Photo by mAi1227 via Flickr.
Sakura
Anong petsa na? Spring na abgroad (wehanongayon eh Tag-ulan at Tagtuyot lang naman ang seasons sa Pinas), patapos na ang isang quarter, patapos na ang DST sa Australia. Wala pa akong matinong naipopost ulet dito sa Multiply. Izz like napabayaan ko na sya. May nagbabasa pa ba kasi sa mga sinusulat ko? I dunno. Urteh.
Heniweys, nabusy kasi ako sa work, at kahit petix mode ako madalas eh wala naman akong access sa Multiply sa office para magblog yah know. Come to think of it, meron naman yata kaso di ko naman isusugal ang work ko para lang sa walang kapararakang pagso-social networking. Ngayon pang magwa-one year na ako. Ngayon pa?!
Heniweys, kung napapansin naman siguro ninyo (sa pamamagitan na rin ng pagpapapampam ko marahil) na ang kabusyhan ko sa mundong online eh nakatuon ngayon kay Tumblr. Kasi naman meh pacommit commit pang matatapos ko ang 366 Days of Happiness. Pero di naman laging happiness, minsan ramdam ko Days of Emoness ang ganap pero wapakels go pa rin sa hashtag #366 Days of Happiness.
Infernezz umi-english ako don ng bongga. To think frustrated writer ako sa school organ namin, frustrated since circa 1993, dahil na rin sa copy paste ko. Ok fine, guilty ako dati, that was before pero ngayon slight na lang choz. I've learned my lesson mehganon. Nakikigaya lang ng technique. I know I can never be a Paulo Coelho, or George Martin, or Bob Ong, or Wanda Ilusyunada, pero I know somehow, in some way or another, eh naihahalu halo ko sila. Fusion. Uso yan.
At infernezz din, natutuwa ako kasi may mangilan ngilang nakakabasa ng aking mga akda. At ngayon may-I-push pa sila na magsulat ako ng article sa aming recently concluded company outing. Ewan ko lang kung maseseryoso ko talaga to pero gusto ko talaga lumaki ng konti ang aking network coverage. Sana man lang mabasa ni crushie na minsan sa tanang buhay nya eh meron isang nagblog tungkol sa kanya at sa kanyang smile na umaasang sana mahalin mo rin ako. Urteh!
Heniweys, kung napansin nyo rin (o diba andami ko sabing papampam eh) eh masyado na akong nafofocus sa pagpipiksur ng food. Minsan madalas food na talaga ang subject ko. Kasi na rin kelangan ko magblog araw araw eh pinakamadaling subject eh food. Kaya ayun laging naghahagilap ng food na mapipiksuran at makakain na rin. Kelangan something new and fresh lagi. Kaya di ko na maaachieve ang abs eh, puro food na lang palagi. Ginagawa ko nang dahilan ang blogging sa pagkain.
At dahil jan natutuwa naman ako at maraming nakakaappreciate ng aking pagpipiksur ng food. Yah know I'm not really that good with kodakan dahil very minimal lang ang exposure ko sa photography. Kung ano lang maishare sakin I'll gladly grab it and apply it. Nakakainggit nga yung friend ko na si Ken at Ezz kasi marunong sila sa food preparation kaya naisasama nila sa composition ang designing for more katakam takam na foodography.
Heniweys, pramis I'll get back to blogging sa Multiply soon. Gagawa na lang ako siguro ng monthly catchup posts. Yung mga major major events lang ang may separate blog posts. Saka kung may emo posts sa loves and crushes. Pakshett na yan! Bakit di na lang kasi magconcentrate sa work at food eh. Mehganon?!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento