Sorry by cdw9
Sorryness
Anong pinagkaiba ng sorry at apology? I apologize di ko niresearch. I am sorry. Gets?
Kung titingnan lang parang parehas naman. Pero kung susuriing mabuti magkaiba pa sila sa bukang liwayway at dapithapon. Alam mo ba ang pinagkaiba nila?
Ayon sa nakalap kong chismis, sinasabi lang daw yung apology kung inaamin mong may ginawang something dun sa tao na di naman dapat. Sinasabi mong sorry ka kung taus puso sa iyong ang paghingi ng paumanhin. Like pwede kang mag-apologize pero di ka nagsisisi sa ginawa mo. Pwede kang magsorry at di makaramdam ng pagtitika ngunit ito'y maituturing na pagsisinungaling.
Sa panahon ngayon marami na'ng taong sinasabi lang ang sorry just for the sake of saying sorry.
"I... AM... SORRY!" sey ni Ate Gloria noon kay Susan. Tinanggap ba ito? Syempre hindi dahil di taos sa puso ang paghingi ng dispensa.
"Is that how you say sorry? Oh sige na, sorry na! Ikaw ate, tanggap mo ba pag ganyan nagsorry sayo?" sey ni Amalayer. Totoo naman eh kahit sino mag iinit ang ulo kung ganyang klase lang ng pagsosorry ang matatanggap mo. Masabi lang nagsorry.
Sa panahon ngayon ang sorry ay namumulaklak lang na kasinungalingan sa bibig ng marami. Mga salitang di mo dapat paniwalaan at face value. Parang "I love you!" o kaya "don't call us. We'll call you!" o kaya "load mo ako 150 may sasabihin ako importante." Tanga na lang naniniwala basta basta sa mga sorry. I'm so sorry.
Akala ko di ako makakapagsorry ever. Feeling ko kasi ang sorry ay para lang sa mga weak. Parang tipong, I'll say anything I want and never be apologetic about it. Pero di ganyan ang takbo ng mundo. Matututo ka ring magpakumbaba ang humingi ng tawad.
Kanina. Akala ko honda ako but I was so wrong. Kelangan magOT. Sa kabilang team halos pauwi na lahat maliban sa isa. Pabiro ko syang binati. At ang sabi lang sakin "STOP IT! SASAKALIN KITA!" Nagsorry naman afterwards. Pero di ko na naramdaman. Nashock ako at nahurt. Urteh. I didn't mean anything malicious nung binati ko sya. Pang uplift sana ng feeling. Sino ba naman gusto mag OT?! Heniwey, kanya kanyang trip yan kaya walang basagan. Ayaw nyang binibiro, fine. Ayokong nasisisi sa walang kakwenta kwentang bagay.
At isa pa. May isang umanfriend sakin sa Facebook. Di naman big deal. Iviview ko sana yung pics nila sa recent out of town trip nila. Pagcheck ko wala na sa friends list ko. Nisearch ko pa sa friend list ng friend kasi di naman searchable ang profile nya.
Add friend. Yan ang tumambad sakin sa profile nya. Kebs. Di ko alam kung anong ginawa ko sa kanya para maasar sya at iunfriend ako. Di ko sya kilala, pero I sincerely apologize kung nasaktan sya sa mga jokes ko. Nakakasakay nga sya sa mga lait at okray sa kanya ng mga teammates nya eh. Ako pa'ng minsan lang sumundot ang kinaasaran nya? Di ko alam ganun na pala ang impact sa kanya ng jokes ko, if ever yun nga ang rason. Di nya ako kilala para bigla na lang mabuset ng ganon. Sa akin normal lang yon. At inuulit ko, sorry kung nakasakit ako ever.
Jokes are half meant. But sorries should always be fully meant.
At, di kagaya ni Gloria, uulitin ko, kahit market market, kahit pa ito daw ang hardest word ayon kay Elton John.
I AM SORRY!