Miyerkules, Marso 13, 2013

Gagong Gupit


Since holiday ang client namin nung Lunes, pati kami affected ng long weekend. Kahit pa forced vacation leave ito. Well at least ako di nagamit ang VL dahil pina-attend nila ako ng training. Habang yung iba nagmamantika sa pagbawi ng tulog, makapaglaro at makapaglibang, o makapagpahayag ng sariling pananaw; yung iba naman nahanap ang chance na makapag-ayos man lang ng katawan.

Yes. Si Carol pagbulaga sakin kinabukasan sa locker... boom! Ang kanyang natural curls naging waves na. Like nung first time namin sya nameet sa orientation. Siguro namiss din nya to. Yung wala nang sumpa. Yung wala nang kulot salot and stuff.

Pagpasok sa production area... boom again! Ang katabi nyang si Met, bagong bangs! As in pina-istaylan ang bangs. Sya na ang epitomiya ng bangs. Infernezz, nauso ang bangs a few months back sa office pero sa kanya ang pinakabongga yata ang bangs. Maganda ang pagkakaframe sa mukha mestisahing kutis. Talbog ang Brazilian blowout ni Carol. Boom!

Mejo nakakapressure naman kasi kung paano nila inaapplause ang new dos ng mga hitad, sakin naman puro mga "mahangin ba sa labas" kinda looks ang binibigay nila sakin. Kulang na lang ibili nila ako ng suklay. Sarrey naman mejo humaba na ang hair ko, not in a Rapunzel kinda way. Parang talahib lang, malago at uncontrollable, parang bolivia hahah. 

Yan na rin siguro nagtulak sakin na magtungo sa pinakamalapit na salon. Well, matagal na rin akong di napupunta sa barbero, dahil, well, barbero sila. Ano lang ba alam kong hairstyle? Crew cut, flat top, 3x5, at barbers o gupit binata hahah. Sa salon at least sila magsasuggest sayo. Ok naman wag lang yung pahighlights. Ayoko magmukhang naglaba sa batis. 

So ayun, nga umabot ako sa salon. At mabuti naman at wala masyadong tao so naisalang kaagad ako. Shinampoo kahit walang hair product sa ulo ko. Mukha na bang nagmamantika ang hair ko?! Anyway ayun nga at pinaupo na ako para gupitan.

"Anong hairstyle po?"

"Yung fauxhawk? Pwede ba yun? Yung parang mohawk?"

"Ahhh semi mohawk po? Pwede naman po."

"Pwede ba yan sa akin?"

Tinaas ng konti ang sabog na bangs. "Mataas po ang hairline nyo. Dapat mo magpaside kayo."

Alam ko naman na mataas ang hairline ko, kelangan pa iemphasize to? choz. May nagsuggest kasi sakin, si yeeeheee. Magmohawk daw ako. Nagtiwala naman ako hahah. Lakas ng loob at tiwala lang. Madali lang natapos ang haircut. More razor lang sa sides, konting snip snip sa bangs. Actually, kelangan ko pa icorrect sya na papuntang right ako magbangs. Tapos konting blade blade. Shampoo shampoo. Wax wax. And voila! Di naman sya fauxhawk talaga. Di rin crew cut. Basta shorter lang. Cleaner na rin siguro.

Pagbalik sa office, nabigla ang mga tao. Mga common comments:

"Sana naging haircut ka na lang."

"Buhay pa?"

"Bagay sayo. Mukha kang bata."

"Ayaw mo pakabog sa haircutan ha!"

Ayaw ko talaga choz. Seriously, kelangan ko na ng jupit. Anong petsa na? Summer na. Ang init init na naman. Sabi nila nagpapagupit daw ang tao kapag depressed, kapag heartbroken. Kita mo si Basha? Alam nya ang three month rule. Well, choz lang yun. Nagpapagupit ang tao kapag mainit, kapag may budget, o basta kapag gusto nya. O kapag bored, nalolongkot, at walang magawa.


____________________
Photo by 4 Corners Photo via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips