Sabado, Mayo 25, 2013

Multiply



Pumasok ka sa bar. Party mode lahat ng tao. Gusto mo makiumpok sa mga cuties sa dance floor pero dedma lang sila. Gusto mo makipagchat sa mga nerdies sa isang sulok pero dedma din sila. Yung mga jologs lang sa labas ang gusto makipag usap sayo pero dedma mo naman sila. Parang ganyan ang Multiply. Di sya inviting at first. May kanya kanyang faction ang mga members --photographers, models, bloggers, and musical people--pero eventually you'll find your own specie at may magkiclick din sayo.

Sa totoo lang hindi ko pinangarap gumawa ng Multiply account dati. Kasi nga may pagkasushal ang dating nya. Di sya pangmasa tulad ng Friendster, pero di naman pang elitista tulad ng Myspace. Wala pa sa eksena ang Facebook bandang 2007. Kaya lang naman ako gumawa kasi nainggit ako sa friend ko na may uploadan ng photos at blogs nya.

Iba pa din tlga ang dating ni Multiply. Customizable sa personal taste mo. Pwede ka mag-upload ng kahit anong gusto mong ishare: photos, blogs, music, videos, reviews. Meron ding recipe kung food ang iyong forte. Parang artsy social network sya at the time.

I miss Multiply.

Eversince lumabas ang Marketplace function nya, naging pangunahing bentahe nila ang... well, market. Nagsulputan ang sangkatutak na online sellers. Mapa-libro, t-shirts, gadgets, cameras, pati yata undies meron na ding online seller. Nagmigrate na rin ang mga tao from Multiply. Ang mga photographers naglipana sa Flickr at similar photosharing networks. Bloggers nanggaling sa Wordpress, Livejournal, at Blogger ngayon nasadlak sa microblogging communities like Twitter at Tumbler. At ang majority ng online community ay nadirect ang flow sa Facebook. Facebook is such a whore. Para syang virtual Babel. 

Anyway ayun, naiwan sa Multiply ang mga tindero, at kaming iilang naiwang nagmahal sa personal online space na sya lang ang kaya magbigay. At tuluyan nang nareformat ang Multiply. Total wipeout ng lahat ng online accounts.



~0~


Sabado alas sais. Late na naman as usual. Inabangan ko rin ang araw na to pero kahit anong excitement levels eh nalelate pa rin ako sa kitaan. Reunion namin nila Jay at Kiko sa Shang. After almost 3 years magkikita kita ulit kami. The last time na magkita kami sa Rockwell pa. See, although we're not alike in may ways we still have some things in common. Isang altasociedad na Kiko who's into travelling and Monogram LVs, isang adventurous at outspoken na Jay na adik din online games, at isang tahimik at reserved na Athan na nasa loob ang kulo choz. Lahat kami ex-lovers ni Multiply. Lahat kami byudo ni Multiply.

This time ang agenda lang movie, dinner at coffee, and lots of catching up. Nauna pa pala ako sa lagay na 6:05. Expecting akong ako na lang ang hinihintay. So ako na rin ang pinabili ng tix. Wag nyo na itanong kung anong movie. Pero sasabihin ko na rin. Bromance. I knerr. Wala ako magawa kasi napili yan ni Kiko. Anyways, I need something to laugh at. No, no I'm not laughing at you, Wenn Deramas. I'm laughing with you choz. Pressure kasi late na nagsidatingan ang dalawa. Actually nakita ko pa pumasok sa sinehan si Zanjoe at Rayver bago pa dumating sila. It was ok I guess. Natawa naman ako, staggered nga lang. Natutunan kong ang hair extension ang batayan ng pagiging bex.

For dinner, change location kami sa BGC. See, pangsushal lang ang mga locations na alam ni Kiko choz. We got there sa car ni Kikow. Along the way may simpleng kamustahan. I forgot how pero somehow nashift ang convo sa zodiacs. Sagittarian  si Jay at ang distinguishing characteristic daw nila ay ang pagiging free spirited. Taurean naman si Kiko. Alam ko lang horny sila. Umagree naman sya hahah. Sabay nagplay ang Gentleman sa playlist nya biglang spluk nya ng "nalilibugan ako dun sa guy na sumasayaw jan." Confirmed! Di ko pa napanood ang vid pero sana hindi si PSY ang tinutukoy nya hahah. Ako naman bilang Cancerian ay hardshelled so instead of introducing my zodiac I let it pass na lang.

Bago pa kami makapagdinner, naging problem pa namin ang paghanap ng parking space. Kung commuter ka, usually bababa ka lang wherever at kebs ka na san dadaan o san pupunta yang ride mo. Nakuha namin eh somewhere near naman, konting walk lang at boom nasa Kebab Factory na kami as suggested by Jay. First time ko pero di naman first kebab dish ko. Still don't know what to order, I went with Chicken Mast which was good. I actually like the tangy spicy flavor. Di na ako umextra rice. After ng isang round go na kami for coffee.

A longer walk papunta namang Starbucks for a shot of caffeine. While walking nagkekwento si Kiko about his travels abroad. He'd already visited Bangkok, Korea, and Vietnam. Gawd, ako nga di pa nakakalabas ng bansa. Ang passport ko parang virus. Nakuha ko na lang with no apparent reason. Anyways, Kiko was generous to give out some tips while travelling. How to book a good hotel, or take tour packages, or stay near 7Elevens as much as possible hahah.

Full ang Starbucks Crossroads pero di naman jampacked. Sabi nga ni Kikow kasi daw pecha de peligro kaya it's relatively maluwag sya considering Saturday night ito. Sa counter nagtry ako umorder ng Choco marshmallows pero out of stock na. Tears! So I got me my alltime favorite macchiatto. Nakakuha ng spot si Kikow, a small round table just by the corner near the counter. POV time daw sabi nya, referring sa segment nila Tito Boy, Charlene at Toni. At ako pa ngayon si Charlene, NKKLK.

So nagrefresh kami ng Multiply days namin. Apparently maraming kilala silang crushies at crush ng bayan from Multiply. Di ako makarelate kasi limited audience participation lang ako don. Yah know, the jologs from the labas lang kinda audience. Naglist yata sila ng names at parang isa lang ang kilala ko, yung nireject pa ang invitation ko as an online buddy. Kebs. Nakamove on na ako sa kanya choz. 

Then namention nila they missed blogging. Like very rare ko na lang siguro sila nakita nagpost ng anything beyong 140 characters nowadays. I'm still into blogging although limited lang ang aking creative juices. Sabi nila sila daw parang nadehydrate na ang juice. Like they can't imagine how bloggers could write about their recent foray sa SM Aura, or what they had for breakfast, or make up stories about this kaban ng bigas. Well I could do that choz. Lakas lang ng loob ang pagsusulat. Blogging is a double edged blade. You don't know kung may magkakagusto ba sa isusulat mo, bebenta ba to, o kung may maooffend ka. But you do it cause you feel like doing it. Release lang. 

Side note: I just remembered I really hate this person kapag nag-iisip sya she likes talking to herself. Like, napapa-anodaw moment ako, can you just shut up and zip it? You won't hear me talking to myself. You won't hear me shout while I'm thinking. Cause blogging is my way of talking to myself. End side note. Anyway going back. I'm sure they're not reading any of my blogs now. Pero I won't beg anyone to read my work. "Please read my Blogger. Please read my Wordpress." No. Sabi ko nga double edged blade. Let them read what they want. Caveat lector.

Nagshift ang conversation sa least favorite topic ko. Lablayp. We're all single, eligible, mataas pa naman ang bentahe sa pamilihan pero still single. The next question is why. First up si Kiko. Ang reason nya dahil daw maraming paasa sa mundo. I have to agree yes. On his side may mga tao na nagpaparamdam lang daw ng pasulpot sulpot. Sya pa naman yung taong bibilhan ka ng giant Kungfu Panda stuffie if you ask him to. Or reregaluhan ka ng surprise cake on your birthday at exactly 12 am kesehodang lumipad ang sasakyan nya from Ayala to  Fort mahabol lang nya ang time frame. Sad pero single pa rin sya since birth daw. I couldn't believe kasi sa itsura nya makakakuha sya ng gwapo at mayaman din tulad nya. The thing is mukha kasi syang high maintenance, sushal, intimidating. Koboy pa naman sya pero di mo kasi mababasa yun sa kanya. Looks can be deceiving.

Si Jay naman I know kayang kaya kumuha ng bet nya. Kahit for sex lang, makakakuha yan. Pwede mo rin kasi mapagkamalang Korean, matangkad, at nagpapamaskels na sya ngayon. I know meron syang recent romance na nagkalabuan lang. Yung guy kasi na he's dating eh gusto maging out sila sa relationship nila. As in maglive in sila and stuff. Pero he can't give daw what the guy is asking. Free spirited nga. Cannot be tamed. So for now nganga rin.

Ako naman siguro ang antithesis ni Kikow. Ako yung taong masyadong reserved sa sarili ko, sa emotions ko about sa taong gusto ko. Yung tipong I would rather keep quiet about it rather than take chances. What if di pala nya ako gusto? So I let the moment pass me by. I'd regret it, maybe cry about it. Maybe a day, a week, a month, a year, or so. Better to have loved and lost, pero lost na lang lagi ako. Kebs.

So ayun nga three bexes sharing their points of view on love and life. Single and emo, pero looking forward to a brighter future. Kasi sometimes hope is the best chance we have. Kung yun pa eh mawawala samin eh saang kangkungan na kami pupulutin. It's just sad yung dating tambayan namin, yung aming chosen channel eh wala na. I couldn't find anything else that could offer what Multiply can. But no matter what, we're still here. So let's just take hope and multiply it a hundredfold and a thousand times. Love yah all!


____________________
Photo by judith511 via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips