Linggo, Mayo 12, 2013

Momey


Momey,

Well, kay Vangie ko nakuha yang tawag na yan. Tawag nya sa mama nya yun. I never heard anyone else call their mom like that. Momey. Tunog Bisaya nga lang choz. Since grade 4 yata yan na tawag ko sa kanya. Happy mother's day Momey!

Ayoko maging emotional post to. Saka di mo rin naman mababasa to. Di ka naman techie heheh. Pero alam mo naman ang feelings ko. How I'm very thankful for having you. Dahil kung wala ka, wala ako malamang hahah.

I remember way back grade 2 nung nabubugbog ako dahil di ko alam ano ang nine times seven. Ngayon favorite ko na ang math. Nagagamit ko sya sa pang-araw araw ko. Unlike EPP or Economics hahah. Sixty three po. Sorry kung naging pasaway ako sa pag-aaral. Sorry kung di ko natapos yung college at twenty one. Sorry kung tinamad ako or naintimidate sa mga classmates at professors. Nairaos mo pa rin kami. Naipagpatuloy namin ang pangarap mong makatapos. Di ka nga lang namin maipapasok sa gusto mong course na aeronotics heheh. At sayang walang naging piloto samin hahah.

Hey mom, why didn't you warn me? Cause I thought boys are something I should have known. They're like chocolates cake. Like cigarettes. I know they're bad for me but I just can't leave 'em alone.

Di applicable sakin yung cigarette part, dahil I only tried it for like 2 or 3... 5 inhales lang. Di ko tlga bet. Pero yung boys na part hahah. I'm glad you understood how I am. We don't talk about it but yeah. I'm glad di mo ko pinalayas na mala telenovela. Wala palang ganong eksena sa telenovela. Pang MMK lang yan or indie film. I remember nung nagpatulog ako ng guy sa kwarto ko. And then you asked why. You're crying. I'm sorry if I scared you. But don't worry. Alam kong mapanghusga ang ating society sa mga taong tulad namin, mga bex. Pero I'll be alright. Alam kong kinakatakot mo lang na bumaba ang tingin sakin ng mga tao. Don't worry kaya ko to. At kung worry mo kung magko-crossdress ako, yikes. Di ko po pinangarap maging gurl ever, stereotypes and all that boolsett. Di naman ako si rumurustom choz.

Natatakot ka rin na mag-iisa akong tumanda. Na walang mag-aalaga sakin. Don't worry may darating din. Naalala ko nung magtanong ka, "sino na nga ba yung dating bumibisita sayo dito?" Wala na po kami nun. Mabuti pa kayo naalala nyo sya. Sya di man lang nya ako naalala. Except siguro kung kelangan nya na something hahah. Eh pinagligpitan mo nga ako ng pinggan dati sabay sabing, "di ka naman mag-aasawa di ba?" tapos worry worryhan ka! It hurts yah know choz. Basta I'll be fine. Wag ka na magworry sakin.

Di ko alam anong ibibigay ko sayo. Hindi dahil sa neseyo ne eng lehet na common wish ng mga tao. Alam kong marami ka pa gusto makuha. Travel sa Europe or somewhere, house and lot sa Cavite, or apo. Di ko pa maibibigay yan. Lalo na yung last one hahah. Pero pangako ko we'll get there someday. Except the last one siguro hahah. I hope you'll have good health bago yun, hindi ko rin maibibigay yan. Prayers lang ang maiaalay ko for now. And maybe additional elephant figurines at recipe books for your collection muna heheh.

I love you momey and thanks again for everything.


____________________
Photo by WillMaxx via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips