Miyerkules, Nobyembre 14, 2012
Amalayer
Photo by Animated Cupcakes via Flickr.
Amalayer (O kung paano wag maging epic fail ang public scandal)
Uso na naman yang babaitang social media sensation. Eksenadora! Imagine naungusan na nya pansamantala ang One Direction, si Vice Ganda, #KMJS at si Tito Sen. Dahil lang najiritate sya to the maximum levellations dahil daw sa isang lady guard. Ayoko sana maging judgmental, pero talaga namang bitchessa sya. Azzin, mega obstruction of public order and public policy sya dahil sa may-I-english-englishan sya dahil daw tinulak sya or somethang ni ateng Ermenguard.
Alam ko mainitin ang ulo ko minsan, madalas. Pero never pa naman ako humantong sa ganyang eksena. Like kanina sa office. Almost lunchtime na nung biglang nagpatawag sa akin yung Finance Manager namin from Melbourne. Eh yun pa naman napakademanding. Nagsimula sa mga Q&As at inaamin ko di ko alam yung process na tinatanong nya pero infernezz after ng dalawang oras at kagutuman eh nairaos din namin.
Naglunch ako alas dos na. Akala ko nga nakapagligpit na ang mga suking jollyjeep pero no. Nagstart pa lang sila... ng meryenda meals. Azzin mga sopas lang for lunch. Mabuti na nga lang merong wheat pandesal si Carol at may embotido si Jayson. Nairaos din ang gutom.
Pagbalik ko sa station ko, boom! Sabi ng Team Manager namin kelangan ko daw tapusin yung bagong process kesyo di daw kami nagsabi ng timeline kaya kelangan within the day daw tapusin. Josko, madali lang kasi mag utos di ba?! Tapos andami pang tanong na kung anu ano eh hondang honda* nga ako pauwi eh. So kesyo sumabog ako right there and then, umabout face na lang ako, nagpakawala ng malalim na exhale, pumunta sa pantry para mag-igib ng tubig, at bumalik sa station para tapusin. Ihi lang pahinga ko, makalipas ang isang oras. At eto pa, si Team Manager pala ang hohonda. Woooooooow!
At least di ako nagwala sa floor. Amalayer?! You're calling me alayer?! So, amalayer?! Ganyan. Walang ganyan. Inhale exhale lang katapat.
Matapos matanga tanga, gutumin, at paovertimin, nakauwi pa rin naman ako ng matiwasay. Natuto, nabusog, at nakatapos pa rin naman sa mga tasks. Maraming salamat na lang at may work pa ako ngayon. Kahit minsan nakakasawa na. Kahit minsan pinapaflash na sa panaginip ko na pwede daw ako magFB, magpasok ng celphone at noodles sa production area, at mag iPod, eh natitiis ko pa rin ang trabahong to. Kasi, kahit papano mas masaya pa rin ako sa mga iba jan na public enemy, super minimum wage, o zombie na sa tambak ng papers. Well, happiness is a choice nga siguro. And bad vibes are just a state of mind. Amalayer?
____________________
*honda = on the dot; walang pang OT choz
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento