XIV from X/1999
And then I came back for a vengeance. Parang si Soraya'ng nahulog sa 17th floor eh muli akong bumangon para magwish ulet. Well syempre tanggalin na ang mga unwishable stuff like lablayp or world peace or 1 million peso bijowke challenge or lablayp or stuff dahil never magkakatotoo yan... ok payn I still believe, happy?! Sana nakipagsimbang-tabi na lang pala ako noh pero nooooo... wala sa aking moralidad ang ganon. Pag nagsisimba naman ako eh at least 80% ng aking atensyon eh nasa altar (tao rin ako, may stimulus and response, nadadarang din).
For the first few days lagi kong tugon po sa part na "atin pong idulong ang ating pansariling kahilingan" eh tumataginting na love, love, love, I want your love, kahit sino na lang talaga... choz di naman ako ganon kadesperado. Pero I know di ako makakakita ng love sa simbahan, chapel, cathedral, shrine, templo o basilica dahil hindi naman sya hopeless place. But then naisip ko'ng mahalaga sa ngayon ang health ng family ko so naging bridesmaid muna si love. But then it dawned on me, what I really need now... yes temperance.
Urteh, san ko naman napulot yan?! Suggestment lang ng friends. Yah know kasi I've read somewhere na ang personality ko eh somewhat acidic. Critical. Hostile. Easily offended. Ganyan. So ayon na rin kay Dra. Holmes (sino pa bang ibang Holmes? Katie ganon?! Margarita syempre choz) eh dapat daw ipack up ko ng konti ang Gretchen Baretto. Di naman ako nag-iistilettos ahhh! Dapat daw bumijowke muna ng My Way si Meredith Brooks ganyan.
Seriously, masyado kasi akong offensive mag-isip minsan. Buti nga di ko na sinasabi, binablog, tinitweet, or winowallpost lahat ng nasa isip ko kungdi matagal na akong nasagasaan sa isang eskinita o tinapon na chinap-chop sa may bandang Bulacan. Sa paparating na year of the Dragon, mas pagpapalain daw ako kung lesser ang aking bitchiness. But what can I do, but to beach around with pellow beaches. Ok payn, reduce lang ng konti, parang sorta kinda resolution ko na rin.
As yah know kasi ang opposite sin ng temperance eh rage. So ayun nga pag galit ka para kang nilalagnat ang budhi sa taas ng temperatura. So ang sagot jan eh temperance daw, like moderation. Parang sa commercials lang, drink moderately ganon. So there, sana maendeavor ko tong bagong endeavor na ito this year, kasi si Lord di na naman binigay ang wish ko. hahah
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento