Miyerkules, Nobyembre 26, 2008

Crossing


Bagong Chicken
Pork Adobo

November 24, 2008


Well a big shout out muna sa new batch of CPAs this October 2008. The results were released after one day from the four days of examination on October 11, 12, 18 & 19 from Manila, Baguio, Davao, Cebu, Cagayan de Oro at may isa pang chorva, sori ha memory gap. Di bale nagsuSustagen na ako. The examination produced 2442 passers out of 6663 for a 36.65% passing rate, halos kasing levelling ng 2007 exam.

Syempre happy ako jan kasi part ako.  Heniweys, November 24 ang oath taking ceremony na naganap sa Plenary Hall ng PICC. Mahaba ang ceremony na puno ng kachorvahan lang. I mean may intro pa ng mga school faculty, at lalo na ang mga reviewers na mas malakas pa ang charisma kesa sa guest speaker. May mga messages ng guests na paulit ulit lang naman. Tapos meh awarding pa na buti na lang walang acceptance speech. At meron pa talagang kunwa kunwariang kamayan sa mga inductees with nirolyong papel at matching grad song. Grad song talaga?! Hindi man lang pinalitan ng background music into Low, Crank that Souljaboy or Kapag Tumibok ang Puso. Pajologan na to.

Syempre merong speech ang topnotcher. Madrama ito, azz in. Eh hindi nga ako mahilig sa drama. Sori sa mga fans jan ng MMK o Wowowee, pero nako-cornyhan talaga ako pag merong Star Drama presents factor na nasasangkot. Well may karapatan sya kasi top naman sya. Natawa lang ako nung mega comment sya sa mga thank yous nya, "And to my bestfriend, you know who you are." Oh di ba winner, pang showbiz ang dating. To begin with hindi ko alam kung boy o girl yun pero I can sense something eh. Well heniweys, congratz kay Richie Jackson Taguinod ng University of Saint Louis Tuguegarao. Paborger ka naman, I'm sure mayaman ka na! Naokray na kita bago pa kita na congratz. Peace!

Share ko lang yung first line ng speech nya na quoted somewhere at ewan ko lang talaga kung may konek sa exam ha. I find this very inspiring.

"I expect to pass through this world but once;
any good thing therefore that I can do,
or any kindness that I can show to any fellow creature,
let me do it now; let me not defer or neglect it,
for I shall not pass this way again."


Stephan Grellet

I'm happy for all who passed. It's only the start of a new journey. For those who didn't make it, kaya nyo yan next time. Aja!! For those who plan to take it in the future, Good luck and God bless!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips