Miyerkules, Hulyo 4, 2012

Nasa Letrang I


At lumipas na naman ang isang taon. Excited at kinakabahan. First time eh. Lilipat na daw ako ng kalendaryo. Excuse me, tanging si February lang ang lumigwak sa akin. At nasa letrang I pa kaya ako. Although lumipat na ako ng tens group.
May mga phone-in questions tayo:

Sabi ni Seth, "tanggap mo na ba?" 

Ano pa nga ba ang magagawa ko. As if pwede ka magpass muna. Forward lang. 

Sabi naman ni Carol, "kung ipapako mo ang age mo, ano at bakit?"

Kung ginusto ko lang talaga eh eh di sana ginawa ko na yan five years ago. Noong paniniwala ko na makukuha ko ang lahat sa 25. Ngayon isa na lang syang gunita.

Come to think of it, naenjoy ko naman ang tatlong dekadang nagdaan. Ish. Syempre mejo blurred na yung first part. Pero happy naman ako sa lahat ng mga nakasama ko sa paglalakbay na ito. Sa dulo tanging ikaw lang naman ang magpapatuloy. Pero thankful pa rin sa mga umalalay, nakijamming, nakiduet, nakichallenge, nakitagay, nakireview, nakikain, at nakipose sa telenovelang tinatawag nilang Life.

Follow-up question ni Ate Charo, "kung MMK episode ka, anong title ng telenovela mo?"

Iniisip ko dati rubik's cube. Kasi colorful. Kasi fun. Kasy geeky. Kasi complicated.

"Kung ulam ka, ano ka?"

Chopsuey. Kasi halu-halo lang. Basta basta. Walang consistency.

"Kung pelikula ka, ano ka?"

Di ko alam. Sana hindi naman Indie. Di ko kaya magbold. Choz. Pwede favorite movie na lang? Yung mga tipong Inception, Eternal Sunshine of the Spotless Mind, My Amnesia Girl, at Suckerpunch. Basta mindfuck. Ganyan. Konek?

"Kung kanta ka, ano ka?"

Di ko rin alam. Pero matagal ko nang pinangarap na maging musical ang buhay ko. Yung tipong biglang may magbaback-up dancer bigla sayo. Tapos may chuchuwariwap. Parang eksena lang sa late 80s at early 90s na comedies. Yung ending na after magdatingan ng mga pulis na bumunggo ng mga kahon na walang laman tapos tatakbo yung mga bida sa beach sa may bandang Batangas at kakanta ng medley ng Together Forever at Shadam dadam.

"Kung cake ka, ano ka?"

Pati ba naman cake tinanong?! Ewan ko ba bakit laging cake ang nireregalo pag may birthday. As if naman can't afford ang mga celebrators ng sariling cake. Ang ending ipapaubos sa buong company yung biniling sandamukal na cake. Pati dun sa kapitbahay nyo sa floor pinapamigay mo na yung tirang cake kesehodang favorite mo'ng Chocolate Marjolaine yan. Wag lang madurog sa ref (if applicable).

Ang favorite cake experience ko eh last year. Kay inay Jackie. Kumain kami sa Teriyaki Boy my fave. Tapos lumabas sya sandali para lumandi daw. Ang totoo pala eh bibilhan ako ng cake. Tapos pinakanta pa nya yung mga staff. Shett kahit isang slice lang yung ng uber tamis na cake, naappreciate ko yun ng sobra. First time ko kasi nasurprise ng ganon. I was not expecting that I swear. SRSLY.

At syempre mejo tight ako sa budjey ngayon. Sa akinse pa ang bonggang sweldo. Mejo napagastos na nga ako nung Sunday but it's worth it. I really love my foodography friends. Kahit saang kainan at photowalkan go. Thankful ako last Sunday sa pagbabonding namin. Thanks kay Chase sa pagiging mas emo sakin, kay Ken sa pagiging mas highblood, at thanks kay Ezz sa pagiging mas baliw sakin. (Ayan ha di ko sinabing mas matakaw. Given na yun eh choz). Last year din kahit tight budjey nakapag North Park pa kami non. At two years before that sa halagang 500 paysows eh nakapag gourmet gourmetan si Ezz.

Syempre namimiss ko rin sa birthdayan yung bestfriend kong si Ferdie. Nasa Japan na yun ngayon. Lahat ng birthdays ko invited sya. And vice versa. Siguro minsan ako naman ang bibisita sa kanya sa Nagoya. Ayun alam ko favorite nya ang cake. Siguro masasagot nya ang tanong kung anong cake sya.

Meron pa dalawang gastusang magaganap. At may two weeks pa ako bago makarecover. Isa with my loveable bexy Green Team. Kung wala sila baka matagal na ako naparesign. At may isang chorva pa ako with the Lemur and friends. Kung wala sila baka nagsupersaiyan na ako sa office. 

Hindi na naman ako makakabili ng something for me. Pero kung meron man jan gusto magdonate, gusto ko ng black Mokona. Hahah. Or should I wish patience. And clarity, peace, serenity. And world peace.

Last day na ng pagiging teenager. Goodbye TwenTEENine. Hello Fab thirties.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips