Linggo, Marso 31, 2013

Mango Rambo

Walang komento:
May tirang cream cheese sila mama na ginamit sa Christmas season na handa. Isang pack na lang natira at irereserve nila for future recipes. The rest kasi ginamit na topping sa carrot cakes ni mama. Infernezz mabenta ang carrot cake nya. Ewan ko nga lang bakit sabi ng iba dapat light color ang carrot cake. That's like racial discrimation... sa cake, I know. Eh ano kung maraming cinnamon, vanilla at  molasses yung recipe nya? Basta masarap sya hahah.

Anyway, tiningnan ko yung pack ng cream cheese and voila, expired na sya nung February pa. Parang nagbabalik sa aking alaala yung nakaain kong expired na salad dressing. "Mejo, maasim nga lang sya," sabi sakin ng flashback. Eh masarap nga naman yung pesto-ish flavor na yun. Di naman nasira tyan ko dun. Malay mo mejo maasim lang din tong expired cream cheese.

Mygass, Philadelphia pa naman ang brand, keh mahal nyan. Bilang practical na ina, inisip nyang gamitin pa rin ito sa isang recipe. Di naman siguro masama yung mga one month old expired cream cheese di ba? Di naman siguro sasakit ang tyan namin? Well, baka makatulong pa yon sa consti ko choz.

Well, ang plan eh gumawa ng cake na may cream cheese na icing with mangoes daw. Naisip ko kagad parang Mango Bravo from Conti's. Pero sushal masyado yun, di pang masa sa taas ng layers ng wafer at mousse. Eh base cake lang namin eh chiffon. Di ko naman favorite ang chiffon, kasi parang mamon lang. Parang puro hangin lang, parang yung projuicer-host lang sa isang variety show choz. Sabi nila lalagyan daw ng pinch of lemon... converted into cheaper version nya na kalamansi. After hatiin sa two layers ang cake, pinalamanan ng cream cheese. Pinagpatong at nilapatan ng top layer ng icing. Syempre di sya mango cake kung walang sliced mangoes. Voila! Mango Rambo cake.

At di naman nasira ang tyan ko. The cake itself is soft and fluffy, the filling and frosting a mixture of sweet and sour, and the mangoes cool enough as it melts on the tongue. Perfect for the summer. Urteh. Sana may reenactment. Pero next time sana di na expired yung frosting para mas yameee.


Biyernes, Marso 29, 2013

Tayo Na Sa Antipolo 2013

Walang komento:

Magdadalawang taon na nung una akong mag Alay Lakad papuntang Antipolo. Naalala ko pa nagkita kita kami kanila Chris noon bago sabay sabay na nagtungo sa Galleria kung saan naman imimeet yung dalawa pang kasama namin. Kumain pa kami ng dinner bago nakapagsimula bandang alas nueve. Marami nang tao ng mga oras na yun at kami na ang bumibida sa kakalsadahan. Akalain mo nasa gitna kami naglalakad?! 

At syempre dahil mga virgin pa sa bundok, naparami ang aming stopovers. Stopover para kumain, uminom, umihi, magcamwhoring, magdasal (daw), at magsing-along. Actually more sing-along yata ako sa mga stations. Let me stay by your guiding love, all through my life, all through my days.... Choz. After six hours, nakarating din kami sa 7 Eleven. As in major stopover pa rin kami kahit less than a hundred steps na lang kami sa simbahan. Para lang magSlurpee NKKLK. At syempre sarado na ang simbahan nun. Anong petsa na, alas tres na. Hanggang gate lang kami kung san ginagawang wishing well ng mga tao sa paghagis ng baryables. Nakihagis din ako. Di ko maalala kung may winish ako. Pero alam ko wish na wish ko na makauwi at makatulog.

Si Enzo ang nag-aya samin ni Ugin sa alay lakad this year. Kitakits din sa Galleria bandang alas sais. May pasok ako til 4PM kaya pinaaga kong tapusin lahat ng gagawing tasks ko. Akala ko makakapaghalfday ako pero ang ending eh kelangan ko rin pala antayin matapos si Carol bandang alas kwatro. Wala rin namang MRT kaya nagbus kami. Ang inaabangan lang namin eh kelangan Bus B na aircon na Fairview at dadaan ng Ortigas Ilalim. Sinung mag-aakalang uncommon palang combo ang byaheng yan. Nganga kami ng 30 minutes. Pagkasakay namin, wala pang 30 minutes nasa Ortigas na ako, dahil sa kaluwagan ng Edsa. 

Alas singko pa lang nag-aabang na ako sa kanila. Bumili lang ako ng isang Sting Red para mag-abang sa Ministop sa labas. Nag-iPod lang ako para walang manggulo sakin, pero nag-oobserve lang ako sa mga tao doon. Andaming bex na nag-aabang. Mga mag-aalay lakad siguro tong mga to. Either that or ginawa lang nilang kitaan ang Ministop sa kung san sang lamyerda nila. Kebs. Sa tabi ko may kakameet lang na mga bex, galing sa clan siguro or something. More kebs. Alas sais en punto pa dumating ang Enzo, Dex at Ugin. 

Akala namin makakapagdinner kami sa Jabee sa may Startek pero fail dahil closed na sila. Sa McDo sa Emerald pa kami nakarating bago nakakakain. Dun naman ang meetingan ata ng mga deaf/mute. Di naman weird pero alam mo yun, di mo alam kung pinagtatawanan nila kayo or something. Ok na rin at least di maingay di ba. Tapos tinawag nila yung isang crew para manghingi ng ketchup. Kung anu ano pinaghuhula sa kanila nung crew. Yung resibo po? Toothpaste po? Ahhh mustard! Choz ketchup! Yes pagkain ito kuya.

Nakapagsimula na kami bandang alas siete na. Dere-derecho lang along Ortigas Extension. May slight kwentuhan naman along the way pero tuluy tuloy lang. Bilugan ang buwan at napakalaki, namamangha tlga ako. Syempre affected ako nyan kasi pag bilog yan mataas ang emo levels ko. Every five minutes yata nagchecheck ako ng phone... kamusta na ba sya?! Pero wa. Baka busy. Going forward sa Meralco, Tiendesitas, Rosario. Wala pang kachallenge challenge. Floodway, Lifehomes, De Castro. Maning mani. Pagdating sa Ever mejo pagod na pero lakad pa rin. Di ko na alam after Ever kaya nagrerely na lang ako sa pasulong na lakad ng mga tao. Nagstopover kami sa may Mercury para magreplenish ng tubig. Ako baon ko lang isang puno nung water bottle ko galing pa sa office. Ineexpect ko na makakasurvive ako sa 750mL lang.

Bandang alas nueve y media na kami nakarating sa Tikling. Akala ko makakastopover pa kami para magpahinga. Pero nung makita namin yung first station, tuluy tuloy na rin kami. Ang Huling Hapunan. Sana naman yung crispy chicken fillet ay di maging huling hapunan ko. Mejo hingal na ako at puro tubig lang iniinom ko pang sustain ng stamina. Kung may magmemessage sana sakin eh more energy pa ako choz. After ng unang estasyon eh sunud sunod na ang pag-aabang namin. Parang counter na namin yun kung malapit na ba kami sa tuktok. Mejo inclined ang daanan dito at ilang beses din ako naooff balance. Derecho lang. May mga stations na magkalapit lang parang Boni-Guadalupe. At may mga stations na milya rin ang agwat parang Ortigas-Santolan. Akala ko nga nagkamali na kami ng sinusundang mga tao eh pero after 15 minutes nakita na rin namin yung kasunod. 

Nagkalat din ang mga preachers sa daan. Sabi nila di ka naman mababawasan ang kasalanan mo sa paglalakad. Alam ko naman yun. Kung mababawasan yan eh dapat matagal na akong banal sa dami ng walkathon ko para lang makatipid ng pamasahe hahah. Ginagawa lang namin to para sa isang panata. Kapalit ng pagpapagod na ito ang paghingi ng tawad at pasasalamat. 

Alas onse na kami nakarating sa simbahan. Bukas pa! Apat na oras lang, labing-apat na istasyon, at dalawampung kilometro. Kung nagmukhang nagmamadali ako sa mga kasama ko, I am sorry. Naghabol lang ako ng time makapasok sa simbahan. Sa loob ay usad pagong naman sa dami ng tao. Di ka makakakuha ng wide shot na walang nakaharang na ulo, kamay, cellphones at digicam. Lahat nagtatangka kumuha ng pic ng altar. Nakakuha rin naman ako after ilang tries. Nakakabuset kasi yung nasa harap ko ang tagal kumuha. Nagvideo na, nagstill shots pa sa digicam at cellphone. Ampapanget naman ng shots nya. Kaya siguro paulit ulit choz. Heniwey, sa harap may mga nagdarasal din. Kami nakuha lang namin maghagis ng barya para sa wish. Isa lang naman ang wish ko. Si Huntie*. O kung di naman pwede, kahit yung closeness na lang. Hahahah. Dapat yata ipako na rin ako sa krus. Martir. Choz.

Bago umuwi, nakakuha kami ng isang sulok sa kalayuan ng simbahan para makapagmeryenda. Naghanda pa kasi si Dex ng mga sandwiches. Bumili pa sila ng tubig. Kung kanina di ako maihi sa dami ng ininom ko, malamang dahil nilabas ko rin lahat yon as pawis, ngayon naman ay pumuputok na ang pantog ko. Ang malas ko lang dahil sarado na ang mga fastfood para makisuyong makiCR. Pinigil ko na lang pag-uwi. Lumakad ulit kami papuntang Sumulong para umuwi. Grabe managa ang mga drivers pero wala na panahon para magpakachoosy masyado. Jeep pabalik ng Crossing eh kwarenta. Ok na yan. Tinulugan ko rin naman yung byahe dahil sa pagod. 

Sabi ko dati di ko na uulitin to. Baka di ko na tlga ulitin to. Pero why not. Baka nga nabawasan ang kasalanan ko. Baka nga matupad ang pangarap ko. Pero isa lang ang sigurado ako, nakapagpasalamat ako. Kapalit ng paltos, masakit na binti at balakang, maraming salamat po at binibigyan Ninyo pa kami ng pag-asa.

Biyernes, Marso 22, 2013

Unjust Vexation

Walang komento:

Bwisit kaaaaa!

Sabi ni Angie. Expression nya yun. Kasabay ng pag-irap at pagroll eyes. Napakadali lang. Natural lang. Parang breathing lang sa kanya. Hindi naman talaga sya nabibuwiset. Reaction lang nya yan sa mundong mapang api.

Naranasan mo na rin siguro mainis. Hindi lang isang beses. Hindi lang minsan. Madalas. Naranasan mo na ba mainis ng walang dahilan? Yung tipong dumaan lang sya nasira na kaagad ang araw mo. Yung tipong nakita mo lang ang anit nya gusto mo na maghagis ng keyboard at monitor sa hallway. Yung tipong nabanggit lang ang nemsung nya eh para ka nang kinakatay kakasigaw sa galit.

Punyeta sya!

Yes, minsan nangyayari yan. Sa di maipaliwanag na dahilan. Parang lukso lang ng dugo, pero imbes na tuwa at galak eh kulo ng dugo ang ganap. Nagpupuyos na galit. Siksik, liglig, umaapaw.

Pwede kang abutin nito kahit saan. Sa bahay. Sa opisina. Sa CR. Sa palengke. Sa school. Sa LRT-2 Santolan station. Sa airport. Sa dressing room ng Wowowillie. Hindi mo alam saan ka aabutan nito. At mahirap magpigil dahil biglaan to. Parang lakad, pag biglaan natutuloy. Kaya kung ako sayo planuhin mo paano ka mag-eeskandalo para mejo mahimasmasan ka sa kagagahan pinaplano mo eh mahiya ka na lang sa sambayang Filipino.

Pero teka lang, going back. Ano bang tawag sa feeling na to? Ayon kay Dalen, 22, dalaga, tubong Nueva Ecija, ang tawag daw dito ay Unjust Vexation. Wehanobehtong unjust vexation na to?

Ayon kay Tyang Google: a catch-all provision where any crime that it not otherwise defined there will fall under unjust vexation. So vexation is defined as the act of harassing or causing trouble. So unjust vexation must mean harassing or causing trouble without justifiable reasons. Gets? Ako hindi masyadow eh. Parang pag naharass ka na lang ng walang dahilan eh unjust vexation kaagad. Pagnabwiset ka unjust vexation agad agad? Di ba pwedeng pikon ka lang? Basta, jan na lang ibinagsak pag walang rason na masilip. Nabwiset ka sa katabi mo, unjust vexation. Ganyan kasimple. 

Kaya kung ako sayo mag-ingat ingat ka. Kung pwede pa magpigil, pigilan mo. Kung kaya magpatawad, patawarin mo. Pero wag mo kakalimutan yang walangyang yan. Kung kaya mo palipasin, magbilang ka lang from 1 to 1,000. Siguro naman kung nasa 437 ka pa lang eh pagod ka na para sa galit mo. Kung hindi, baka ma-Claudine ka! Unjust vexation.

Eh pano kung may biglang nagtanong sayo, "hoy bakit ka bakla?" Sagutin mo, Unjust Bexation. Bex ka nang walang dahilan. You're born this way. Kaya patawarin nyo na sila Tintin Bersola at "noted psychologist" Dr. Camille Garcia*. Unjust vexation lang yun. Choz bex hate pala yun. Saktan na yang mga punyetang yan! Double choz. Peace lang po tayo.


____________________
*Kung di mo alam ang chismis, tingnan sa link dito. Babala, ang kalakip na piksur sa article ay di po ang bex impersonator ni Ate Shawie.

Photo by Oli Haukur via Flickr.

Sabado, Marso 16, 2013

Repeat to fade

Walang komento:

You know when you meet someone new, you get to know them and then you get attached. Then suddenly it stops. Paranoia steps in and you're drowning in a torrent of thoughts and emotions.

I'm at that stage now. Like a million times before (maybe I exaggerated... just two or three persons doing things on repeat). Is it me? Did i do something wrong? Or didn't do anything at all. Sucks not knowing the answer.

What can i do? I'm built with softer material than most other people out there. But that's me. I'm crazy, weird, stupid, in love, broken.

I should stop this. I need to stop overthinking. I need to stop overfeeling.

Wag masyadong mag-assume. Nakamamatay.


____________________
Photo by RandomChu via Flickr.

Miyerkules, Marso 13, 2013

Gagong Gupit

Walang komento:

Since holiday ang client namin nung Lunes, pati kami affected ng long weekend. Kahit pa forced vacation leave ito. Well at least ako di nagamit ang VL dahil pina-attend nila ako ng training. Habang yung iba nagmamantika sa pagbawi ng tulog, makapaglaro at makapaglibang, o makapagpahayag ng sariling pananaw; yung iba naman nahanap ang chance na makapag-ayos man lang ng katawan.

Yes. Si Carol pagbulaga sakin kinabukasan sa locker... boom! Ang kanyang natural curls naging waves na. Like nung first time namin sya nameet sa orientation. Siguro namiss din nya to. Yung wala nang sumpa. Yung wala nang kulot salot and stuff.

Pagpasok sa production area... boom again! Ang katabi nyang si Met, bagong bangs! As in pina-istaylan ang bangs. Sya na ang epitomiya ng bangs. Infernezz, nauso ang bangs a few months back sa office pero sa kanya ang pinakabongga yata ang bangs. Maganda ang pagkakaframe sa mukha mestisahing kutis. Talbog ang Brazilian blowout ni Carol. Boom!

Mejo nakakapressure naman kasi kung paano nila inaapplause ang new dos ng mga hitad, sakin naman puro mga "mahangin ba sa labas" kinda looks ang binibigay nila sakin. Kulang na lang ibili nila ako ng suklay. Sarrey naman mejo humaba na ang hair ko, not in a Rapunzel kinda way. Parang talahib lang, malago at uncontrollable, parang bolivia hahah. 

Yan na rin siguro nagtulak sakin na magtungo sa pinakamalapit na salon. Well, matagal na rin akong di napupunta sa barbero, dahil, well, barbero sila. Ano lang ba alam kong hairstyle? Crew cut, flat top, 3x5, at barbers o gupit binata hahah. Sa salon at least sila magsasuggest sayo. Ok naman wag lang yung pahighlights. Ayoko magmukhang naglaba sa batis. 

So ayun, nga umabot ako sa salon. At mabuti naman at wala masyadong tao so naisalang kaagad ako. Shinampoo kahit walang hair product sa ulo ko. Mukha na bang nagmamantika ang hair ko?! Anyway ayun nga at pinaupo na ako para gupitan.

"Anong hairstyle po?"

"Yung fauxhawk? Pwede ba yun? Yung parang mohawk?"

"Ahhh semi mohawk po? Pwede naman po."

"Pwede ba yan sa akin?"

Tinaas ng konti ang sabog na bangs. "Mataas po ang hairline nyo. Dapat mo magpaside kayo."

Alam ko naman na mataas ang hairline ko, kelangan pa iemphasize to? choz. May nagsuggest kasi sakin, si yeeeheee. Magmohawk daw ako. Nagtiwala naman ako hahah. Lakas ng loob at tiwala lang. Madali lang natapos ang haircut. More razor lang sa sides, konting snip snip sa bangs. Actually, kelangan ko pa icorrect sya na papuntang right ako magbangs. Tapos konting blade blade. Shampoo shampoo. Wax wax. And voila! Di naman sya fauxhawk talaga. Di rin crew cut. Basta shorter lang. Cleaner na rin siguro.

Pagbalik sa office, nabigla ang mga tao. Mga common comments:

"Sana naging haircut ka na lang."

"Buhay pa?"

"Bagay sayo. Mukha kang bata."

"Ayaw mo pakabog sa haircutan ha!"

Ayaw ko talaga choz. Seriously, kelangan ko na ng jupit. Anong petsa na? Summer na. Ang init init na naman. Sabi nila nagpapagupit daw ang tao kapag depressed, kapag heartbroken. Kita mo si Basha? Alam nya ang three month rule. Well, choz lang yun. Nagpapagupit ang tao kapag mainit, kapag may budget, o basta kapag gusto nya. O kapag bored, nalolongkot, at walang magawa.


____________________
Photo by 4 Corners Photo via Flickr.

Lunes, Marso 11, 2013

Read Receipt

Walang komento:

Signed. Sealed. Delivered.

More than a year na ako'ng naka-Blackberry. Ewan ko ba, bakit pa ako nakijoin kung kelan naman nagdedecline na ang market nila versus Apple at Android. Kasalanan to ni Jeh. Hinikayat nya akong magBB na lang. Akala ko kasi magiging closer kami kung magBB ako. Di pala. Mas lumandi pa sya via Twitter and BBM.

Anyway, sa una di ako sanay gumamit ng Blackberry. Ayoko dati sa QWERTY na keyboard. Sanay naman ako pagdating sa PC, pero kapag nasa cellphones na parang awkward. Una dahil malaki ang mga daliri ko. Pangalawa dahil limang taon ko sinanay ang sarili ko numeric keypad.

Wer n u. 933777006600881

Ganyang ang input dati. Kahit walang tinginan alam ko na naitype ko ng maayos na paalis na ako kahit actually naliligo pa lang. Eh sa BB kelangan accurate letters ang itatype mo. Although may autocorrect naman, nakakaasar yung tipong "mo" ang gusto month sabihin pero "month" ang lumalabas. After a while, nasanay na rin ako sa QWERTY keypad. Well, mas mabuti pa rin yan kesa sa pagrerely mo sa sounds sa touch screen na keypad.

Isa pang issue ko sa BB eh yung received time. Bakit ang lumalabas eh kung kelan ko nareceive yung message hindi yung kelan sya sinend ni sender. For example. Nagtext si Nena kay Juan ng "last lud ko na to reply asap" bandang alas kwatro ng hapon. Eh nakapatay ang Blackberry ni Juan kasi tinatamad pa sya magcharge ng battery (aminin mo ambobo ng Blackberry lalo na kung naka 3G ka). Nag-open sya bandang alas nuebe na. Ang nakalagay na time received eh 9:00PM imbes na original na 4:00PM. Nalost na yung limang oras sa Blackberry time-space limbo.

Inferness naman kay Blackberry eh nahanapan ko ng kaunting tulong yung notifications sa gilid. Pansin mo ba yung superscript letters sa tabi ng message mo pag nagsesend ka? Yes, may meaning yun. FYI para sa mga noob pa, refresher lang sa mga nakakaalam na, at sa mga nagmamaru, shatap na lang. Ako soperbetch. Anodaw.

X - Message sending failed.
√ - Message sent.
D - Message delivered.
R - Message read.

Sending failed kung may problem sa BIS mo. Baka naman di ka registered, ilusyunada ka lang. Message sent naman kung successful na sa side mo pero di pa narereceive ng kabilang BB. Baka nagchacharge pa, wag makulit. Message delivered kung nareceive na sa kabilang BB pero di pa nababasa. Baka wala, tulog, umalis, naghaharvest. At message read kung nabasa na pero dedma pa rin sayo. Katumbas ng "Seen" sa Facebook. "You don't do that to me," sey ni Willie R.

~0~

Sa Microsoft Outlook recently ko lang din naappreciate ang wonders ng Read Receipt. Sa lumang setting kasi pag nakareceive ka ng read receipt confirmation sa inopen mong email, pwede mo iwaive ang acceptance. As if di mo nareceive. Pwede mo dedmahin ang followups sayo kasi nga as if di mo pa sya naoopen. Pero wag ka, meron din Delivery Receipt na option. Regardless kung nag yes or no ka sa read receipt, magsesend ng delivery receipt sa sender. Pero walang use yun kasi parang acknowledgment lang na nakarating na yung email sa intended recipient. Otherwise, makakareceive ka naman ng failure notification eh, so redundant lang.

Sa bagong setting ng Outlook (ewan ko pano naupgrade yung settings namin) automatic na yung sending ng read receipt kung Outlook to Outlook ang ginamit na mail client. That means di ka na pwede magpanggap na di mo pa nabasa yung new memorandum na bawal na magkape ng more than 45 minutes sa pantry. Anyway, ang batas naman sa opisina eh mahigpit. Dura lex sed lex. The law may be harsh but it is the law. 

So kung ikaw sinet mo na may read receipt option ka, makakapagfollowup ka ng walang hanggan, walang pakundangan at walang pagpapatumangga sa mga hinihingan mo ng reports. In fact makakareceive ka nga ng "Mail deleted without reading" na notification kung dedma ever sya. Eh di iescalate kagad sa direct supervisor. Magrereply na lang sa emails di pa magawa? Mahirap teh?

~0~

Ilang books ko na ba ang naipahiram ko sa friends, romance, at countrymen?! Masaya naman ako magshare ng reading list ko lalo na kung nakakarelate yung other peeps sa favorite books ko. Sa sobrang unti lang naman ng books na nabasa ko dahil slowmo ako magbasa. Kahit ganon natutuwa ako may nakakashare ako ng like na books. Sila Faye nakashare ko sa Perks of Being a Wallflower. Si Lin at Dalen naman sa The Alchemist at Little Prince. Si Novita at Donna naman sa mga Robert Langdon books.

Isa sa mga favorite kong kakwentuhan lately eh si Enzo at Ugin. Common namin ang Game of Thrones books. Well, kami ni Enzo nabasa na up to Feast of Crows. Si Ugin naman sa series nagkoconcentrate. Well, lahat yata ng series nadownload na nya at napanood. Anyway, pag inuman kami sa may YooHoo, lagi kong naipapasok sa usapan ang GoT. I'm sorry, masyado akong fanatic kay George R.R. Martin. Ang hirap nga lang minsan kasi ayaw namin magspoil ng events kay Ugin. Pero minsan sya na rin ang nagtatanong, sino na ba nategi sa book 3?

Maganda ring source ng what's hot sa geekdom sila. Like andami nang nasajest sakin na babasahin ko. Millenium series ni Stieg Larsson nasa list na. Mortal Instruments na magkakaron ng movie, coming soon din. Spoilers ng Hunger Games series check na rin. Pati series di rin napalampas. Courtesy of Ugin naman to. American Horror Story, Scandal, at Walking Dead yata highly recommended nya. Pati mga artista na di ko kilala minemention nya. Sino ba si Saoirse Ronan? Di ko nga alam pano ipronounce yan.

Ang sad mga lang may ilang books na akong napahiram pero di pa sila bumabalik. Iba ibang dahilan. Di pa tapos basahin kasi busy. May iba pang binabasa as of now. Kesyo di naman masisira. That's not the point. Kapag nagpapahiram ka ng libro, you're sharing a part of yourself. You're sharing your visions, your thoughts, your dreams. Well, that's sad seryaslee. Parang si Mitch lang ang tanging nagsoli sakin ng book na aminadong di nya nabasa. At least honest sya dabah. Don't judge a book by it's hardbound cover.


____________________
Photo by phillipsutton.com via Flickr

Huwebes, Marso 7, 2013

Rigodon

Walang komento:
Photo by fernandofonseca30 via Flickr.

Rigodon.

Lagi kong naririnig ang salitang yan pero di ko alam ano nga ba meaning nyan. Parang roskas, o damulag, o kaya effervescence. Pag di mo naintindihan basta pag narinig mo na lang magalit ka na lang bigla. Ganyan. Ayon sa paggoogle ko, ang Rigodon de Honor daw ay isang uri ng sayawing Maria Clara, hango sa quadrille mula sa bansang Pransya. Akswali may karugtong pa yung article pero pinasasakit na nya ang ulo ko lalo. Basta sayaw sya na may lipatan ng partners ganon. At yun ang magic word. Lipatan.

Kakalipat ko pa lang ng process ko nung December. Mga tatlo o apat na buwan pa lang ako at unti unti ko pa lang sinasanay ang sarili ko. Well, sa tingin ko mas lumawak na ang understanding ko dito, at marami na rin akong naimprove. Marami pang pwede iimprove. Aaminin ko may pagkatamad ako. Tamad in a sense na ayoko ng paulit ulit, hanggat may shortcut gagawin ko yun. At iyon nga ang objective ko ngayon, makahanap ng way na maimprove ang handling time sa less than 50% ng allotted average.  Partida wala pang macro yan.

Kaso dumating ang isang masamang balita. Kahapon lang. I was just informed na sa kabilang team may nagresign na dalawang tao. Ngayon ako na ang nilalakad nilang ipalit doon. Ang rason nila: gusto ko naman daw tlga kasing lumipat ng team. Kesyo lagi ko daw kaaway yung team lead ko. Wow ha!

I'm sure sa process di ako magkakaproblema, kahit ano naman kaya kong matutunan. Pero marami akong concerns. Ayoko sa Finance Manager dun sa team na yun. Marami na akong pet peeves, I don't have to deal with someone who has her own pet peeves. I'm sure magkaclash kami.  

Yung tipong kakalipat pa lang sa akin sa role na to tapos ililipat na naman ako sa panibago. San nyo ba tlga ako gusto ilagay?! Kapag nagpatuloy pa ito, ibang lipatan na ang mangyayari. Hello Taguig na ba?

Sabado, Marso 2, 2013

Durog

Walang komento:
Photo by rustproofFish via Flickr.

Anak, nagdadrugs ka ba?!

Never pa ako nakatikim ng drugs at never ko rin naman ito inendeavor. Dahil siguro wala naman akong close friends na mambi-BI sakin dun. Puro mga wagas at dalisay kasi nasa circle ko choz. Ang sad kasi yung mga childhood friends ko ayun sila ang hayok na dun ngayon. Araw araw nakatambay sa kanto. Nakikipagrakrakan at nag-iiskate board. Yes at least nasa artsy side of being high naman sila.

Napagkamalan na rin akong nagdadrugs dati. Si Mrs. Aguaviva, professor ng Filipino sa PUP. First sem noon ng 1998. Sya kaya ang mukhang adik, kung anu ano ang kinekwento sa klase na wala nang sense. Ewan ko ba bakit kelangan pa pag-aralan ang Filipino sa college. Sayang lang sa units at tuition na katumbas nito. Anyway ayun may topic kami something about tayutay yata or other. May question sya tapos di nasagot nung isa sa amin. Tapos tinanong yung katabi, di rin nasagot. Tapos ako, wa din. Tapos yung katabi ko lalong lost in space. Biglang naglilitanya si lola kesyo mga adik daw kami at ipapadrug test pa kami. Nakakaloka. Napakajudgmental. Napakageneralist. Anyway, natapos ko naman ang course sa kanya sa 3.0 kahit di ko nabayaran yung binenta nyang textbook. Well, sa totoo lang, di pa uso noon ang salitang kain sa aking vocab kaya mapagkakamalan tlga akong adik.



~0~


Ilan bang variety meron ang paminta? Alam ko lang black. Meron din palang red, white, at ang sushal na pink peppercorn. Yes nung una akala ko ang peppercorn ay uri ng pepper na corn, yun pala corn na pepper choz. Anyway going back, di naman color ang gusto ko tlga idiscuss kasi baka abutin tayo ng mga burgundy, fuchsia, emerald green at fifty shades of grey kakaenumerate ng color spectrum. 

Sa suking tindahan dalawa lang ang variety ng paminta: buo at durog. Yung buo yung may free pang dahon ng laurel minsan na ginagamit sa pag-aadobo. Yung durog masarap lang ibudbod na seasoning. The more the spicier.

Parang mga bex, sa color spectrum under phylum paminta eh buo at durog lang ang classifications. Bex 101 muna tayo ha. Yung pamintang buo yung tinatawg nilang discreet--walang bahid, walang pilantik. Masashock ka na lang. Ayyy bading pala si <insert male starletic name here> Akshwali kebs lang sa karamihan yan eh except siguro sa mga makakating dilang chismisera at walang magawa sa office kundi mag PEP lang buong araw. Yung pamintang durog naman yung tipong pilit na pilit sa paghahide sa Narnia* pero alam na alam na ng buong sambayanan maliban lang siguro kay Pope (dahil wala na syang Twitter access ngayong nagresign na sya).

May kakilalang ganyan yung officemate ko. Itago natin sa name na Vic. Si Vic daw eh straight. Daw. K fine. Daw. Tapos may niligawan daw syang pechay pero di naman sya sinasagot. Siguro dahil: a.) imaginary si gurl b.) sya yung nilagawan c.) lalake tlga yung niligawan d.) all of the above e.) NOTA. Kebs naman ako sa reasons pero nakakainis kasi di nauubos yung kwento. Nagpunta daw tong si Vic somewhere in Europe at mejo mabenta ang beauty nya dun. Di pa rin sya umaaming bex sya pero makakwento samin na may bumebet daw sa kanyang forenjer. Sinama sya sa isang bar or something, may nameet na dalawang pechay at nakipagjerjerang walang humpay dun habang audience impact lang yung bumebet sa kanyang forenjer. K fine. Yah know there's nothing wrong sa pagiging bex, or sa pakikipagjerjeran kung san san. Pero yah know, to deny yourself that's just sad. Tsk tsk.



~0~


Adik na ako sa pagpapamassage. Foot massage lang naman. Form daw yata yun ng reflexology. May mga targeted na other body parts kapag finufoot massage ka sey nung masahista. Ewan ko ba kung totoo. Pero nakakatanggal tlga ng stress sakin kahit sa paa lang. At least feeling ko ang smooth smooth ng paa ko after kahit na pag tiningnan ko eh namumutok pa rin ang mga veins hahah.

Di ko tlga masyadong bet ang back massage. Well, ok naman yung konting hagod hagod sa bandang lower back kung saan masakit tlga kadalasan dahil sa ilang oras na pagkaupo sa office. Other than that ayokong minamassage sa likod. Kasi favorite nung mga masahista yung bandang balikat ko. Marami daw "lamig." Favorite nilang durugin ang lamig. Ewan ko ba kung ano yang tinatawag nilang lamig at bakit kelangan nila lagi akong saktan. Dahil ginusto ko daw yan choz. Parang they're all conspiring against me para durugin yang lamig na yan. Although masarap naman ang feeling na nadurog yang lamig na yan, feeling ko pa rin nabugbog ako.




~0~


Nabasa ko lang kanina, falling in love is a form of stress because of the hormonal and physiological effects. Kaya nga sabi ko sa sarili ko ayoko naiinlove eh. Nakakastress. Di lang utak mo ang iniistress kakaisip, pati katawan mo sa puyat. Lalo na ang puso mo.

Tapos magiging kayo pero puro problema at away naman meron kayo. Maghihiwalay din kayo at maiiwan sa zero ang lahat. Nastress ka lang. Nadurog lang ang puso mo. Ngayon kelangan mo maka 3-month rule para makamove on. Kaya wag ka na lang maiinlove ha. Nakakastress, nakakamatay. Magdrugs ka na lang baka mamanhid ka pa.

Are you drugs?!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips