Miyerkules, Disyembre 31, 2008

Fountain Dew

Countdown
December 31, 2008

Naiinis ako dun sa mga batang hagis ng hagis ng mga picolo sa kakalsadahan. Meron pa mga pinapatulan ang watusi, inaalog alog pa sa mga palad. Mag exhibition ba? Sige nga itry nila sa bibig alugin yun.

Sa totoo lang ayoko ng mga paputok na yan. Ilan na ba ang naputulan dahil jan? Wala ring takot ang mga taong to eh. They keep coming back for more. Kahit ipagbawal pa ng barangay eh wa effect naman. Sabi nga nila ang bawal daw ang exciting. Leche eh di putulan na lang ng daliri yang mga yan, tutal dun din naman ang kahahantungan nun eh di shorcut-in na natin.

Sinira ng kapitbahay namin ang ilang new year's eve ko. Bakit kasi kelangan pa magpasikat sa pagpapaputok ng pinakamahabang Sinturon ni Hudas. Hudas talaga sya, gustong gusto ko nang sinturunin eh. Hindi man lang ako makatalon ng maayos kasi maya't maya may hahagis na labintador sa pinto nyo.

Mas enjoy ko pa yung lusis na pwedeng ikaway, iwagayway. Wave!!! At eto ring Fountain na iniimagine kong volcano na nagpoproduction number sa explosion. Nitong nakaraang taon eh nabawasan na ang ingay, napalitan na ng mga ilaw. Mejo shala na ang mga tao, mejo gumagastos na sa pyrotechnics kaya nakakabalik na ako sa panunuod sa labas.

Magandang pagmasdan ang iba't ibang kulay sa sumasabog na liwanag. Kung ingay lang naman talaga ang habol ko eh di sana nagpukpok na lang ako ng batya at palu palo. Sa pagtingala ko mamaya, magwiwishing on the same star ako na nakatingala ka rin at humihiling ng magandang kapalaran.

Simbilis ng paglalakbay ng liwanag ay nahulog ang loob ko sa iyong pagningning. Rollercoaster ride itong 2008, maraming pataas at pababa na parang ispaghetti dinidigest ko ngayon. Marami ring paikot ikot, nahilo ako pero tumibay ang sikmura. Nawa'y ipagpatuloy mo ang iyong pagningas. Burn for me baby! Meganooon?! Bawat isa sa atin ay nagsilbing ilaw sa karimlan sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay, in one way or another.

Ilang sandali na lang magpapalit na tayo ng taon. Habang ang ilan nagsusunog ng pera sa mga paputok, may ilang nagsusunog ng tulay sa nakaraan, sa mga masasakit na sinapit at napagdaanan. May bagong bukas na nakalaan sa lahat. Kaya't gumising ka, maghilamos, magpagpag ng alikabok. Singhutin mo ang hangin na ngayo'y mausok pa at amoy pulbura, lilipas din yan. May papalit na bagong simoy. Bagong umaga na. Bagong taon na!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips