN STATION!!! Everybody out! Especially you two. Oo, kayo ngang dalawa jan!


Becky
: We go down now.

Shen
:
I think the voice is like angry. Are we trouble now?

Becky
: Oh Shenfren of course not, it's like we should go down now. Maybe the konduktor is like making us go faster.

Shen: Ah k. Let's go now. I'm want to go to church later. Are we go?

Becky: Oh sure frenship! Let us!


Umaasenso na ang frenship. Dati nakikiangkas lang sa tricycle. Ngayon eh pa-LRT LRT pa! Shala-shalahan. Sa pinagkalayu-layo man ng byahe basta't alam mo kung saang station ka bababa ay makakarating ka rin dun at sa pinagkahaba-haba man ng byahe, sa simbahan din ang tuloy. May sense ba?

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips