Martes, Disyembre 30, 2008

Torpedo


Stoic
December, 2008

Leche patapos na lang ang taon eh andami ko pang iniisip. Hindi maganda to, ayoko magdala ng mabigat na damdamin. Sa isang banda eh masasabi kong maganda ang itinakbo nitong taon. Maraming bago:
bagong kaibigan, bagong aral, bagong karanasan, at bagong pananaw sa mundo at sa sarili ko.

Ayon sa isang psycho exam eh isa raw akong counselor. At napangatawanan ko naman yun sa pamamagitan ng pagiging chismoso, este adviser sa mga friends ko. Kahit na walang kakwenta kwenta mga payo ko eh mejo bumebenta naman sa kanila. Hindi naman talaga nila kaylangan ng advice, basta meron lang makikinig sa mga problema nila eh parang nakakagaan na rin ng kalooban. Sabi sakin ni Janice eh magaling daw ako makinig, akala ko dati sa chismis ko lang magagamit tong tenga ko, akalain mo yun kahit sa mga seryosohang usapan pala eh effective pa rin. Ang masama lang eh bakit pag ako na ang magsasalita parang walang gustong makinig?! Leche talaga. Ang natitirang pag asa ko, si Warren na lingguhan ko lang mahagilap dahil sa pagkocallboy, at si Maureen naman nasa Bataan pa para sa month long celebration ng kasal ng ateng nya. Alam ko namang napagtyatyagaan nila ang emo mode ko. Kelangan ko maglabas ng sama ng loob, at wa epek na ang dulcolax.


~0~


Jude: Ask ko lang hinihintay mo pa ba yung special someone mo kaya singular ka pa rin. Naghihintay ka pa rin ba sa wala?

Jeremy: Bakit on the spot ako?

Jude: Bakit ka pa rin naghihintay. TANGA ka ba?

Jeremy: Cheh! Kanya kanyang diskarte yan noh.

Jude: Kahit na. Waiting is waste of time for a lover na naghahabol sa taong walang kasiguraduhan.

Jeremy: The fact is hindi ko alam. Masyado akong choozy kaya hindi ako basta basta nakakapagdecide. And I dont care if I'm loveless right now, kaya wag mo pakialamanan ako.

Jude: Sana nga nakikialam ako so that I could slap yer face really hard. You could care and think about other's love problems, give comments and advices tapos you're being unfair to yourself, hanging in that comfy tower won't bring you any progress.

Jeremy: Eh kasi ang love nakakatanga yan.


~0~


Maricel: Pwede ko ba sabihin na kung busy sa work eh wag na lang i-try mgkaron ng lovelife? Napakakitid ko ba kung humingi ako ng time?

Jeremy: Hindi naman noh. Pero sa relationship eh investment ng time eh mahalaga di ba?

Maricel:
Kase di ba ano pang use na pumasok ka sa isang relationship kung wala ka naman time para dun. Eh di mabuti pang magsolo ka na lang.

Jeremy: Pero kung kaya naman nya magbigay ng time eh why not. Pero kung lagi na lang... kung sana nag-eeffort sya, kahit sa loob ng five minutes magpakasweet sayo.

Maricel:
Eh tuwing nandito sya usual na gagawen niya tatayo siya sa harap without saying anything as in wala, tapos maya maya tatanungin ako kung pwede niya ko i-kiss. Aba malamang eh di pwede diba?

Jeremy: Baka nahihiya lang sya sayo.

Maricel:
Ako nga nahihiya sa ginagawa niya, kase baka may makarinig sinasabihan niya ko ng "I miss you!"

Jeremy: Ayaw mo ba nun? Hindi ka ba kinikilig?

Maricel:
Ok nga yun eh ang ayoko pag wala siya. Mejo nahihiya pero kinikilig. Tapos kahit galit ako dahil di siya nagpaparamdam sakin eh nawawala pag nakikita ko na siya.

Jeremy: Ayyy in love ka nga, pero nalilito ka lang kasi namimiss mo sya lagi.


I don't know pero mejo allergic ako sa mga ganyang words. The most I can reply is "hmm.. ok. Thanks. Ikaw talaga!" BUZZ!!! Wrong answer. Pero what can I do, I'm certainly not romantic. Pero hindi naman ako robot. Tinman siguro pwede ba, looking for his heart. Tinanong sakin ni Ariel dati bakit nga ba pag gusto mo ang isang tao eh hindi mo masabi sa kanya ng derecho. From one torpedo to another, ewan ko ang sagot jan.

Sana hindi ko na lang binuksan yung "Jack-in-the-Box," nagfeeling Pandora tuloy akong nagpakawala ng delubyo sa kautakan ko. Hinahanap ko pa yung Hope sa ilalim, sana meron pa. Kahit isang stick lang basta may maaninag lang.

Leche patapos na lang ang taon eh andami ko pang iniisip. Hindi maganda to, ayoko magdala ng mabigat na damdamin. This is not me. I hate this feeling.



Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips