Martes, Mayo 7, 2013

Darkside


"Mga kapatid," bungad ng baliw na preacher sa gitna ng masikip na MRT. Para lang tanga, salita nang salita gayong di naman lahat ng tao makikinig sa kanya. Pinagdidiinan tlga nya na kung di ka makikinig sa kanya automatically sa impyerno ang punta mo. Ok fine, dun pa lang naclassify na nya lahat ng tao: mabuti at masama. 

Not everything's ones or zeroes, or blacks or whites. There's a whole lot of color spectrum in between. All conveniently underneath gray shades. Totoo, wala ako sa pwesto para magsabi kung sino ang pupunta sa heaven or hell. At wala rin sya. Pero I can say not everyone is perfectly good nor perfectly evil. May percentage na good at evil ang mga tao (or lawful and chaotic). Depende sa measurement mo ng moral compass nya.

Anyone could be good, or bad. It depends on how you control your darkside. Di lang Jedis ang may darkside. Side note: weird lang ngayong naacquire na ng Disney ang rights ng Star Wars. Imagine may singing numbers na rin ang newest Disney princess Leia choz.

~0~



Nauso sa mga Pinoy ang pagpapaputi. Naimbento ang iba't ibang uri ng mga sabon, creams at lotion para maaddress ito. Di ba tayo proud sa ating kayumangging kaligatan? In fact, maraming nainnggit sa lahi natin. Yung mga puti nagpapa-tan. At iba ang dating ng natin sa mga blacks, bronze na middle Easterners at siguro ilan sa mapuputlang Asians.


As if glutha ang kasagutan sa lahat. As if sakit ang pagiging non-mestizo. Siguro bunga na rin ng colonial mentality. Na white is beautiful. Pero sabi nila kapag adik ka daw sa glutha, naiipon ang darkside mo sa mga siko at tuhod. Pano yan naturally maitim ang siko at tuhod ko?! Gluthababy ka kagad. Hahah. Lahat naman ng tao may darkside, yung iba nga lang nasa kili kili.

Sa totoo nga gusto ko maging tan. Sa lalake kasi di maganda ang masyadong maputi. Yung tipong Edward Cullen maka-shining shimmering splendid. Bex ka kagad pag maputi kang lalake. Yan ang stereotype. Aminin mo mas lalakeng tingnan kung moreno. Kaya bet ko yon. I mean maging moreno. Choz!




~0~


Aminin mo man o hindi, nakakatakot isipin na malakas ang pangalan ni Nancy Binay sa senatorial race. Sa isang survey na isinagawa recently, nag number 2 or 3 yata sya sa matutunog ang pangalan. Ang factor naman nila eh mapanegative o hindi eh ikacount pa rin nila yun sa sarbey. Negative publicity is still publicity. Ang mga Binay pa naman ang epitomiya ng kaitiman. Mahihiya ang Nazareno sa kanila choz. Ayaw pa naman ni Korina ng mga maiitim na maligno choz.

Paano ba naman favorite ng mga netizens pagdiskitahan si Nancy. Ano bang nagawa ni Nancy? Exactly! Wala tayong alam na nagawa nya. Ang track record nya eh isang personal assistant ng kanyang parents. Pero hindi mo naman mahuhusgahan ang husay ng isang tao sa kawalan nya ng resume. Well sa corporate world mahalaga yun. Moreso sa public service. Sabi ni inay Jackie samin eh si Nancy daw tlga ang kumikilos para sa Makati. Ok fine, wala ako sa lugar para icontest yan.

Funny lang tlga ang mga online jokes kanya. Naikumpara din sya kay Risa Hontiveros, na malaki na rin ang experience sa politics kahit pa walang syang backer na family sa pulitika. Naging target meme din sya ni Senyora Santibañez. Akalain mo pati tan line nya kinekwestyon ng senyora. Yung totoo, Nancy? Tan line ba tlga yan? Lahat ng tao may darkside. Kay Nancy whole body nga lang.

~0~

Tagal ko na di nakita sila Bash at Chris. Siguro mahigpit walomg buwan na rin. Well, at least si Chris nakikita ko paminsan minsan. Eh si Bash buhat nung nagkalablayp naging busy na rin sya samin.

Mahigit six months na daw sila ni Johnnie. Record yun. Dati kasi singles club ang peg namin. Ewan ko bakit nasama si Bash samin eh mabenta naman ang itsura nya. Sa totoo nga mabebetan ko sana sya kung hindi lang nakakabuset ang pagkadaldal nya. Heniweya going back, si Bash kasi may sumpa. Lahat ng najojowa nya hindi tumatagal pagdating ng Ber months. Sa ganung panahon bigla na lang sya nagiging single. Ewan kung anong dahilan. Pero ang hula ko it's not them, it's him. Sya lang tlga ang dapat sisihin. Hahah

Heniweys nagyaya siya biglaan sa Mega. En route na ko nun papuntang Laspi pero pinagbigyan ko. Minsan lang to. After ng ilang "wer n u" texts eh nagkita rin kami sa Cyberzone. Kasi naman pwede naman sabihin kung nasaan sila specifically sa Mega kelangan mo pa sundutan ng followup questions. Ang liit liit lang kasi ng Mega di ba? At kahit nagmamadali na ako, binagalan pa tlga nil magdecide kung san kakain. Gusto daw chicken. Eh punung puno ang Bonchon. Mahal naman sa Kennys. Ayaw sa Wendys o McDo. Ang ending sa foodcourt kami.

Napadaan kami sa mga stalls at isa dun eh pinagtitinginan si Bash. Hula namin ex nya. Sabi nya di nya knows. Eh bakit sya tinititigan? Baka daw FB friend nya. Fact: FB friend - someone na knows mo lang online pero kebs ka kung sino sya in real life kung di mo naman feel yung tao.

So nag ikot ikot muna kami kung san kakain. Mag sisizzling plate sana kami pero ang ending bumalik kami dun sa chicken joint. Dun mismo sa binilhan ng mga FB friendish nya. Lumayas na yung grupo maliban sa isang bex na wagas makapagnyort nyorts. Eh majitim naman ang skin nya, di kakinisan at maraming balahibo. Teh pwede mag ahit!

Nagplace na ako ng order after ni teh. Chicken and spag. Mejo matagal ang service. Pagkabigay sakin boom! Mejo Korean style sya. As in fried chicken na may special sauce coating. Mejo dark ang chicken. Too dark for me pero di sya uling-dark ala Mang Inasal. Tinanong ko sila Bash ano masasabi nila sa chix. Di nila bet lalo na yung dark complexion. Kulang sa glutha? Oh baka naman nagsusuot ng nyort nyorts yung mga chicken nila. Choz!

Yung spag too ordinary. Filipino style. Mas masarap pa ang Jabee. Pero nakakabother yung cheese na nilagay on top. Like one dollop nilagay nila on top. Eh yellowish sya. Imaginin mo may nana yung spag mo? I knerr!

So nagkwento na si Bash about his lablayp. Six months na nga sila ni Johnnie. Pero parang rebound lang ang peg nya. Ok lang sa kanya kasi mahal na mahal nya yung tao gayong nagiging tanga na sya.

Masama daw kasi ang ugali ni Johnnie. Yung puntong sasabihjn nya ang gusto nyang sabihin kahit masaktan pa ang sinasabihan nya. Ang tawag jan Krissy syndrome choz. Yung tipong nasabihan na sya ng "tanga tanga ka kasi!" dahil sa balak na pagreresign ni Bash. Well, kaya naman sya magreresign dahil pinagtutulungan daw sya ng coworkers nya. Pero di naman naiisip ni Johnnie ang rason nya. Basta tanga tanga lang si Bash. Well totoo naman tanga tanga sya. Tanga sa pag ibig. Kaya ayoko naiinlab eh, nakakatanga yan.

Sabi ng Johnnie di naman daw sya dati ganun. Epekto lang daw ng recent heartbreak. Iniwan kasi sya ng jowa dahil magtatrabaho na daw sa Thailand. Kalaman laman nya may bago nang jowa somewhere in Bulacan yata or something. Kaya ayun sumama na ang ugali. Pusong bato ang peg.

So kapag masama ang ugali ok lang na idahilan mo kasi brokenhearted ka? Ilang Senyora Santibañez ba ang nabuo dahil sa bad experiences? Hindi lang sila marunong magdala ng sitwasyon. Kung may umapi sayo, rise up at ipakita mo sino binabangga nila. Wag ka na Bumella Aldama sa higanti higanti issues. Revenge is a dish best served cold sabi ni kuya Francis. May karma din ang mga putang inang yan.

At laging tandaan: May the force be with you!
Tugon po: And also with you!


____________________
Photo by John Chumack _ Observatories via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips