Photo by fernandofonseca30 via Flickr.
Rigodon.
Lagi kong naririnig ang salitang yan pero di ko alam ano nga ba meaning nyan. Parang roskas, o damulag, o kaya effervescence. Pag di mo naintindihan basta pag narinig mo na lang magalit ka na lang bigla. Ganyan. Ayon sa paggoogle ko, ang Rigodon de Honor daw ay isang uri ng sayawing Maria Clara, hango sa quadrille mula sa bansang Pransya. Akswali may karugtong pa yung article pero pinasasakit na nya ang ulo ko lalo. Basta sayaw sya na may lipatan ng partners ganon. At yun ang magic word. Lipatan.
Kakalipat ko pa lang ng process ko nung December. Mga tatlo o apat na buwan pa lang ako at unti unti ko pa lang sinasanay ang sarili ko. Well, sa tingin ko mas lumawak na ang understanding ko dito, at marami na rin akong naimprove. Marami pang pwede iimprove. Aaminin ko may pagkatamad ako. Tamad in a sense na ayoko ng paulit ulit, hanggat may shortcut gagawin ko yun. At iyon nga ang objective ko ngayon, makahanap ng way na maimprove ang handling time sa less than 50% ng allotted average. Partida wala pang macro yan.
Kaso dumating ang isang masamang balita. Kahapon lang. I was just informed na sa kabilang team may nagresign na dalawang tao. Ngayon ako na ang nilalakad nilang ipalit doon. Ang rason nila: gusto ko naman daw tlga kasing lumipat ng team. Kesyo lagi ko daw kaaway yung team lead ko. Wow ha!
Yung tipong kakalipat pa lang sa akin sa role na to tapos ililipat na naman ako sa panibago. San nyo ba tlga ako gusto ilagay?! Kapag nagpatuloy pa ito, ibang lipatan na ang mangyayari. Hello Taguig na ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento