Sabado, Mayo 18, 2013

Gowgel


IGMG!

"Igoogle mo gago!" status ni Jett. Natawa ako sa first time ko naencounter ang abbreviation na yan. Google na yata ang pinakagasgas na search engine. Di ko na ginagamit si Yahoo, may AskJeeves pa ba or Dogpile? Naalala ko ang prof ko nun sa computer class, ang tawag jan sa google eh /gah-gehl/. At inispell pa nya ha. Gee oh gee gee el ee. Goggle. Tama naman pala ang pronunciation nya. Sige teh igoggle mo yan. Baka magkaron tlga ng website na goggle.com pag inulit ulit mo.

Nag-expand na ang salitang google from being a noun. Ngayon commonly accepted na sya as a verb. IGMG! Pag di mahanap san ba ang pinakamalapit na Jabee, IGMG. Anong ibig sabihin ng salitang effervescent, IGMG. May piso fare na ba sa Cebupac, IGMG. Ilan na kaya followers ko, IGMG.

Self-googling is everyone's right.

I remember Jowein used to say she schedules a bimonthly self-googling. Di dahil she's self obsessed like maybe some people. Kanye West, yes? choz. She just checks ang mga lurkers ng kanyang virtual life. Well, di ko naman naconfirm with her about the story. I just know there's this friend or acquaintance. They're no longer speaking I would assume. Pero this girl is like trying to step into her persona. She's like using the same nickname na rin and stuff. Too Single White Female ang peg. Skeyri I know. Ang difference lang pretty si Jowein. I know right teh.


Ever since then, naisip ko na rin na magsagawa ng self-googling habits ko. Not bimonthly rin. Kung kelan lang maisipan. Ginoogle ko na full name at nickname ko. So far, puro public profiles ko naman ang lumalabas. As in I'm so public sa innernetz. I don't know why. Like I'm  a social network whore na hahah. 


Too bad wala pa akong posers. Dahil ang posers ay para lang sa mga kinulang ng self-esteem na nagtatago sa persona ng ibang tao. Well yung iba ginagamit yun to poke fun at other people. Like yung mga fake accounts nila SuperstarMarian, Krissy Kalerqui at Mommy D sa  Twitter. It would be offensive sa side nung totoong tao. Pero yan ang kalakaran ngayon. Beggars can't be choosers, pero posers pwede pa. Choz.


Kung may bet ako, kuntodo gowgel ako sa kanya. A few keywords lang naman kelangan mo eh. Pangalan, workplace, tirahan at suking tindahan. Search google. May lalabas at may lalabas din jan something sa kanya. Kung di sa google, sa FB. I'm sure may lalabas jan. 
Stalking, for me, comes off as a normal reaction to having crush. Happy to see a little bit more than just a pretty face. Sad to see, well, that they're taken. Oh well...


Yeah, nagstalk na naman ako sa aming kapitbahay sa office. Dami kasing crushable dun. Dati nakukuntento na ako sa pasulyap sulyap pa't kunwari patingin tingin. Weh itong si Faye megasuggest kanina na icheck na yan sa Facebook. Ang tanging information lang namin eh workplace. Pag search, boom! May group page sila. Buti na lang at hindi secret group kaya may access kaming mga hampaslupa para icheck sinu sino ang mga members. Tatlo kaagad sa crushables nakita ko ang names. Niview ang private profile. Di ko alam kung bex sya eh so nicheck ko ang likes. Eh merong nilike na page ng "Love Yourself" na may bex na kung makaposing akala mo walang bukas. Alam na! Eh akala ko naman pwede magsubscribe sa profile nya, eh add a friend na pala yun. Mygass, pinangatawanan ko na at di binawi ang invitation. Sometimes, add a friend is an indication of love. Choz! Ngayon pag nakikita ko sya sa floor, nahihiya na ako. Makatitig pa naman si kuya grabe. Cyclops ka ba? Kasi titig mo pa lang nalulusaw na ako. hahah lundeeee

Ito namang si Irah may naging kasomething for one night only. Not supposed to be just one night yun pero ewan umiwas yung other guy, for some reason. Like busy, walang load, wala, tulog, umalis, nagkecandycrush. For what reason yun, bullshit lang. Anyway, bakit ba ako affected choz.

So ayun nga, pinagbubura na nya lahat ng contacts nila. Ymessenger, phone number, etc. Pero ang email di pa mabura. Nakalagay kasi dun ang other contact information. Facebook and Twitter. So nagsearch sya kaagad ng background info. Si other guy kasi like UP grad at executive assistant. Sushal I knerr. Independent at the age of 24, overachiever, career-focused, at ambitious. So dun pa lang mejo tumagilid na sya on his evaluation ng sarili nya. Mahirap daw BumieF ng ganung katalino.

Sya daw kasi happy go lucky guy na relaxed lang at work. Ano ba makikita pag ginoogle mo profile mo? Well, ayon sa kanya ang lalabas daw Google+ account nya with three friends (at least isang social network lang ang nakapublic sa kanya db), pano sya nagtaray sa pagkamatay ni Tyrone Perez (mga three degrees away sya kay Tyrone via his cousins na balo), at ang kanyang fab Barbie collection. Nothing follows. Well, that's you sabi ko. 

Di mo naman kelangan maging poser to show the general viewing public how squeaky clean ang iyong life. There would be people that would appreciate you know matter what you say or do. Or blog. Now, kelangan ko igoogle ilan na ba followers ko dito. IGMG!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips