Blue Damask Pillow by diffractionfiber.etsy.com via Flickr.
"Unan ka ba? Kasi... kumukulo na yung tubig."
~Boy Pickup
~Boy Pickup
First clue eh 'her' ang ginamit na pronoun kaya sure na gurl ang salarin. Either that or may Pinoy defect si Jay sa pronoun gender confusion. Or sanay na sya sa pronoun gender transposition choz. May followup clue sya na umagang umaga kumacapslock. Di kaya may matinding case ng Kanye West syndrome ito or talagang sira ang shift key?!
In the end hindi ko rin nahulaan kung cynthia. Okay fine, iniisa isa ko lahat ng nasa batch namin, tutal 108 lang kami gumradweyt and for what? Sumakit lang ang ulo kakaisip at kakasearch sa mutual friends list namin. Infernezz ha di ko kinailangan magkape sa hapon. Konek?
So ayun napansin ko lang hindi lahat ng tao eh matatanggap ang sobrang kaemohan or sobrang gurlet or sobrang daldal, basta anything sobra is like so uh-uh. Urteh! Eh ako naman eh I can appreciate some of that, parang lafftrip lang yah know. Habang bumibitter ang iba eh gulong ka na nang gulong. Pero may limitasyon din, kasi di naman lahat cute or funneh. Lalo pa nga siguro kung makapagcapslock nang wagas eh akala mo wala nang bukas. Para kasing may pagsigaw na effect nagaganap. Hindi ako bingi teh, or bulag (in this case) sa iyong 48 font size na shout.
It's just that iba iba tayo ng levelling ng threshold for such, lalo pa't tumawid ka na sa ikatlong dekada mo. Gaya nitong isang kilala ko na nag-expire na sa panahon ang sense of humor. Ang eksena: may imbayt kami sa isang outing sa may Batangas. Inilatag na ang cost analysis: tumataginting na one thousand paysows. All-in naman na daw yun, transpo, accommodations, food. Pero etong si Janice na taga Batangas din eh kinekwestiyon ang pricing strategy why daw ubermarkup. Ang sagot lagi samin all-in na daw yun. At naglabas pa ng menu: lahat nakakatakam na food. Eh napansin namin walang rice sa list, so pajowk namin sinagot:
Janice: Walang rice?! Ganon?
Arvin: Common sense na lang.
Janice: Kelan pa kinakain ang common sense?
Arvin: Wala kang kwenta!
Nasobrahan lang siguro sa kape si Arvin at halos malasahan mong pumapalaot sa atmosphere ang charantianess. Is it just me (and Janice) or mahirap bang matrace ang sarcasm sa line of questioning namin? Tumatawa nga lang kami ni Janice pero seryoso talaga si Arvin nung sumasagot. Pramis!
Para lang yang si Boy Pickup. Di lahat nauunawaan sya. Or mababaw lang talaga kami ni Janice? Para lang akong unan. Kasi kumukulo na ang dugo ko. It's just sad to see end of friendship nang dahil sa capslock, or punchline.
Please don't unfriend me. Please!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento