Bakit naimbento ang salitang bandwagon?
Nacurious akong bilhin ang librong ito ni Ramon Bautista. Sa totoo lang limited lang ang pagkakilala ko sa kanya. Pero nasa top 10 sa Philippine publications ang book nya kaya siguro nahikayat na rin akong bumili. Bumili ako ng isa para sa akin at isa pa para panregalo. Oh di ba nandamay pa ako ng iba. Sa bagal ko magbasa, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin na basahin ito. After like 5 months pa akswali. Mabilis naman sya basahin dahil manipis lang, at maraming spacing at fillers. 1 day lang ang kailangan mo para sa 136 pages sa totoo lang.
Hango sya sa Formspring profile ni master Ramon Bautista. Parang copy paste lang ng mga tanong at sagot nya. Parang inarrange lang kung saang chapter ba related ang question gaya ng Ayaw Niya Sayo, NBSB, Premarital Sex, Paano Lumandi at kung anu ano pa. May chapter nga paano ganahan sa pag-aaral, na di naman effective na sa akin. Nakamove on na ako dun. That was just a phase. At di naman ako naging taong grasa. Pero all in all, parang Q&A lang sya na book. Mas natuwa pa siguro ako kung nanood ako kay Brod Pete ng Dating Doon o sa Q&A ng miss gay sa barangay.
Aaminin ko nakulangan tlga ako sa librong to. Kasi nga copy paste lang sya. So sa mga followers nya sa Formspring malamang nafeel nilang ripoff ito. Parang twilight zone na "teka nabasa ko na to before I'm sure" ang effect. May additional commentaries lang sa ibang chapters pero di pa rin sapat na one page lang ang ilagay mo para iekpleyn ang chapter na to. Mas mahaba pa nga ang acknowledgment eh.
Naiinis nga lang ako dahil sa dami ng sinagot nyang tanong eh parang di nya naman nasagot ang tanong ko. Marahil dahil nasagot ko na ito sa sarili ko noon pa. Naghanap lang ako ng ibang medium para ipamukha sa akin, di ka crush ng crush mo! Kaya ko rin naman magbigay ng advice sa mga prends ko. Pero imbes na tadyak, sampal ang ibibigay ko para magising sila. Kasi kung sila may love problems, ikaw ang nasa upperhand na nagfifeeling alam ang tama at dapat gawin. Pero pag ikaw na ang nainlove, ay putsa gyera tlga si heart at brain.
Pero di ko rin ipagkakait na may mga aral ka rin mapupulot kay Master Ramon:
- Bawal mag extra rice sa first date.
- Hangga't di sya nag aaylabyu, wag bigyan ng malisya.
- Bigyan ng limit ang pag-iemo. Mga 3 weeks ganyan.
- Yung mga hindi makabili ng happiness, hindi mahanap kung saang tindahan titingin.
90 percent ng problema mo ay imbento lang. Isolve mo ang sampu, dapat masolove din lahat ng problema mo. Pero kung problema mo pa rin kung bakit di ka crush ng crush mo, at nabali baliktad mo na ang librong to, at wala pa rin sagot, magmove on ka na. Wala ka sa radar nya. Reverse bittering ON! Kung di mo naenjoy ang book na to, walang basagan ng trip. Move on na lang ganyan.
____________________
Photo by justxafantasy via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento