Lunes, Hulyo 27, 2009

Malate Reload

Photo by Mikytz at Flickr



It's been like 17 months since nung una akong mapatapak sa Malate. The very first time eh napadaan lang naman talaga kami don kasi kakain kami sa may Wok Inn which was in Remedios Street yata. I remember that was the first time ko nameet si Jay na akala ko dati rakista dahil sa pic nya. I was so wrong, azz in so, so wrong. hahah. Infernezz to Jay naman eh pacute at pasweet pa sya that time. Yung talagang night out ko was watching a gig way, way back March 08 yata. Nasundan ng ilang casual inuman along Orosa-Nakpil lalo na jan sa may bandang Silya at Obar. And so time flew.



Padi's Point

March 14, 2009


Kasama ko ang mga friends sa YG ng CPAR at nagkayayaan pumuntang Tia Maria's. Since naligaw na ako sa bandang yon dati eh sabi ko mejo alam ko yung lugar. Galing Rob Ermita eh gora kami along Orosa. Pagtapat ng Nakpil napatingin sila sa malaking sign sa ibabaw ng Obar---Top & Bottom ata yun. Eh puro good boyz en gelz ang kasama ko kaya wala silang idea kung anu man yan sa salitang beki, at wala naman akong balak maglecture sa kanila, baka masabihan pa akong nagmamarunong. Pagdating sa Remedios Circle nalito na naman ako, marami palang pasikot sikot dun. Basta ang natandaan ko lang eh dapat yung way papuntang Roxas ang lakaran namin. Buti na lang nakamove on kagad ako sa lituhan portion at natunton kagad yung place pero closed pala sa kadahilanang meh private party daw ng mga Bedans yata. Kaya go na kami sa Padi's. Uminom, pumapak, nagsayaw, nagkodakan, nakising-along, solb na sana kaso walang booking dito. hahah



Obar

June 13, 2009


Galing Top Grill sa Jupiter eh tumambling kami papuntang Malate nila Warren at Wilson. Una eh uminom muna kami ng Wengweng sa labas ng Obar. Pero nung feeling ko sasabog na ang pantog ko eh nayaya na akong pumasok sa Obar ni Warren. Ok fine! Mejo masikip sa loob. Di nga ako masyado makagalaw eh. Imagine, maglalakad lang ako papuntang CR ha. Mejo mahaba din yung pila. Nakaisang beer stub lang ako actually, at ilang half steps kasi talagang masikip. Yung dramang di mahulugan karayom ba. Pero bakit ba ako maghuhulog ng karayom don, anong mapu-prove non. Anong social relevance ng mga ganyang sawikain ha?! Anong kashungahan? Anong gagawin ko sa karayom sa isang bar? Alangan namang magganchilyo ako don dabah?! At saka masama daw yun di ba, kasi madaling mangalawang daw ang karayom sa gabi. Ano daw?!

Maya maya may nahook na si Wilson. Isang slightly chubby chubbyhang guy dun. May sayawan, yakapan, at lipchukang walang puknat. Biglang exit stage left si guy, ambilis daw masyado ni Wilson azz in parang nakalaklak ng SIMECO. Ambilis lang dabah. Pero sa tingin ko eh nasobrahan lang sa Sanmig Lite ang Wilson kaya ayun hyper karir mode na parang walang bukas makakuha lang ng booking. hahah. Akswali nalasing na sya ng sobra, hinatid pa namin sa may Starbucks para sunduin ng jowa.

After noon, tumambling pa kami ni Warren bandang Cubao para pumunta naman sa Palawan 2. Since anong petsa na yon eh wala na kaming naabutan na show. Sayawan at kariran na lang ng mga tao ang nandoon. Di pa namin naabutan si Mau na imimeet sana namin sa P2, pero lumipat pala sa P1. Nakailang tambling back and forth kami sa P1 at P2, yun palang akala namin P1 eh Starlight daw. Kaya pala di kami magpang-abot eh. Nagkabukingan lang nung magkatanungan kami ng Now Playing na kanta sa videoke. Asus, sa My Way lang pala magkakatalo.



White Party

June 27, 2009

Nainvite ako rumampage sa White Party by none other than Mitch yah know. Ininvite ko naman ang Warren kaso di pwede kasi may pasok daw sya, ganun daw talaga pag pangkatulong ang day off ni Inday. Tapos naaalala ko si Jay kaso naman nasa Olongapo ang drama. Sabi pa na pag pumupunta sya don di daw sya nagwawhite, so ako naman gusto ko lang maexperience ang pumunta kya go pa rin ako in white striped polo. Mejo masikip ang kalsada that time, maraming tao, maraming nakawhite buti na lang, maraming nagbebenta... ng alak, ng food, ng sampaguita, ng aliw, at ng yosi.

Nakita ko sa may bandang Silya sila Mitch, wearing this, wearing ONLY this... bra, pekpek shorts, at kurtina (na actually eh silk-like dream kaya mejo kita na ang kaluluwa. Nakaupo na rin ang Yanyan at Daniel sa sulok. Inom-inuman ng Infinit at kwentuhan ng biglang may-I-question-and-answer-portion-you si Daniel:


Daniel:
Bakit di ka nagwhite?

Jeremy: White na kaya yan?!

Daniel: Hindi eh, parang blue yan.

Jeremy: Blue yung stripes pero white yung base color oh, see!!!

Daniel:
Hrrmmmkay... parang hindi talaga.

Jeremy: Ano pa gusto mo yung laba sa Tide?


White naman talaga ang suot ko weh. Pramiss! Pinasurvey ko pa, tumabi ako sa mga tao tao dun at chineck talaga kung same ang consistency ng whiteness, and survey says... 68.48% ang nagsabing OO daw. Heniweys, habang nag-iikot ang aking mata eh nakita kong maraming kumo-costume talaga. Dress for the occasion kung dress talaga sila. Kakatawa lalo na yung nakadrag talaga.

Sayang nga kasi 50 PHP lang daw ang entrance sa BED eh ang kaso lang lahat gusto makapasok dun so sa sobrang haba ng pila eh tinalbugan nila ang pila sa lottohan, NFA rice, at fans club ni Marian Rivera azz in. Eh ayaw naman nung mga kasama ko magtry sa ibang bars dun so up to 3 am yata nakatengga kami sa ilalim ng punong mangga sa tapat ng Silya. Akswali umambon pa nga eh, wishing lang ako na blessing-blessingan ito in disguise.

Dati daw may stage sa Malate para i-accommodate tong partyness na to. Dati daw may mga bubbles pa. Ngayon eh walang wala talaga. Nagkanya kanya ang mga bars ng sari-sariling drama. At mga katatauhan eh naipit sa gitna, sa gilid gilid, sa ilalim ng puno, at sa kung saan saang sulok. Kung nagkaisa ba naman sila eh di may bubbles sana at lahat happy.


Chelu
July 18, 2009


May I come back with a vengeance sa Malate na naman ako. Ngayon kasama naman si Nic na nakilala ko lang through Mitch nung White Party. Ang plano nya sana eh sa BED eh ang kaso nga it's like soooohhh majahhhhl, and I'm sooooohhh majiraffe lang yah know. So we settled for Chelu. Tinext ko ang Jay kung makakapunta sya. Tumambling naman kagad ang Jay, from Heritage bandang Roxas yata galing sa kanyang clan, para lang kami'y makadaupang palad.

Sa loob ng Chelu eh ashushwal na masikip. Beer stub one ko eh para sa San Mig Light, ayoko na ng Red Horse after nung Suka Factory event kasama sila Eric, Jade at Arvy dati. Heniweys, sa may sulok uli kami katabi ng table lang. Di naman ako makasayaw dahil una wala akong moves, dapat daw nagpaturo ako ng choreo kay Jay. Pangalawa, sobrang sikip nga. Di ko lang talaga sure pero amoy na amoy sa loob ang parang chocolatey goodness kinda smell. Ewan ko kung karamihan dun naka-Dark Temptation na Axe deo, or may natapon na Sustagen sa dance floor. Mas bet ko kung Sustagen sana para yun na lang ipapalit ko sa beer stub.

Wala pang 30 minutes may nahook na kagad ang Jay. Mukhang ok naman yung guy, kaso daw eh sobrang wet daw nun, at ang layo talaga ng place... sa may Parañaque pa!
"PA-RA-ÑA-QUE!" echo nung isang majubis na beki sa gilid namin na nakiki-audience pala sa amin. Ang sama daw ng tingin sa grupo namin, eh kasi naman insekyora ang hitad. Tatawagin na lang natin syang Tia Becky (azz in Chubby Beki, megacontract to chabeki, gets mo na?)

Nung kumuha ng round 2 namin si Nic eh pagbalik nya nagrereklamo syang meron daw nanghihipo sa may bar. Si Jay din na umorder ng Iced Tea eh ganun din ang report. Nagsayaw muna kami bandang gitna, biglang may uma-aura kay Nic na 2 guys. Grabe naman pala yung dalawang yun dahil megahipo talaga. Uso ba yun ngayon ha?! Bakit di ako updated? Wala ako narereceive na memo!!! Heniweys, pagbalik ko sa table wala na ung Sanmig ko. May uminom na! Kakainezz, di ko pa nalagyan ng umami yon para mas malasa sanaeh! Napilitan tuloy akong kumuha uli sa bar. Infernezz wala akong naexperience na hipuan, leche!

Nakailang lipat pa kami ng lokasyon kasi sa kasikipan eh walang masayawan, at walang ma-aurahan. And everytime nalipat kami eh nandun si Tia Becky, parang stalker lang ang drama nya. Sinusundan talaga kami, pati ng kanyang nakakatunaw na titig. Damang dama mo talaga ang bitterness sa kanya. Ang di ko nadama eh ang inis ni Jay sa kanya. Dahan dahang pumosisyon si Jay para tabigin ang isang bote ng Red Horse kay Tia Becky.

"BITCH!!!" sigaw ni Tia Becky. "I am SORRY!" naman ang drama ni Jay, ala Ate Glo. Yun pala sori sorihan lang sya. Super happy kaya nyang nakaganti kay Tia Becky. Eh kasi naman kala mo kung sino makapangmata ang Tia Becky, eh kung um-outfit naman eh naka-souvenir shirt lang.


~0~


Summary: Ang pag-asa ko makahook sa Malate, parang Coke lang: Zero or Sakto lang. Well di naman talaga ako naghahanap ng aurahan don. Basta may kasama lang ako eh ok ako. Eh pano kung iniwan na ako ng mga kasama ko para sa kanya kanyang bookingan? Uwian na ang drama ko noh! hahah. Well after ko magtry mang-aura siguro. wahahah

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips