Sabado, Setyembre 24, 2011

Layshu!

Hang Them High by edgar j. ediza via Flickr.
Narito ang puso ko


Mangita ta sa Sugbu
(Unabridged version)
08.19-21.11

Nag-umpisa ang lahat sa aking pamimilit kay Arvy na gumora ako sa kanila sa Cebu. Mag-iisang taon na pala sya dun, like last year lang eh palagi ko syang kasama magbijowke sa Cubao tapos Wensha at biglang all of a sudden naitapon sya sa Cebu. And now ako naman ang dadalaw sa kanya (parang preso lang choz).

So naghanap ako ng cheapest airfare na magsasakay sa akin papuntang Cebu sa loob ng tatlong linggong preparation lang. Josko pag ganyan pala katight ng time eh cheapest na ang 999 one way. So ayun hinanap ko pa ang Zest Air sa Makati, tumakas pa ako sa office at nagpakaligaw sa may bandang Bangkal yata. Feeling ko papunta na akong Pasay kakalakad, ayun mahal pa rin naman ang ticket. Walang consolation prize na discount or pampasada showcase para man lang maawardan ang aking pag-eeffort!

At dumating din ang flight date ko. Madali namang nafile ang VL ko kasi most of the time pag midmonth eh petix ako. Magtitipid lang sana ako papuntang airport sa pamamagitan ng pagbabus to Baclaran at jeep somewhere sa area na yun pero pinangunahan ako ng takot na baka maligaw lang ako, malate, maholdap, or worse, magutom! Heniweys nagtaxi na ako from bahay, sabi ko lang sa driver "manong domestic po!" with an air of confidence pa yun aztif matagal ko nang ginagawa yun. Pero wag ka, pagdating ng Parañaque biglang Q&A ni manong driver "bago o luma?" Nawindang ako. Meron palang ganon?! Aba malay ko naman jan. Basta sa domestic po. Iniisa isa pa talaga ni manong driver yung mga airlines para matunton ang tamang airport ko, sa Zestair po!

First time ever ko sumakay ng plane. I know natanga tanga ako, mabuti na nga lang at mabait ang mga tao don, kung nasa government office ako eh baka minura mura na ako ng mga staff dabah. Sa sobrang shock ko sa first time eh di ako masyadong nag observe, para di naman ako magmukhang noob. Josko sa dami ng katangahan kong ginawa sa airport eh ewan ko na lang ba kung di pa ako obvious. Sabi ni Ezz eh parang sumasakay lang daw sa Space Shuttle ang pagsakay sa plane, naiskerd ako pero di naman pala ganong kaskeyri. Mas skeyri pa imaginine yung mga napanood mong aircrash investigation chorvaness at Final Destination.

Nakarating ako pasado alas diez sa Mactan. From there siguro 30-45 minutes ang byahe pa papuntang Mabolo sa Cebu. Yung apartment na tinirhan ni Arvy eh may hotel sa kanto, pinatandaan nya sakin yung place para kung sakaling maligaw ako eh alam ko san babalik. Castlepeak, pero dapat ganito sya ipronounce, Casolpeek. Naabutan ko sa bahay ang ilang housemates na sila Wendell at Lady, andun din si Kel na nameet ko na wayback 2009 papuntang Galera. Wala sa bahay ang Joross dahil lumipad pala papuntang Davao karay karay ang jowa para magcelebrate ng birthday at magfireworks.

Nagkuru kuro pa sila saan daw dapat ako itour. Naririnig kong binabanggit nilang place eh Guadalupe, Ayala at Shangrila. Ano yan, pinapunta nila akong Cebu para gumora sa Makati?! Bakit di na lang kaya sa Buendia or Magallanes tayo pumunta?! Kalurks same name lang pala. Bago gumora eh nakiinnernets pa ako, sa di maipaliwanag na pangyayari eh di ko maaccess ang yahoo mail ko. So worry worryhan ako, buset na buset na pala si Arvy. Akalain mo nga naman, pumunta akong Cebu para mag-ayos ng email?!

Kumulang kulang isang taon na rin si Arvy sa Cebu. Umalis sya one month before his birthday. Di man lang ako nalibre kaya oras na nang pagtutuos. Nagsasalita na rin sya ng Cebuano. Oh dabah andami na nyang alam na languages: Filipino, English, Nihonggo (sukoshi), Ilokano (dijay ti banger), Bikol (pabakal tabe?) at heto nga Cebuano. Gusto ko rin naman matuto magsalita ng Bisaya pero gusto ko Ilongggo, para mas sweet daw choz. Nagpaturo pa ako ng ititweet. Ano ba sa Cebuano ang "kitakits sa Cebu." Sabi nya ilagay ko "Mangita ta sa Sugbu." Tweeted. Tama ba yan? Ibig sabihin pala noon "hanapin natin sa Cebu." Buset, buti na lang nagbuckle ako sa pagtitweet. Expression daw ng mga Cebuano ang "oy" na parang equivalent sa Tagalog at coniotic ng "eh" na wala naman talagang meaning. Meron ding bekinese ang mga Cebuano, at ayon sa claim nila eh mas mahirap daw ang Tagalog version. Sa tagalog bekimon kasi magulo ang etymolgy na may hugot sa Japanese, English, at Ngongo. Sa cebuano bekimon binabaligtad lang daw nila ang words. Like the word sosyal. Sa tagalog bekimon shala. Sa cebuano bekimon layshu. Ewan ko pano naging baligtad yan basta yan ang term nila. Layshu!

Mejo confusing pano magtravel sa Cebu. Pwede mo namang ijeep yung most of the way pero kelangan may lakad involved dahil may certain routes lang na dadaanan. At di uso ang karatula sa mga jeep like Pasig-Quiapo or Stop n Shop-Cubao-SSS Village Marikina. Sa kanila nakalagay lang 4A or 16B. Kelangan alam mo kung san papunta yan. Or else magboboxi ka, which is madalas naming ginawa para mabawasan ang pag-aalay lakad. Sa isang jeep buong pagmamalaki ni Arvy sakin:

ARVY: Oy wag ka, tinanong ako ni manong driver kung estudyante daw ba.

ATHAN: Kung ikaw estudyante eh pano pa ako nyan? Pupil?

ARVY: Pupil?! Akala yan yung nasa mata.

ATHAN: Eh kung sikmuraan kita sa mata jan?

First day eh pinatikim na sakin ni Arvy ang lechong Cebu. Gumora kami sa CnT na dinudumog ng mga tao dahil sa sikat nilang lechon. Kaso sobrang dumog ng mga tao eh lumipat na lang kami ng location sa SM branch. 300 php din sya per kilo ata, bumili pa si Arvy ng puso na parang rice lang na nakabalot sa dahon ng saging or something at parang lasang niluto sya sa kahoy dahil sa parang mala usok na lasa. Naghanap ako ng utensils yah know like spoon and fork pero wala. Ang binigay sakin plastic. Apparently ganito ang pagkain sa Cebu, magkakamay ka pero may lamination involved. Di pa naman ako sanay magkamay, wala ba talagang spork man lang or chopsticks?

Right after lumafang eh inexplore muna namin ang SM Cebu, hondoming taong sumashopping ha at infernezz walang namamaril ng kapwa shoppers. Mukha rin silang Tagalog, iba nga lang ang salita hahah. Iniisip din nila sakin mukha akong Bisaya iba lang ang salita. May mga nanghihila pa sakin, binebentahan yata ako ng credit card o bahay at lupa. Di ko alam, or baka minumura na ako. Then ang IT Park kung saan sya nagtatrabaho, right across ng gate eh meron akong nasight na casol or cathedral, Pagcor lang pala. First day ko pa lang sa Cebu eh inulan na kagad kami. Third pitstop ang Ayala, na mukhang Ayala malls daito sa Manila, like may elements sya ng kisame ng Glorietta, at ng open area sa Greenbelt 3 at gardens ng Trinoma, at a little bit din yata ng Landmark. Fourth pitstop ang Sto. Nino Church, kung saan nagwish ako sa Golden Sto. Nino na dinudumog ng wishers ha. Prayer for world peace naman yon choz. Katabi lang nun ang Magellan's Cross na parang wala lang kasi mas majestic sya sa postcards. Sana naging postcard na lang sya. Next stop ang Fort San Pedro, na parang mini Fort Santiago, azzin enclosed syang fort na parang triangular ang shape. Next pitstop for the day ang Cebu heritage na parang sculptures na nakahambalang ang parke sa gitna ng kalsada. Bago pa umuwi eh naghanap pa kami across Cebu ng mabibilhan ng cheesecake panggift daw. Red Ribbon, Goldilocks, Breadtalk, Starbucks, pati Sbarro pinasok namin pero wala kaming nakitang cheesecake na swak sa budget. Last resort naming nadaanan ang Dessert Factory at wala nang patumpik tumpik na binili ni Arvy ang isang kahon. Bumorlogz na kami after mamaltos ang paa ko kakalakad.

Kinaumagahan tinamad pa akong magkikilos. Nanonood sila ng Myx sa TV nang biglang namangha ako sa music video ni Ely Buendia sa 20/20. Naglalakad sya sa pinakamatatraffic na kakalsadahan ng Maynila at walang sasakyang dumadaan pramis! Atzif nagrapture na at inuna ni Lord ang mga trapikero. Gusto ni Love Añover ng ganyan. Habang manghang mangha kami ni Arvy eh parang walang konek ang video sa mga housemates. Di pa kasi sila nakatapak ng Manila.Pag tinanong nga kami san ba magandang mamasyal sa Manila, clueless ako kung saan ko sila ituturo. Intramuros? Fort Santiago? Nayong Pilipino? That is so elementary field trip. NKKLK yung isang officemate ni Arvy na si Star. Nagpabook daw ng travel to Enchanted Kingdom, with hotel accommodations na daw yun for three days. Pero ang gustong tamblingan after ng booking eh sa Bulacan. Oh dabah ginawa lang nyang piko ang Slex-Edsa-Nlex.

Agenda for day 2 eh ang pakikibirthday ako kay Lady, boodle fight daw. Ang sarap pala ng Battle of Mactan, may kilawin, sugba, mangga at kung anu ano pa yumyum. Dala namin ang blueberry cheesecake from Dessert Factory, na sobrang makacream cheese sa kapal. Favorite cake daw yun ni Lady kahit never pa nyang natikman, weird lang ano. Parang sinabi kong favorite vacation spot ko ang Paris kahit never pa akong nakalabas ng Pinas. Di ko lang alam kung magandang experience yun kay Lady dahil di naman kasarapan masyado ang cheesecake na yun.

Then tambling kami to Mactan ulet para makita ko yung real life Battle of Mactan site hindi yung boodle fight. Katabi lang pala non ang sutukil na akala ko eh bisayang version lang ng shoot to kill pero sabi ng aking source eh abbreviation daw yan ng sugba-tulaw-kilaw. Di ko naman natikman yon dahil busog pa. Then miming na sa Portofino... errr kaso lang nabuset kami dahil nawalan kami ng gana sa place dahil andaming mga tao eh napilitan kaming magchange location.

Tambling kami via habal habal, which is a local term (term daw oh?!) sa may-I-angkas-to-the-motor. Naiskerd talaga ako pero di ko naman naipahalata dahil maayos naman ang pagkapit ko kay kuya. Siguro lang talagang hindi ko pastlife ang pagfa-5-6 choz. Bigla namang nagalit ang kalangitan at umulan, kehlalaki ng patak at ang sakit tumama sa mukha at sa skin, dahil na rin siguro sa epekto ng pagspeed up sa habal habal. Wala man lang kasing helmet. Akala ko nga uso ang hailstorm sa Cebu eh. Lalo akong natakot, naisip ko na lang na buti dala ko yung Maxicare ko para kung sakaling madisgrasya ako eh may sasalo hahah.
Josko kung may mangyayari man sa akin, sana lang eh may accredited na hospital na malapit or papatuloy ko nang mategi ako choz.
Mas layshu ang nalipatan namin sa tumataginting na 750 per pax inclusive ng buffet. Whitesands ang name ng place, although di naman talaga white sands sila dahil di mo maaatim na lumublob sa tubig dahil sa taglay nitong lumot at unknown living organisms. Sa 4 feet pool ka na lang talaga magsiswim swiman. Pagkarating sa place eh hinabol ko talagang makapagbuffet, kasi naman hanggang 1:30 lang. Sinulit talaga, that is so deadhungry of me like an Animal Planet, considering kakakain ko lang nyan sa Boodle fight ha. Nagtataka lang ako bakit andaming Korean sa lugar na yun, although napansin ko naman sa kalakhang Cebu eh merong Korean here and there, dito talaga andami nila. Parang invasion na. Dapat ang motto ng tourism natin: Pilipinas Kay Ganda: South East Korea! I've heard na nag-aaral ng English sa pinas yang mga kimching yan dahil mas mura ang cost of living dito at nakakapaglamyerda pa sila. Ang pinakanakakabuset nilang ginawa eh hinoard na nila ang jacuzzi. Di tuloy kami makapagnyiknyuran don gamit ang layshung underwater cam ni Arvy ang brand Fuji, akala ko nga Kodak.

After ng mimingan sa Mactan, dumaan kami sa isang salon para magpajupit ng nails si Arvy. Eh naisip ko kelangan ko na rin, pedicure lang kasi I'm skerd magpamanicure. Feeling ko paduduguin nila ang kamay ko. Gora kami sa Salon d' Orient, suki na daw don si Arvy. Dalawa lang ang crew that time. Yung isa kayod sa manicure at pedicure, dahil yung isa sa hair lang ata. May nauna sa aming majubang lola nangangamoy layshu. Mejo matagal ayusan si lola kasi umaarte pa sya at more kain muna ng meryenda kaya inuna muna si Arvy. Akala ko ako na ang next pero no, shift back kay lola. Nung di pa rin tapos kay lola, ako na yung sinervicean ni ate. Pero wait there's more singit si lola, andaming arte nya, yun pala pauwi na sya. Jirita! After ng pedicure, tinanong ako ni ate kung go daw ako sa kamot. Buti na lang naalala ko kamot pala is kamay, tiil ang paa.

Madaling araw eh nagpunta kami sa lugar na tawag nila eh Larshan na parang ihawan etc. Since wala akong ganang kumain eh nag isaw lang ako at puso, akswali mejo kaderder yung nakain kong isaw kasi ampait nya. Namiss ko tuloy yung Tusok fried isaw sa Cubao at yung isawan sa UP.

After non eh gora kami sa Mango na parang Cebuano version ng Malate. Pumasok kami sa Numero Doce bar na nag-iisang bex bar sa lugar. Dito ko pala makikita ang bex ng Cebu, pero parang wala akong masyadong bet, siguro di lang talaga ako pang ganitong nightouts. Heniweys, later nagyaya na si Arvy magbijowke. Syempre may tama na ako sa dalawang bote ng Gilbey's (hangweak) at ayun todo birit na ng mga anthems ko: Stitches and Burns, Himala, Before I Let You Go. Si Arvy ashushwal nagblast to the past ng 80s songs. Finale ang Boys Fall In Love. Shett asan ka na ba love? hahah. Last stop for the midnight ang massage spa, minus the extra service ahahah.

Last stops before ako umuwi sa Manila eh namili ng pasalubongs sa SM, imbes na gumora pa sa Shamrock na out of way pa. Nagmeryenda lang kami sandali sa Ayala at what do we have here... may unos na sa Cebu, baha kagad ang kakalsadahan. Dahil jan pati ang flight ko pabalik ng Manila eh nadelay, like 2 hours late.

It was nice seeing Cebu. Third island ko pa lang yan na natutuntungan sa tanang buhay ko, after Luzon and Mindoro. Maybe I'll visit again one time. I love you Cebu, thank you and good night! Concert?!

Akala ko makikita ko ang puso ko sa Cebu, yun pala kanin lang.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips