Ewan ko nga bakit nanalo sa voting yung Glam sa theme namin para sa Christmas party. Ok fine, sa totoo lang alam ko na kasalanan ito ng mga tao. Nagset kasi ng due date ng mga votes via Outlook at dinedma ng mga tao ito. Kung kelan kasi kabusyhan ng mga tao eh biglang nagsesend sila ng mga ganyan.
Kamustahin muna natin ang mga choices. Contestant number one is Miss Paskong Pinoy. Well, ok sana syang kategorya; makabayan ang peg. Naiimagine ko parang may regional na presentation or something. Paskong gawa sa mga dahon, papel, recycled plastics, at makukulay na tela. Pero wait, ano magiging costume namin? I know right. Next...
Contestant number two si United Nations. Suggestment actually ito para ipakita yung difference ng culture ng pasko sa ibang panig ng mundo. Pero wait, dinidiscuss pa lang todo plugging na ang mga bex ng kani kanilang bansa.
Hindi akin, hindi iyo. Kenya!
Malay mo, malay ko. Malay nating lahat. Malaysia!
Pak na pak! Pakistan. Ganyan. Miss gay ang labas ng Christmas party namin. Di ko bet. Cancel na lang pag yan. Busy ako. Choz.
First runner up si Cosplay. Hindi lang umabot dahil late na nagsipagbotohan ang mga shoobelles. I knerr. Sayang. Actually, kinatatakutan din ng karamihan ang cosplay. Di kasi nila maunawaan ano ba ang cosplay. Like duh. Costume plus play. Cosplay. Bow.
Akala kasi ng karamihan ang cosplay tungkol lang sa mga anime characters. Yes, malaking porsyento na ngayon ng mga cosplayers ay mga otakus, anime adiks. Pero tumataas na rin ang populasyon ng mga kume-KPop, na sa totoo lang eh hiram lang din naman sa Harajuku Japanese street fashion. Sa cosplay pwede ka naman magcostume ng kahit ano. Pwedeng Indian, popstar, bumbero, yosi kadiri, o senador na mahilig mamplagiarize. Depende yan sa style at interest mo.
Actually gusto ko icosplay sana si Watanuki sa xxxHoLic, either yung highschool student outfit nya or yung shopkeeper mode na. Hombongga lang kung makakapagsuot ako ng kimono.
Pero lost na lahat yan. Glam nga kasi. Last year Rock ang theme namin. Pero sa di inaasahang pagkakataon eh bakit Glam Rock pa ang nabunot namin. Two years na akong maggaglam. Ayoko naman isuot na yung red pants ko last year na di maisarado ang zipper sa sobrang kasikipan.
Iniisip ko na lang ngayon eh bibili ako ng magandang coat, plus tie na lang. Wais kasi magagamit ko naman minsan yun sa office pag super strictly business attire. Or pag may awards night choz. Or pag may innerview. Or client meeting. Or pag giniginaw at wala si Willie Revillame. Mga ganyang eksena.
Kaso pano ko kaya itotone down yun ng konti, mejo slightly rugged ang style. Parang yah know rockstar ang dating choz. Or kung paano ko maii-incorporate sa costume yung cosplay factors. Kimono kaya na may coat and tie sa top? Or coat and tie pero merong jejecap at pokeball? Nyahahah
This is not me. Di ako Glam. Di ako vogue and beat. Jologs lang ako. Pero rock. Choz.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento