Photo by DebbLynne via Flickr.
Sunrise, sunrise. Looks like morning in your eyes.
But the clock's held 9:15 for hours.
10.27.11
Himala at maganda ang gising ko kanina. Ang ganda lang ng golden sunshine sa yellowness ng mga kurtina sa kwarto ko. Hindi pa mainit. Pero there's something wrong. There's something very wrong. Hindi Saburday ngayon. Shett anong petsa na?! Alas nueve bente at nasa bahay pa ako, di ko narinig pumutak si alarm dahil di ko nga pala sya naset kagabi. Nagdadalawang isip ako kung tatakbo ako papuntang office na wisik wisik lang at late ng 2 hours, o take it slowly at pumasok ng fresh ng halfday. Tinext ko yung TL ko, halfday it is.
Di naman ako zombie sa pagpupuyat kagabi. Impakt alas dose ako nakatulog. Yes maaga na yon, dahil nung Tuesday ng gabi nag-adek ako kakalaro nung newly downloaded game. Nilaro ko pa sya this morning bago pumasok ng office. Yung brekky kong pancit canton, spiced ham, tirang tortang giniling at sorta kinda inihaw na baboy or beef yata, naging instant brunch na. Umalis din ako 20 minutes before 1 kaya nagboxi na ako para di na malate.
Pero nalate pa rin, five effing minutes. Tuwang tuwa naman sila Carol at nalate pa rin ako kahit halfday. Magpapatawag na daw sana ng rescue team para sunduin ako, choserang yan. Bakit pa ba ako pumasok eh magpepetix lang din naman ako. Dalawa lang ang journals kong tatapusin today, possible magawa ng 15 minutes pero pinatagal ko na naman. Kasama yata sa tasks ko yung magfloorwalk at makichismis. Nagpaturo pa si Lin kung paano mag-ayos ng list nya sa VLOOKUP. Akswali pwede ko na rin yata karirin ang pagiging Excel support. Any conditional formatting issues?
Nagparaffle na rin ng categories for the Christmas party. Ako ang gumawa ng lots. Mind you rock ang theme namin, kasama sa choices ang Glam, Punk, Gothic, Heavy Metal at Classic. Mabuti nang nasa same page kami ng rock theme, kasi baka mamaya may gumora sa Christmas party na naka Stone Age attire.
At sa minalas malas na kapalaran eh nabunot ng Manager namin eh Glam josko. Howell, mas matino naman yan kesa Heavy Metal... or Classic. Gusto ko sana Punk Rock, parang mix lang ng Rock at Jejemon eh choz. Nahirapan pa nga ako magconceptualize ng costume eh. Baka mag-ukay ukay na lang ako ng costume. Something red siguro, red na leather jacket kung meron man. Coz nothing shouts glam like red or parpol dabah? Magbabandana na lang ako or something, ayoko ngang makiwig or highlights in all its acetone glory.
Tapos may presentation pa. Kelan ba naimbento yang tae taeng konsepto na yan na lahat ng newbies sa company eh kelangang sumailalim sa sumpa ni Kuya Germs, kelangang pumroduction number talaga. Pwede kaya rock version ng Kumukutikutitap with matching rawr. Naimagine ko lang pwede namang Bohemian Rhapsody na lang, glamrock naman siguro ang Queen dabah. At ewan ko lang kung di sila maglungad sa twenty minute na performance.
Pag-uwi, punong puno na naman ang bus bay sa tapat ng parking lot ng Standard Chartered. Nilakad ko pa hanggang Buendia para makakuha ng maluwag na bus. Di pa ako makatulog sa bus kasi nga di naman ako puyat. Usually matutulog ako sa Ayala pa lang, tapos magigising ako after thirty minutes arriving Guadalupe pa lang. Pero eto ngayon kelangan ko tiiisin ang byahe. Buti naman nasa bandang dulo ako kaya di ako nakakapanood ng pirated dvds nila o Futbolilits o kung ano mang show sa blurred nilang TV.
Bumulusok ang mga tao bandang Paseo, at ashushwal ako ang huling tinabihan ng mga tao. Tanggap ko na yun sa aking sarili, na parang umover na aking antisocial barrier na kahit mga tao eh nakikita na to kaya iniiwasan akong tabihan lalo na't sa public transpo. Kung meron man napipilitan lang kasi. Yung tumabi sa akin na mama eh may parfum naman, very mild lang pero alam mo yon parang amoy kahoy na nabasa at natuyo at nabasa ulet. Kinda like vanilla siguro, di ba galing din sa bark ang scent nun?! At napapagkakamalan kong Sustagen scent kadalasan.
Sa harap ko may magjowang mukhang katulungin ang byuti, parang promdi ganon. Si ateng ikot ng ikot ang pwet sa upuan nya, parang higad na di mapakali. Gusto pala ihiga ang head nya sa lap ni kuya. Sinubukan ko na, shett akala ko naman bumagay sa kutis nyang kulay champorado ang vayowlet nyang couple shirt. Para syang di nagsuklay ng tatlong araw o mahigit pa, I'm sure di uso sa kanya ang suklay dahil kahit steel brush wa epek na choz. Ampait ko lang. Nakakainis kasi in public dabah. I hate it when people are in love, but I hate myself more when I'm in love. Yun yon eh.
Nabuset lang talaga ako dahil ginulo nila ang pagdadraft ko ng blog na to sa utak ko. Mehganon?! Andami mo talaga mapapansin pag wala kang magawa. Nasa Guadalupe na ako nang makita ko yung bagong ad ng Centrum. Yung bortang kuyang may rainbow bolt sa fez. Akala ko ad lang ng Pride. Tapos yung next na ad sa Convergy, "Be Yourself Today." Parang sinasabi lang nya, "huy bex gora na teh wag ka na mashokot shumogobelles sa Narnia choz." Sa kabilang side naman nakahambalang ang pagmumukha ni Kuya Kim at sumasign language ng letter C. Akala ko nga ad ng vitamins eh, Calayan pala. Akalain mo yun. TIMYAP nga sya pero di sya PROTEGE. Hanudaw?!
Bukas I'll be better na. I mean I won't be late na, itaga mo yan sa bato. Dahil I was never late, it's just that everyone's too early.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento