Huwebes, Disyembre 25, 2008

Patawad


Namamasko!
December 25, 2008


Sa dami ng batang nagbabahay bahay eh nakakasawa ring sumigaw. Kung sa ibang bansa eh may Trick or Treat ang mga bata, ang sarili nating kajolog jologang version ang Namamasko po!

Kasama jan ang pangangaroling. Kung yung ibang bahay eh pagtapak ng September eh bonggang bongga na ang bahay sa Christmas tree, parol at Christmas lights, ang mga bata naman eh inaabangan lang ang pagtapak ng December para mangaroling. Wala pa ngang simbang gabi eh naririnig mo na ang mga ligaw na tono. Armado kadalasan ng tambol na gawa sa latang binutas sa magkabilang dulo at may plastic na ginomahan; marakas na gawa naman sa maraming tansang nakatuhog sa alambre; o ang paborito kong kutsara't tinidor, saludo ako sa kanilong pag-eeffort.

Syempre napagdaanan ko yan nung childhood moments ko noh, pero alam ko yung tono at lyrics, pati yung proper blocking at pagpoproject, isama na rin ang dami ng song choice dun sa album nila Basil Valdez, etal na Christmas medley ata.

Ang pinakaayaw ko marinig ang Patawad! Syempre kelangan gumanti ka ng Ambabarat ninyo! Ngayong eh umikot na ang gulong at ako na ang sumisigaw non. Bakit nga ba patawad? May kasalanan ka ba sa kanila?

Malamang humihingi ka ng paumanhin na hindi mo sila mabahaginan sa kaunting mayroon ka. Kahit papiso piso lang eh sana'y mapasaya mo sila, pero wag ka at baka ikaw pa batuhin nila non.

Ang pasko ay dapat season for sharing, season of smiles, season of love, at star for all seasons. Love you lucky me! Panahon to para magbuklod at magkaisa, upang magsama sama, upang magpatawad sa ating mga nagawa sa taong matatapos. Dahil ito ang itinakdang araw na para sa kapanganakan Niyang tumubos sa kasalanan ng mundo. Kung Siya nagpapatawad, ako pa kaya? Ikaw? Tayong lahat?

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips