Martes, Hulyo 20, 2010

Moon Crystal Power

 Lunar Corona by I am marlon via Flickr.
"Tsukini kawatte oshioki yo!" ~Usagi

 
Mek-ap!
 
 
Yah know nung bata pa lang ako eh nagpapaniwala ako sa mga kwento kwento ng mga pagtatransform sa gabi. Sikat na sikat noong 90s yung mga manananggal with the pahid pahid ng langis at pagdivide ng lower half tapos fa-fly na si ateng Alma Moreno or madam Lilia Cuntapay with matching bat wings at hinangin-sa-labas na herr style. Di ko maintindihan bakit iniiwan nila in the open yung lower half with the palda and evrathang para lang mabuhusan ng asin. Dapat nga umami ang pinangbubudbod nila para sure na tegi kagad di ba?
 
Ang jologs nyan compared sa western stories ng lycanthropes commonly known as werewolves. As if naman kasi merong wolf sa Maynila, or sa Pilipinas? Meron nga ba? Hindi porke't nakapagchange ka na to wolf pagbalik mo sa human form eh hunk ka na. Kelangan ng matinding gym or adobe powers noon. Pero sila naman eh tumatransform sa full moon hindi yung anytime na pwede eh go sila.

Di tulad nitong mga beki. Sa gabi may Moon Crystal Power Make-up and poof bongga na sila, regardless sa phase ng moon. Yung iba more powerful sa New Moon sa kubli ng dilim, yung iba more glamorous sa Full Moon sa refraction ng light sa foundation.
 
Mek-ap!


~0~



White Party
06.26.2010

Bugso ng hindi natuloy na coffeehan, discohan, at videokehan nung nakaraang linggo dahil nagka-emergency sila Jomz sa house nila, napagpasyahan namin na jumoin sa White Party.

This is my second white party. Nung 2009 parang ordinary Saturday night lang. Walang stage. Walang program. Walang music.
Walang crowd. Walang bubbles. Nagkanya kanya lang ang mga bars. This year full force sila ha. Dubbed Lunar White chorva kasi nga full moon that night. May stage. May program. May music. May crowd. Walang bubbles pero maraming kabonggahan silang pinrepare.

Closed ang traffic going to Orosa y Nakpil dahil barricaded na ang place. Sa may giant pilsen  balloon kami nag-antayan at nagkita kita nila Jomz. May entrance fee ng fifty pesos with matching pink bands at number pa. May pa-raffle ba sila? Anong prize? Mek-ap?!

Si Jomz went there in all purple glory from shirt to shoes lurvett, si Dolph in white v-neck shirt at si Ino in blue striped long-sleeved polo. Si Abbu in white long sleeves. Ako naman in blue and white checkered polo, more blues than whites. Last year nga blue and white striped shirt, more whites than blues pero ang tingin ng mga tao blue daw ang suot ko. Color blind pala ang mga beki. Maya maya nagdatingan na ang ibang mga friends. Jade was wearing white shirt, he was with Miguel wearing black pero ang weird lang sa kanya eh meron syang Sharin-gan contacts. Mejo naskerd ako, anything about eyes kasi freaks me out. Then enter frame si Juna na kinabog kaming lahat dahil all white sya from polo to pants to shoes and glasses. Di ko na inalam kung pati undies eh white din. Si Popoi humabol lang wearing white shirt and shorts na parang pang elementary lang.

We stayed muna sa Silya for a while para sa fine dining dahil tomguts pa yung iba. Then we decided to go out and look for a bar to go. Paglakad pa lang sa labas eh punong puno ng tao. Haggard lumipat sa Orosa side. After ng push-pila na naganap eh di rin kami makapasok sa O-bar or Che'lu dahil jampacked na daw. We got stucked dun sa forgettable videoke bar na ginagawang CR ng mga walang pang entrance sa ibang bars. We got one bottle of SanMig Lite each. Di namin akalaing yun na ang last bottle namin for the night.

Biglang nagstart na ang program sa stage na nakaset-up. Hosted ito ni Lex Bonife, na napagkamalan kong effem version ni Jamby. May award award-ang naganap at binigyan sila Vice Ganda at Sweet. Josko wala pang five minutes yung total airtime nilang mag thank you sa stage tapos exit stage left at pack-up na. May umakyat ding mga konteserong Mr. Gay World Philippines na tinilian ng sangkabekihan yung iba.

Nagperform si Lady Gagita ng Ale-alejandro kasama ang bigay na bigay nyang mga buk-ap dancers. Si Haronce entra din ng Single Ladies pero parang hapontukin sya sa kakulangan ng supply ng Enervon. Mabuti na lang talaga naghelp-a-friend si Lady Gagita at pumerform na sila ng Telephone. Kaso sira yung audio, naging statue dance ang performance nila. Infernezz sa kanila ha kineri nila kahit sinabotahe ang show nila. Nag-end ang show sa mga gogo boys na gumigiling at lahat umiistreet partay.

Exit frame kami pabalik ng Silya. Kasama na rin namin sila Ef, Sher at Waga, at may isa pang guy sa likod ni Sher pala... akala ko friend nya kasi nakaakbay. Maniac pala, nilalamas na ang butt ni Sher kaloka. Nakasalubong pa namin si Mitch na compared sa last year's kurtina gown eh mas normal pero beautiful pa rin ever. Kasama nya si Chard na parang nangayayat ngayon ng todo. Nakakuha kami ng seat malapit sa kitchen ng Silya. Elevated ito kaya maganda ang view to make aura at okray.

May nakita si Jade na nakared gown at isang mahabang korona, which he dubbed High Priestess samantalang ang tawag ko lang sa kanya eh Queen Seon Dok. Merong
Jabba the Hutt guy na parang ilang bata na ang kinain, whole. Merong ilang kapulisang present don, beki rin sila teh? Merong guy doon (nasa dream sequence daw ni Popoi at nakita nya'ng nategi after nila jumerjer. Officemate pala ni Ef yon) na kaloka ang outfit, meron syang suot na Solar system na headgear.

Present din ang mga twitter buds ni Jade doon pero keber syang ipakilala kaming lahat. Hindi pa naman sya bangag that time pero nawala ang kanyang social graces to introduce people. *Choz arte lang* Nagkaalaman na lang kami a week after yata. Ayyy-sya-pala-yon?!-moments. Ni wala man lang kaming mention sa tweet nya.


RT @crazyangelblue: White Party with @messengerbagboy @Yurow @wthroflmao @blissandvoid

 

Dumayo naman kami sa backstage para maki-dance. Actually pwedeng umakyat sa stage and we did. Kaso ang scary kasi umaalog sya. Bumaba kami afterwards para maghanap ng bar na pwedeng pasukan. Ayon sa sitsit eh suicide na daw pumasok sa bar dahil sa kasikipan, may libre ka pang buni, an-an, alipunga, hadhad... well for sure hadhad makukuha mo. Dapat may baon kang Canesten para alis na ang kati-kati.

Kahit alas kwatro na eh may nagchecheck pang bouncers sa bars kaya di rin kami maka free entrance. Luhaan kaming rumetreat past four. Nag-McDo pa muna bago magdisperse. Si Waga may balak pa atang bumalik at maghagilap ng wala pang take home. Ano to?! The boat is sinking group yourselves into two?! Kaloka! Baka nga naman daw yung mga choosy nung madilim pa eh naiwan pa don at gogora na lang sa next best tira tira.


 

Wensha  
06.27.2010

Nagpaalam naman ako sa kanila na may lakad pa ako sa Timog after ng Malate. Nakasakay ako ng bus going to Fairview para derecho na'ng Timog. Usapan na kasi namin ni Warren na gogora kaming Wensha this morning ng 6 am under one condition: ililibre nya ako ng half. Dahil siguro wala syang mahaltak this time to make Wensha eh um-oo na rin sya.

Nakarating rin ako sa Timog sa wakas. Nagtanong ako sa manong gardo ng oras, twenty to six. Sobrang aga ko pa pala. Nahiya naman akong maghintay sa loob ng Wensha kaya I stood outside na lang, kunwari naghihintay ng jeep. On blast mode muna ako sa mp3 player na sumesenti. Di ko naman matext si Warren kasi ba naman na-lowbatt ako kakatext ng mga tao sakin na ginawa ba naman akong logistics officer. Tinitignan ko bawat taxing dumaraan kung sya na ba yung nakasakay sa loob.

Gaano ba katagal maghintay ng twenty minutes? Madali kung meron kang dalang relo. Paano kung wala. Ang basehan ko eh ang dami ng kantang bumubulusok sa aking tenga. Around five to six songs siguro average. Ilang Freestyles, GaGas, Third Eye Blinds, at Imagos na ang nakalipas eh wala pa ring Warren. Ilang taxi at jeep na ang tumigil at tumingin sa akin eh wala pa rin. Sinikatan na ako ng araw wala pa rin.

Shett ininjan ata ako. Dahan dahan akong naglakad pasakay ng jeep patungong MRT at jeep uli sa bahay. Pagod. Puyat. Gutom. Low-batt. Nagtweet muna sa web bago nagcharge ng battery. Biglang *toot* may isang message, galing kay Warren sinasabing male-late sya kasi may chorva muna sila ni Joross. Tinext ko kagad kung nasaan sya at tumawag kagad. Pinapasunod pa ako sa Wensha. Go daw aantayin nya ako kahit 7:30. Parang nabawasan ang pagod ko at dali daling sumugod pabalik ng Timog (after magharvest syempre)

Trenta hanggang kwarenta singko minutos lang ang byahe pala kapag walang traffic. Pagkarating doon eh nagrequest akong magbreakfast muna dahil hindi na kinakaya ng sikmura ang pag-aayuno in preparation sa Wensha'ng to. Konting sinangag lang at juice gogogo na uli ako.

Tandang tanda ko pa naman ang mga dapat gawin dito sa wensha. Una maghubad ng lahat ng saplot including undies, twalya lang ang dapat isuot, at itago ang mga gamit sa lockers provided, then go ka na magshower before dipping sa jacuzzi. Kaso nakalimutan ko palang no slippers allowed sa wet area. Naalala ko lang nung nagsa-shower na ako. Kaya pasimple kong itinago sa loob ng cubicle yung sinelas shett.

Paglabas sa shower eh napansin kong nakapatay yung TV nila. Ayon sa chikkadorang manikurista ni Warren eh one month na daw na walang cable doon. Naputulan siguro ng jumper hahah. Yung dating scalding hot tub nila eh maligamgam lang din today. Pero yung cold tub parang galing sa ref. Nagtitipid ba sila sa costs or what? Kunsabagay konti pa lang ang customers nila this early.

May lima o anim lang kaming nasa wet area that time. Yung dalawa eh chubby kaya dedma, yung isa eh daddy type, yung isa chinito. Kita namin na nagkukulong sila ng madalas sa steam room kaya sumugod din kami. Wala naman, navaporize lang ako. Lumipat kami sa saunang walang tao at walang malay. Favorite spot namin to kasi clear yung glass partition, sound proof, hindi masyadong barbecue mode, at di sya pinagkakaguluhan ng mga tao. Dito kami madalas mang-okray ng ibang customers, I mean mag-observe kasi nga ginagawa na naming private space ito. Hindi naman lahat ng nasa loob ng menagerie eh syang nasa spotlight, minsan yung nasa loob pa mismo ang maraming puna sa nasa labas. Gaya nung daddy at chino. Napansin na namin na nagkukulong sila ng madalas sa steam. Ni-dare ko si Warren na sundan sila don para tingnan kung may milagrong nagaganap. Go naman sya. Wala naman daw. Magkalayo yung dalawa. Si Chino nasa wall naka-full nude pero nakatalikod, parang nag-aabang ng bobona sa kanya. Choz!

Tambling na kami sa second floor para magpamassage, ashushwal male. Dinala kami sa isang room na may three beds. Tigkabilang dulo kami kasi merong railings overhead, baka daw may tapakan massage na maganap, ambitious! Pumasok na yung dalawang masseur. Yung naka-assign kay Warren eh chumichikka nung una. Pati ba naman work tinatanong. Ano to may kasamang lifestyle check? Yung sakin naman eh puro "ok ka lang ba ser?" ang tanong. Ano naman sasabihin ko eh di okay. Tuwang tuwa pa sya kapag napapatunog nya yung mga buto ko, lamig daw yon. Siguro marami akong lamig sa lower back kasi doon lagi masakit sa madalas na pagkakaratay sa upuan. Madalas din don nya ako minamassage, malapit lapit sa aking butt. Kaloka, taray ni koya? Single ka koya? If you want jerjer, I'll give you jerjer. I'll be there in my red bible, magpray na lang tayo. Choz! Bago matapos ang entire massage-an eh nagtanong pa si kuya kung gusto ko ng stretching, na tinanggihan ko naman. Ayoko nang mabali ang katawan ko. Okay na ako sa ganitong smooth and shiny and glowing.
Mek-ap!

Iniwan na ako ni Warren sa room para magpamanicure/pedicure. Bumorlogz ako ng bongga sa loob. Naalimpungatan kong may pumapasok sa room pero lumilipat din sila. Nagising ako after less than an hour yata, ramdam ko kasing may woodmorning na ako. Nakakahiya dahil andami pa namang sumisilip. At take note nakanipis lang ng robe nila para takpan ang aking yah know.

Lumabas na ako sa common room para abangan si Warren. Tomguts na ako pero ok lang na mag-antay ako at magmasid. May dumating na isang pamilya galing sa baba. Parang first timers sa spa. Nagtatanong pa sila ng instructions kung san ang ganito at ganyan. Yung male area po sa baba. Bumaba yung daddy at kuya. Naiwan ang nanay at kaatehan. Maya maya
Mek-ap! nakapagtransform na rin sila. Lumingon ako kung san sila nanggagaling. May door pala malapit sa massage area ng female, dun din yata ang wet area nila. At least ngayon alam ko na ang misteryo, merong female area ang Timog branch, di nga lang equal ang placement sa floor plan gaya nung sa Pasay. Di to pepwede sa akin, dahil isa akong advocate ng symmetry.

Nakikinig din ako sa sigaw nung receptionist papuntang massage area. Tawag lang sya ng tawag ng mga masahista kung kanino maa-assign ang mga to. Isang lalaki sa babae, isang lalake sa babae now na! Ang bongga lang tumawag ni teh. Isang babae sa lalake, isang babae sa lalake now na! Parang host lang na nagtatawag ng contestant. Dalawang lalake sa dalawang lalake, dalawang lalake sa dalawang lalake now na! Parang orgy lang kakaloka. Isang top sa isang bottom, isang top sa isang bottom now na! Isang butch sa isang femme, isang butch sa isang femme now na! Baka naman isang comedy bar host ito nung past life nya. Isang love para sa isang hopeless romantic, isang love sa hopeless romantic ngayon din!

Bumalik na ako sa pagtatimespace warp nang mapansin ko ang isang pechay customer na kakatapos lang ata magpamassage. Kumuha ng food, halos isang bandehado. Umupo sya sa dulong table, tago sa crowd. Nung dumaan ang isang waiter nagparequest pa sya ng shabu-shabu. Nagdagdag pa sya ng isang bandehado ng ingredients doon. Infernezz kay teh balingkinitan ang kanyang katawan, maraming inggit sa kanya for sure. Ano kayang sikreto nya?

Pagkabalik ni Warren sa mani/pedi nya eh pinagmamalaki nyang bayootipul na uli ang kuko nya. Ok lang ako kasi I can manage naman to cut my own nails, sure pa akong di ko ito maaksidente. Lumipat kasi sa may bandang harapan. Nagpaorder na rin ng shabu shabu. Kumuha ako ng kalahating bandehadong food plus mga sangkap sa umami soup namin: corn, tofu, squid balls, carrots, pechay, at ilan pang greens. Si teh daan lang ng daan sa amin, she keeps coming back for more. Madaling nagretire ang Warren sa fiestahan. Napilitan tuloy akong ubusin lahat. Pero si teh anjan na naman, ice cream naman ang uupakan. Mejo nachallenge lang ako ng konti kaya inubos ko na ng tuluyan lahat ng nasa plato at kaserola, except yung sabay over na yon. Ang ending, winner si teh! 1-0


Moral of the Story: Ang umaarteh sa bar wala ni tira-tirang ka-date. Ang walang arteh sa food walang tira tira sa plate. Dahil ang magtitira may fine, parurusahan sila sa ngalan ng buwan!

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Good brief and this mail helped me alot in my college assignement. Say thank you you seeking your information.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips