Santa hat cup cake by Cake Envy via Flickr.
You better not pout I'm telling you why.
Fifty one days to Christmas at syempre uso na naman ang kris kringle. Niresearch ko pa talaga kay ate Wiki kung ano ba ang etymology nito at chinorva nya sakin na galing daw yan sa word na Christkindl na some kinda Germanic tradition ng isang secret gift bringer at literally transalated as child Christ. Ewan ko ba nagpapaniwala naman ako sa kachoserahan ni ate Wiki pero nung tinanong ko about monito monita eh natameme lang sya.
Heniweys ewan ko ba at nasali pa ako sa monito monitang yan sa team namin eh wala naman akong katyaga tyagang mamili ng mga gifts. Like last week eh something funny ang something namin. Dahil sa tinatamad ako eh binili ko na lang yung text joke book sa Power Books. Kahit ako hindi natawa kaya sorry na lang sa naging baby ko.
At since three days lang ipinasok namin this week dahil jan sa supah long weekend na yan eh deferred for next ang next something something. At least favorable variance pa rin ang budjey ko dahil sa less fifty peso expense. Pero goodluck dahil di pa ulit kami nagkakabunutan kaya magkacramming na naman sa pagbayla ng something.
For the major major event na ekchange gift sa Christmas party eh nagpakawala na sila ng bunutan blues. Di ko nga knows yung nabunot ko, some gurl from the other wave. Kelangan ko pa ba igetting-to-know you para malaman ang peg nya?! No way!
Mabuti na lang at nauso na ang wishlist. Dati nga walang ganyan ganyan kaya kung anu ano na lang ang natatanggap mo: alkansya, kalendaryo at picture frame, at ang pinakamasaklap eh nakatanggap ako ng Safeguard plus Good Morning towel. Bakit ba may wishlist?! Para lang naman yang grocery list, iniuutos mo sa kanila ang gusto mo bilhin kahit kaya mo naman. Tapos magrereklamo ka pag di mo nakuha sampalin kita jan eh.
Naglabas na rin sila ng log ng wishlist sa shared drive. And not just one, not two, but three categories pa! Imagine!
- Rock my World - or my dream gift category. In other words I'm looking forward to buy pero I can't dahil sa maraming constraints, either too idealistic.
- What I Want - or yung level ng what I really want pero in the most realistic way na sasapat sa aking panlasa.
- Pwede Na - my least expected pero please lang wag ka nang bababa jan utang na loob.
Pero rare din namang matupad ang mga wishlist na yan dahil sa maraming kadahilanan like:
- Financial constraints - poverty is a big issue in the Pines. choz. Walang masyadong monella ang Santa mo tapos chinarge na lang nya sa total amount ng gift yung presyo ng wrapper.
- Time constraints - busy sa deadlines, kung anu na lang nadampot yun na
- Energy constraints - tinatamad magshopping kasi nakakapagod dabah
- Interpretative constraints - (anudaw?) yah know when sinabi mong you want that Taylor Swift knee high socks tapos binigay sayo eh CD ni Justin Bieber kasi di daw nya nagets yung description
- Others - catch all ng mga walang pakundangan at walang kapatawarang gifts
Kaya ayun nakita ko sa wishlist may mangilan ngilang naglagay ng Sodexho gift checks para sure na sila na mismo ang bibili. Yung iba hindi rin seryoso sa paglalagay sa wishlist. May naglagay ba naman ng sports car... yung red. Regulahan ko kaya sya ng 500 pesos worth na Fita at iekpleyn ko na lang na nagets ko yung joke nya buset sya. Yung reregaluhan ko naman ang wish ba naman eh either pillow daw, bed, or bed with a guy. NKKLK si teh parang nasa Sahara lang. Dahil jan ang ireregalo ko sa kanya eh ointment, pampakalma choz.
Si Denise nga bongga yung nabunot. Ano pa ba ireregalo mo sa may dalawang condo at isang kotse? Buti na lang book lang ang nasa wishlist nya, complete with author, edition, at bookstore san ka pa.
Ang nilagay ko sa wishlist ko eh book by Salman Rushdie, kasi mejo naintrigue lang ako sa synopsis ng books nya although nagdadalawang isip pa ako kung gusto ko talaga basahin yun. Yung isa eh 500 pesos in cash na lang. Ako na bahalang mamili, ilagay na lang nya sa angpao tapos ilagay nya yun sa isang box at punuin ng dyaryo para kunwari bongga yung gift nya hahah. Pero sa rock my world category eh wala pa akong mailagay. I can't decide. Yung iba nilagay surprise me, josko baka mamaya gulatin lang talaga sila tapos sabihin yun na yung worth five hundred pesos.
Ano nga ba?! All I want for Christmas... is YOU! Yes, you my crushie sana ang nakabunot sakin. Kahit smile mo lang worth five hundred na for me shett! Tapos ang kahantungan ko pala eh yung mga taong nagpapakulo ng dugo ko pa ang nakabunot sakin eh hahah.
Pero yah know the spirit of Christmas is not about what you receive, but what you give. Hamplastik lang pero it's true. Iwasan kasi maging chossy. Remember greed is a sin and charity is its opposite virtue. Be more Santa, and be less Grinch. You still want to retain the element of surprise naman di ba? Kung anu man ang matanggap mo, be thankful na lang. Yung iba nga walang natanggap na gift.
And I think now I know the perfect gift for Christmas... World Peace! Yah know... idealistic but still please rock my world hahah. Lezz just give love on Christmas day (Christmas day).
Lubos na gumagalang,
xoxo
Athan
Lubos na gumagalang,
xoxo
Athan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento