Martes, Enero 24, 2012

Turnover


Blackberry Turnover by jwannie via Flickr.
Literal na turnover. Over and out.


So naggoodbye na si Rabbit nung weekend at nagturnover na kay Dragon. Parang isang linggong affair lang ako sa kanya. Yah know "o kay bilis ng iyong pagdating, pag-alis mo'y sadyang kay bilis din." I can still remember how it all started. Roll flashback VTR!

Started about January 2011,  mga huling saglit na nakita ko si Sherwin. Di naman sya nategi noh, it's just that mahigit isang taon na kaming di nagpangkita. At dahil Chinese sya eh may tiwala ako sa mga iniispluk nya saking mga hula hulaan. Sakin swelte daw pera ang Rabbit. Pero lablayp malas pa rin. Kelangan ko daw ifriend ang rabbit dahil swelte sya sakin. So hokay di naman ako masyadong nagpapaniwala. Weeehh?!

That year may sumosorta pumoporma sakin eh di ko talaga bet. Ayun sinumpa sumpa pa ako, parang part two ng sumpa ni Anniel na hanggang friendships na lang lahat ng magiging future relationships ko. Ayun for the whole year wala talaga akong napala sa ganyang aspeto ng aking buhay. Kahit si Destiny na ilang ulit umepal eh di talaga kami pinagtagpo ng landas. Tatlong beses din ako umasa kay true love but no binigo nya ako. Okay fine, move on... choz atzif ganon kadali. The Script pa naman ang drama ko.

Ayon kay Sher eh yayaman daw ako. Two days before ang year of the Rabbit eh hinainan ako ng ultimatum sa previous work ko, magforce resign daw ako dahil ayaw nila akong iregularize (at para at least maganda daw ang exit ko sa company). Gumuho na ang mga pangarap kong yumaman sa slightly above minimum wage minus deductionssss kong sahod. Asan ang yaman jan? So ayun, di ko na pinaabot ng New Year ang stay ko doon para naman mejo gumanda ang start ng taon ko.

After a few weeks hired na ako kaagad sa isang BPO company, although slightly above lang sa last salary ko eh pinatos ko na rin. May plus plus naman sa benefits eh kaya bawi na rin kahit papano. Yes pinapaniwala ko ang sarili ko sa mga ganyan ganyan. And yeah after almost ten months nakaipon na ako at nabibili ang mga gusto kong bagay. Pero yah know it can only buy you so much. Dahil kahit pa gaano karaming pera ang ibigay sayo ni Rabbit di naman nya mabibili ang peace, di naman nya mabibili ang wisdom, di naman nya mabibili ang love.

So ayun kung pwede lang mamili kung swerte ka sa love o sa money, pwede sa love na lang? Or both? Kasi naniniwala akong all we need is love, love will keep us alive, love lifts us up where we belong, your love your love your love is my drug, tot-tot-tooooot love radio. And the greatest thing you will ever learn is to love and be loved in return. End drama.

So there nag going going going gone na ang Ever ready Metal Rabbit at eto na si Water Dragon. Ayon sa mga sites na nakita ko eh bad to average luck lang ako this year. So kelangan ko pa rin si friend Rabbit para additional swerte, plus kelangan ko na rin fumriend ng Dragon. Who knows what's in store. Baka this is really iz it. This year yayaman na ako... errr... magkakalablayp na. Kung magdidilang anghel si kuya Noi eh baka makatatlo daw ako this year. NKKLK! Isa lang nga eh parang milestone na sa akin yon.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips