Linggo, Hulyo 25, 2010

Dark Choco


May tirang Toblerone sa ref. Sey ni Momey kung gusto ko daw, milk choco. Sabi ko ayoko. Masyadong pasweet. Bitter ako eh!

Sey ni Furdy, ang tunay na dark choco di madaling matunaw. Nilantakan namin yung Meiji na padala nung mommy nya galing Japan. Kalagitnaan ng summer yon, di nga sya tunaw.

Sey ni ateng Malou kung gusto ko daw ng choco nya, Cadbury, sabi ko ok na po ako sa Goya.

Biglang poof, binigyan ako ng dark choco, at Goya pa. Nagpabarya lang pala si Dark Chowko kaya binigay nya sakin yung Goya Dark Choco. Nabasa nya kaya na like ko sya? I mean the Goya dark choco. Choz!

Eh biglang natunaw yung choco na to nung tinago ko sa bag. Shett isa kang malaking peke! Ayheychu! hahah

Dahil jan magbibigay na ako ng food reference sa mga friends, acquaintances, enemies and the like. Go! Some people associate songs with people, ako ia-associate ko sila with taste hahah.

Tandaan: Bitter and salty will be prioritized. Sour and sweets will have to be deliberated. Umami will go straight sa lababo.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips