Semptember, 2008
Isang hapong walang kagana-gana, nanonood ang kapatid ko ng TV, yung mga Koreanovela nya sa DVD. Pagdating ng alas tres o alas kwatro yata, biglang inilipat sa dos at manonood na daw ng paboritong Mexican soap. Wala syang kasawaan sa drama noh? Heniweys, eh hindi pa tapos yung palabas so inantay na lang nila matapos yung palabas. Ang title ng show daw eh Ligaw na Bulaklak starring Roxanne Guinoo. Hindi naman talaga ako fan nito (kasi partly kapuso ako?) saka nako-cornyhan ako sa mga tagalog dramas. Ang OA ng pagkakasulat ng kwento, may mga dramang sobrang sama sa pagkamatay ng mga kontrabida, nawala na ang sense of poetic justice. May nahulog sa building o sa helicopter, natapakan ng stampede, nasunog, nabigti, at kinain ng mga buhaya.
Heniweys uli, andun pala si Ara Mina sa show. After years ng kacornyhan nya sa Bubble Gang eh dito pala sya pupulutin. Mas nakakatawa naman talaga si Rufa Mae noh, at saka sila Yaya at Angelina. San na nga ba ako? Ahhh, kay Ara. May scene sa show na mejo natawa ako at slightly touched. May ganun? So pokpok yata si Ara sa serye (may pinagkaiba ba sa totoo?) tapos para matustusan nya ang pagdadrugs ng kanyang ka-live in (kids don't do this at home) eh sumali sya sa contest yata, beauty contest noh, I don't think capable sya sa quiz bee. So question and answer portion na: (Mejo foggy sa memory ko yung exact lines ha, hindi ako scriptwriter nito)
Host: The question is, sinong pipiliin mo: ang taong mahal mo o ang taong nagmamahal sayo?
Ara: That's a tough question.
Host: Yes, indeed. (Yah I know, kaya nga tinagalog ko na eh.)
Dito sa part na to nagpa-flashback si Ara dun sa jowa nyang adik adik. Tapos cut screen dun sa isang gelay sa table. I'm assuming eh mamasang ito o bugaloo ni Ara na nagbibigay ng pera sa kanya. So habang nagta-timespace warp si Ara eh dead air. Nakatingin pa rin si mamasang at naghihintay ng sagot. Pati kapatid ko eh sobrang bitin na, overtime na daw ang Ligaw na Bulaklak kasi. So nag cut to commercial ata. Ako rin nabitin.
Ara: I choose you Pikachu! I mean yung taong mahal ko, kasi in time matutunan din nyang mahalin ako.
Akswali sad yung moment na yun. Kasi madarama mo na hindi talaga si Ara mahal nung jowa nya. Napatanong na rin ako sa sarili ko, sino nga ba ang pipiliin ko? Sino ang mas matimbang? Eh kayo?
Sa isang banda ang taong nagmamahal sayo eh ang taong pag-aaralan mo pa lang mahalin. Ang tao namang minamahal mo na eh ang syang inaasahan mo pa lang suklian ang pagmamahal mo.
Kaya nagkakaroon ng mga triangle triangle na yan eh dahil sa mga ganito eh. One loves you, but you love another one. Bakit hindi na lang bilateral lahat. Give and take. Mahirap din makahanap ng perfect match. And when you do, keep him/her. Live your fairy tale.
Bakit puro love love ang hanap ng mga tao ngayon?! Ito ba ang sagot sa kahirapan, gutom at mga krisis sa mundo? Oo, love makes the world go round daw. Kung lahat nagmamahal at nagkakasundo ay walang conflict, walang gulo.
World peace y'all! That is all. I thank you. Bow!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento