Sabado, Mayo 26, 2012

Best Before

Tuesday ng umaga ng makatanggap kami ng email cc: ang buong floor na kulang na lang pati guard, housekeeping at innocent bystanders eh i-may-I-imporm-you ang peg. Ang subject: Respect for the Individual. Mejo mabigat ang allegations kaya inoff ko muna ang auto-ignore rules and alerts. Ansabeh:

"Please be mindful of other people's food. I noticed some of you have no pakundangan when it comes to making chorva other's food. Please practice respect for other's appetite. Thanks!"

Or something to that effect. Oh em, ayon sa aming pagsisiyasat aka pakikichikka: may isang mahaderang direct employee ang nawalan ng food item at mega escalate kaagad sa Supreme Court ng client namin. Ayon pa sa chismis eh ang allegedly missing food eh isang mamon na may tatlong kagat. Sya na ang Pusong Mamon awardee. 

Ayon pa sa aking unreliable source na si mahaderang direct employee ang isa sa mga reviewers ng Leadership Team na si Lilet. Isa lang naman ang pinoy dun so swak syang sya lang tlga. Siguro dahil ginutom sya sa kaka-salad nya araw araw eh naghanap sya ng tir-tir nyang mamon sa ref at voila it's gone. Siguro may nagtapon non with all the frozen laway laway and stuff sa ref.

Anyways, shift ang scene sa lunchtime namin ni Carol. Two weeks na kasi nagdadamo si Carol. And by damo I mean veggie diet ang lola. Tinry ko rin yan one lunchtime pero bumula ang bibig ko. Para maiwasan nang mabugnot ako ng alas dos eh di ko na ulit ginawa iyon evarrr. Pumapacham salad na kasi si Carol. Ang ingredients lang ng salad nya eh lettuce, tuna, and croutons (akala ko megachopped toasted bread yon hahah) topped with Caesars dressing.

So there we were sitting by our favorite corner nang mamataan kami ni Lilet habang lumalunch. Feeling namin si Lilet ay si Pusong Mamon eh. Eto kasing si PM kabisado yata ang chart of calories kaya beyri proud ang lola nang mapansin nyang veggie diet si Carol, no calorie computations required! Nakita rin nyang chipanggang Caesars dressing ang gamit namin kaya offer kaagad ng kanyang secret dressing. Shushal nakagarapon pa, gourmet ang peg ng dressing. Something garlic and cheese yata.

It was exquisite! I can taste pesto in my mouth with an explosion of sweet-sour symphony. Like spices dancing in my tongue. Urteh! Pero pramis I really lurve it. Parang nagcomplement ang lettuce, tuna at gourmet dressing. Fannastic!

Megachikka pa kami kay Ate Heidi na may natikman kaming masarap na dressing. Tapos yung mukha lang nya parang sinasabi, "SRSLY!" Azzin. Tapos hinalungkat nya yung pridyider tapos pinakita samin. Eto po mamser?! sabi nya. Sabay ikot sa expiration date. 02/24/2012

Pakshett! Exactly three months na nung araw na yon. Pinagpray ko na sana man lang typo yung 2012. Mygass, alam mo ba ang three-month rule? Dapat sa ganyan di na pinalalampas ng one month, or one week, or one day pa siguro. Dapat itapon na agad. Sabi ni Harold baka daw pwede pa yun kahit mga six months pa. Mygass paano yung mayonnaise or yung cream na ingredient nyan?!

Feeling ko sinadya itong lahat ni PM. Para sa katarungan ng mamon nyang nalost in space. At kami naman SPG ang peg, Striktong Patay Gutom kaya ayan kinarma. Buti naman di nasira ang tyan ko. Kinabukasan pa ako nakapagrelease, at medyo makrema sya choz. Pano na ang mga pangarap ko kung nategi ako dahil sa expired dressing? At higit sa lahat, aanhin mo pa ang damo kung nategi na ang kabayo?

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips