viewmaster by nickd3000
Namiss mo ba ang Friendster?
Well, magsisinungaling ako pag sinabing kong hindi. Bakit nga ba di ko mamimiss yun eh dun nagsimula ang lahat. Ang lahat ng kaadikan ko sa social networking. Ano nga lang ba ang nakakamiss dun? Yung mga parinigan na shouts? Yung mga sapilitang testimonials? Yung mga "Who's viewed you?" Yes.
Wala naman kasi non sa Facebook. Ilang apps at plug-ins na rin ang nagsulputang nagsasabing kaya daw nila ibigay yun. Ang ending mga hackers at viruses lang naman ang dulot nyan. Wag tularan!
Bakit nga ba tayo sabik makita kung sino ang nagview satin? Para sa ego lang ba to? Partly, yes. Nakakaexcite kasi malaman sino ba ang mga visitors mo. Teka, ano ano nga ba ang uri ng visitors.
Mga Uri ng Visitors
- Casual - mga napapadaan lang kasi may cool kang status, pics, or video na kakaupload lang. Other than that kebs lang sila sa other activities mo.
- Regular - araw araw vumivisit para sa possible likes at comments, in a normal, non-abusive way.
- BFFs - araw araw vumivisit para mang-okray sayo sa mga status updates mo. Kaya inimbento ang comment box para mabasa ng madlang people kung paano kayo magtalakan sa chatbox.
- Stalker - araw araw din bumisita para magpamudmod ng likes. Kahit ang pinost mo lang eh "Waiting in line to make jebs. Gosh so tagaaaahhhhl! IKR! @14F Handicap Restroom." ilalike pa rin nya. Lahat ng friends at mutual friends nyo alam na patay na patay sya sayo choz. Minsan nagcocomment din yan. At minsan nagpopoke pa. Utang na loob.
- Lurker - parang si stalker lang pero di nagpaparamdam. Ang taong tahimik nasa loob ang kulo. Mag-ingat! I-block/delete/unfriend/unfollow/unsubscribe kaagad at magpablotter sa iyong kaligtasan.
- User - mga nagvivisit lang para magplug ng pa-like mo pic ko please. Pwede ring nagtatag yan para magbenta ng ukay ukay business nila. At ang worse, bumibisita para magsend ng gift at neighbor request. Utang na loob part 2!
So, ngayon alam mo na ang mga uri ng viewers mo, ngayon handa ka nang alamin sino nga ba sila. May nakalap akong impormasyon na makakatulong sayo nyan. Tingnan nang buong laki ang larawang nakalakip.
Madali namang sundan ang steps di po ba?! So ginawa ko yan paulit ulit hanggang sa top 25 friends list ko nang maisip ko teka pwede ko naman sya iautomate. Open notepad. Save as text file. Open with Excel. Text to columns. Transpose to rows. Insert formula "="https://www.facebook.com/"&"B1" Boom! Ayun mega view ng top 100.
Ang feedback sakin nang mapost ko yan sa FB ko eh, verum est? Totoo ba to? Ano ba yung order, latest ba or something? Well, pakitingnan nga ulit sa step 7, BASA. There's your biggest stalkers' profile. Biggest. BIGGEST! Di naman sinabing latest. Or fattest. Biggest! So ano nga ba ang criteria ng ranking. I guess di lang sya basta basta visits. I think kasama jan ang interaction: likes, comments, pokes, and chats.
Sakin ang top 3 ko eh si Ezra, friendship ang food enthusiast, na isang BFF type na visitor. Number 2 si Aileen, officemate and certified emotera, na isang Regular type na visitor. Number 3 si JC, bunso ko at mas malaki ang sweldo nya sakin, isang Casual type visitor.
Chineck ko mula 100 din pababa. Kitang kita ang mga dating kaclose na nawalan na kami ng contacts masyado dahil nagsipagmove on na kami sa aming mga careers at interests. Nakita ko rin ang ilang crushes
BAWAL UMASA, MAY NAMATAY NA DITO!
At kahit ano pang pagvisit mo, di ka pa rin nila mapapansin. Ang ending, pang Friendster ka lang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento