Martes, Mayo 28, 2013

Bekpek

"Bekpek! Bekpek!" 

Alam mo yung backpack ni Dora? He's such a weirdo yah know. Although andami nyang laman, pwede na sya makipagkumpetensya sa bulsa ni Doraemon. Like kasya yata dun delivery trucks, googlemaps, o monumento ni Rizal. Parang pwet lang ni kuwan, may blackhole. Pag naupuan ka shoot agad. Choz. 

Pero wag ka, ang kukunin lang naman ni Dora eh map. Sabay segue ng "say map! say map!" Tapos lalafangin uli ni Backpack yung nonmap items. Eh di sana puro mapa na lang nilamon nya. And it's so kaderder. Niluwa na, sinubo pa. ulet? Reverse bulimia? Eeeww I know right. Tapos "yum yum yum yum delicioso" daw? Mygass!

"Bekpek! Bekpek!"



~0~


Babae ba ang bestfriend mo? Common kasi na ang kacloseness ng mga bex ay gurls. Will and Grace lang ang peg. Just to make it clear, this is in a nonsexual way, totally. Cause that would be eewww choz. Actually ang bestfriend ko ay bex din. Bexfriends kami since elementary days. Pero siguro during highschool ko lang napagtanto na bex tlga ako. At nung magkita ulit kami during college ayun without question nagkaintindihan na kami. 

I had a lot of gurlfriends--as in friend na gurls--pero iba pa rin tlga pag ang kasama mong gurl eh yung bakla rin. Actually mas bakla pa sila sayo. The term is fag hag. Kung may queen, may hag ganyan. Hindi ko lang alam kung may politically correct term, but fag hag will do. Sa tagalog ang tawag nila ay babaeng bakla. Nakakatuwa sila dahil nakikipenetrate na rin sila sa mundo naming mga bex. Minsan mga mas bex pa sila mag-isip. I like to call them bekpek. Beki na may pekpek. Bekpek.



Officemate ko si Irene sa first job ko. Tahimik lang kami nung una. Hi's and hellos at pasend naman ng file na to, paxerox, pabili ng rice. Purely work lang ang aming relationship. Nagsimula lang kaming magbonding nung malaman nya ang favorite song ko that time eh Breakdown ni Mariah. You can never be wrong with Mariah. Parang green light na yan. Confirmed. Wala naman kasing straight guy na mahilig kay Mariah, other than MILF siguro choz. Anyway ayun naopen up kami sa isa't isa at nagkachismisan na.

Magkaagaw kami ng crush dati. Nasa same floor lang naman kasi ang crush namin. Pag dumadaan na sya, parehas na kami ni Irene nakalingon. Pero bigo kaming parehas, dahil married na pala si kuya. Ayoko na okrayin ang majubis na wifey nya dahil nakamove on na kami hahah. 

Nakakatuwa kay Irene kasi nakwento ko na sa kanya lahat ng crush ko. Pag tumatawag ako sa kanya para mangamusta, pati mga crushes ko sinasama ko na sa pangangamusta. Nanjan pa ba si Anthony? Eh si Steve? Eh si Melvin, sila pa rin ba nung asawa nyang majubis? Sad, kinasal na lahat nyang crush ko. Di nila ako mahintay eh choz.

Pano nga ba naging bekpek si Irene? Actually may bexfriend sya, si JR, di tunay na pangalan. Dahil Melchor tlga ang tunay nyang pangalan. Magagalit kaya ang daddy nya kung malalaman na di sya mabibigyan ng apo ni junior? Kebs. Anyways, may past kasi tong si Irene at JR. Actually, exes sila. Ok naman ang pagsasama nila kasi close pa rin sila til now. May mga bagay lang na di maibibigay ni JR kay Irene. Ayaw ni KC Concepcion ng ganyan. At baka si Irene na rin ang dahilan bakit naging bex si JR. Choz.



Si Jowein I met via Jade. Online buddies din kami sa dating Multiply. Si Jowein, pretty, chinita, sexy, makinis. Hopeless romantic. Nagtataka ako bakit sa ganda ni teh eh matagal syang di nagkakajowa. It's just that masyado syang bex mag-isip. And the straighties she's dating di sya nagegets. Kailangan pa nila iimmerse sa bex world para maunawaan ano na nga ba tumatakbo sa isip ni Jowein. Pero minsan din, yung mga nakakadate nya turns out to be bex as well. Minsan nagfefail ang gaydar ni teh. Pero ultimately maadjust din ito papalo sa critical green levels eventually. 

"Everyone's gay, they just don't know it yet." ~Jowein.

Also, guys have to share Jowein with her gay boyfie na si Yves. Silang dalawa ang tandem sa mowdelling at sa pagchannel ng Rita Avilas at Enchong Dees. Pati ang pagsusuot ng wigs eh sa kanila ko lang nakitang nagawang trending topic of 2011 or so. Sila ang epitomiya ng pagiging busilak, with matching puting abaniko. They've been friends for forever na yata. And I do miss their blogs. I rarely see them post nowadays. Namiss ko na ang mga pilosopiya nila tulad ng, "Inner beauty... is for amateurs." Pak!



Si Carol ang current bekpek ko. Alam nya mga crushes ko sa kapitbahay namin sa office. Sakto ang desk nya eh nakapwesto sa harap ng pinto kaya kinuntsaba ko na sya na iping ako pag dumaan na si crush para magCR hahah. Although alam naman na nya ang mga criteria ng bet ko, di ko pa rin sya maasahan magsearch sa mga nakakasalubong namin. Una, dahil malabo ang mata nya. At pangalawa, masyado syang manhid sa mga bettable na lalake. Like, di na gumagana ang male pheromone sa kanya. Parang tuod lang, kebs lang sya kung may dumaang cutie. Di naman kaya dahil may tendency sya maging tibs dati? hahah

Way back in highschool pa lang daw eh malapit na sya sa mga bektas. Pag absent ang teacher nila, ang mga kaklase nya nagpaparade of nations. Kahit yung mga tahimik lang ayaw paawat sa pagrampage.

May bexfriend din sya. Ex-officemate, Robert, di tunay na pangalan. Tinry nyang ipameet sa akin pero di lang siguro maganda ang pagkabenta nya sakin. Lagi nya kasi sinasabing chakks ang bexfriend nya, kamukha daw ni Kokey, na kayang bumili ng boylet dahil sa yaman nya, at kung anu ano pang panlalait. Syempre nung tinatanong nya ako kung pwede ba ibigay ang number ko eh tumanggi ako... dahil wala naman akong load pangtext choz. Ayun nagalit tuloy ang bexfriend nya. Wag ko na daw imeet hahah. 


Una kong nakita sa induction si Chellie. Di pa nagsisimula ang training namin pero si teh ayaw paawat magmuk-ap. Ano to teh parlor? Choz. Pero I know there's something about her na madaling makagaanan ng loob. Eto naman kasing si Chellie fashionista. Araw-araw kelangan iba iba ang outfit. Kelangan walang mauulit. Kelangan kumpleto rin sa accessories at bling blings. At bawal yata sa relihiyon nya ang magpalda. Tapos magpapapiksur yan or magseselfie. Then upload. Boom #ootd 

Nakabondingan ko to sa team building namin papuntang Laguna. Habang tahimik ang lahat sa van, ang backrow puro bex ang pasahero. Si Chellie di exception. Habang di maawat si Jaymar kakadaldal, nagkekwento naman si Chellie tungkol sa kapatid nya. Meron kasi syang bunso na sure na sure na syang bex din. Kahit di pa umamin sa kanya eh naamoy naman nya. Di pa kasi nagkakagelpren si bunso pero laging umiisleepover sa boy classmate. BABALA: WALANG STRAIGHTIE NA UMIISLEEPOVER KUNG DI NAMAN LASINGAN O DOTAHAN ANG PUPUNTAHAN PERIOD. At ayaw din naman ni bunso magpa-add sa foursquare nya. Baka kasi maistalk ni ate at lumabas puro Malate o Cubao o O-Bar ang chinecheck-inan. Alam na! Ate knows best.


Kung ikaw isang backpack, anong brand at design mo? Kung ikaw may friend na bex, pano kayo magbabonding slash magdadaotan? Kung ikaw isang bekpek, iluluwa mo ba lahat ng suporta sa bexfriend mo at lululunin ang kaemoterahan ng gagang yan?

Say map! Say map!


____________________
Photo by Dolls and Kids Atelier via Flickr.

#ootd = outfit of the day

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips