November 30, 2008
Nakipagnomo nomohan lang ako sa isang friend ko, si Tonton. Bale tinext nya lang ako na pumunta sa kanila. Magdala daw ako ng yelo. Tinanong ko kung ilan, malinaw na malinaw na isa daw. So nagdala ako ng isang yelo, yung nabibili sa tindahan ng tigdo-dos pesos. Pagdating ko sa scene of the crime eh kulang daw yun, isang bloke daw ang gusto. So tambling ako sa pinakamalapit na suking grocery groceryhan. Isang supot na yelo at dalawang Red Horse grande ang tangan.
Pagkabalik sa bahay eh balik sa kwentuhan. Hindi naman drowsy tong si Tonton pero I can sense na wala na sa tamang katinuan. Napag-usapan ba naman pati si Nicole Hiyala na kesyo rebonded lang ang buhok, 29 na pero nakabraces pa rin at bad breath daw, puro pink ang suot at andami kabebeltan na alipores. Ewan ko lang kung imbyerna lang sya kay Nicole o inggit lang sa tunay na engkandiosa. Whatever yaya!
Sa sobrang daldal eh naikwento rin nya samin pati itong si Natalee Holloway. Hindi nyo kilala si Natalee? Ako rin weh, pero ayon sa kwento na hango daw sa Fox News eh tatlong taon nang nawawala sya. Magfeeling where in the world is Carmen San Diego ba, or Where's Wally. So heniweys, nagbakasyon daw si ateng sa Aruba. Dun daw sya dinala sa beach ng isang nagngangalang Joran Van Der Sloot, with correction pa sa pronunciation namin na islowt daw dapat hindi islut. Sya daw ang pinakawafu na nakita nya. Ginoogle kagad namin at shett, lasing nga sya. Ngayon eh pinaghahanap pa si ate, nasa Thailand daw binenta yata bilang palengkera. Hindi kaya naabduct ng alien? ALIEN!!! Feeling ko nagtatago lang sya sa bombay eh. May kapitbahay din kami dati parang ganito nangyari sa kanya.
Bigla ba naman napansin ni Ton yung tenga ko. Maliit daw, ibig sabihin daw mamatay ako ng maaga. Kainis na! Pero ok lang daw yun kasi maraming iiyak daw para sa akin, sasabihin nila na sayang daw maaga ako kinuha ni Lord. Anobeh! Eh gusto ko man lang makatikim ng 20 percent discount sa Jollibee at libreng sine noh. Yung mga kasama ko malalaki daw ang tenga kaya aabutin daw ng isang daan. Lulumutin na sila eh buhay pa. Matutuwa pa nga daw ang mga tao pag nategi na sila kasi ba naman eh sobrang excited na silang maghatian ng pamanang lupain sa paso. Baka nga big reunion ito tapos may banda talaga, parlor games, madjongan, saklaan, at tongitan. Bonggacious to the maximum levellations ang despedida mo!
Ang moral lesson, wag na makipagtalo sa mga lasheng. Hayaan nyo lang silang magsalita, pag pinatulan mo pa eh boogie wonderland talaga ang mangyayari. Kaya nga daw tayo may dalawang tenga at isang bibig para tayo'y makinig muna bago magsalita. At kaya naman tayo naimbentuhan ng ating mga ninuno kung sino man sya ng mga earphones at earplugs eh para pananggalang natin sa mga kabubullshitan at tae taeng konsepto na maririnig natin kung kani kanino lang. And with that mag iiwan lang ako ng words of wisdom from our sponsors.
Una magdasal ka para mabuhay ka
Pangalawa magtoothbrush ka
Para mabuhay naman ang iba.
Nicole at Chris, Tambalan
Pangalawa magtoothbrush ka
Para mabuhay naman ang iba.
Nicole at Chris, Tambalan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento