Photo by josie lynn richards via Flickr.
I found a diary underneath a tree and started reading about me.
Dear Diary,
Carlo sat beside me today... and he is so cute. Sabi niya I'm pretty, kaso lang I'm fat kasi. From now on, goodbye chocolates, goodbye spaghetti, goodbye hotdogs.... Ayyy, goodbye Carlo!
sey ni Chantal Umali sa kachikkahan nyang diary. Di ko nga alam kung totoo ba talagang nategi sya IRL ayon sa other chismis or yung career lang, kasi she's so fat. choz!
~0~
I've never really maintained any personal diary of my own. This blog is my sorta kinda virtual diary na, which I update like every other payroll na lang yata kung juicy pa ang utak ko. Ewan ko ba, ni tweet nga di ko magawa, eto pa kayang dumiary or bumlog. Atsaka baka mawala ko lang yan at may nakabasa, nakakahiya pa (azzif sa blog walanghiyaan ganyan). Dapat para secure eh itago mo ang diary sa ibabaw ng TV para walang makakita choz.
Heniweys I can remember way back in grade 3 nung forced kaming gumawa ng diary sa English class namin. Kahit ano na lang basta me masulat, total di naman talaga yun binabasa ni teacher. Ano pa nga ba ilalagay sa diary ng isang hangal na bata kundi mga kahangalan nya sa buhay like yung favorite nyang Xmen hero, or favorite sa color wheel, or episode kagabi sa Okay Ka Fairy Ko or crush nya. Yung likod nga ng diary punung puno ng mga scribbles at FLAMES at caricatures. Pero kahit papaano nairaos ko magsulat ng diary way back, tumatalon nga lang, parang episodic ang buhay ko elementary pa lang.
~0~
Have you read Bob Ong's Mga Kaibigan ni Mama Susan? Horror ang drama pero diary ang style nang pagsulat nya at wala akong masabi, mas magaling ang pagkasulat nito compared so super TH na pumatok sa 80s babies na Kapitan Sino. Naimagine ko tuloy what if nangyayari sakin yun mygass, baka di na ako makapagsulat. Tatakbo na lang ako ng tatakbo hanggang mategi or worse... maihi sa pants choz.
TU UNA CUM VITIIS TUIS ES LOCUS PUGNAE INTER BONUM AC MALUM.
And you know what's scarier than that? Yung gastos ko lately, yah know for what? Para sa 2012 Starbucks planner. I know, I've said earlier na di naman talaga ako diary kinda person, pero what can I do. Nainggit kasi ako last year honggondo nung planner nila, with the piksurs and evrathang. And I thought mas maganda this year but no, almost 4 tickets in na ako nung makita ko yung new set of planners nila. Ano pa ba magagawa ko eh nakapasok na eh, enjoyin ko na lang all the way.
Shared Planet ang corporate social responsibility nila this year kaya most material used ay recycled. Pero naconfuse lang ako kung shared planet chorva ang drama nila eh ilang puno naman kaya ang pinatumba nila makagawa lang ng cover? Yah know it comes in five: poplar, bamboo, cherry, spruce and oak. At may coffee bean bag pa daw or something.
Imagine binuo ko yung 16 cups (isa lang kasi nalimos kong donation) para lang makuha to. And for the tally that's:
- 6 Peppermint mocha
- 2 Cranberry white mocha
- 1 Black iced tea plus strawberry shot
- 5 Caramel macchiatto
- 1 Mocha espresso
- 1 Vanilla cream with affogato shot
I actually got the spruce one, although I really liked the cherry one as well. And so yeah more or less ang nagastos ko eh worth is 2.5k mygass. Parang that's not me really. Kahit sa office manghang mangha ang mga officemates ko. Kung makapagkuripot ako kumain sa jollyjeep eh sya namang paglulustay ko sa kape, may free milo-espresso naman sa pantry. Come to think of it, parang mas naappreciate ko ang coffee ng Starbucks, kung sana lang sing chipangga sya ng 7Eleven eh baka maground two pa ako.
Pero what really bothers me (yes nabobother din ako sa sarili ko noh) eh bakit ko ginawa to?! Sabi ko nga eh di naman sya as expected ko pero gumora pa rin ako. Clean and Green ang peg, ganon? Naisip ko lang kasi naman eh it's 2012 yah know. It only happens once, malay mo naman magamit ko sya for 356 days di ba. Leap year pa sya, tapos may Olympics sa London, malay mo lumipad ako bigla don. Who knows?
Basta ang mahalaga eh magkaron ako ng planner, kahit siguro yung cheap na lang sana ang inendeavor ko pero eto na eh. I really need it, to plan yah know. Ayon nga sa libro ni Steven Covey na The Seven Habits of Highly Effective People, under habit number 3: Put First Things First. Di ko naapply yan sa buhay ko. Minsan oo lang ako ng oo not knowing naschedule ko na pala yung particular time and date na yan, nagkakasagasaan, nagkakabuhul buhol, at nagkakadrawingan. Kasi ang pag prioritize ko eh depende sa taong nag-imbita, choosy eh. Kahit minsan may nauna nang nagpacommit napapa-oo ako sa iba.
So there, I really need to manage my time, my week actually. Kasi mahirap magrely sa calendar method lang, minsan nakakalimutan mo at poof patay kang bata ka. Sabi nga ni kuya Steven you should know which activities are important and not urgent to plan ahead so you'll never have to make cramming crammingan.
Pero exception to the rule kung may love na involved, kasi kahit anong logic ang ipasok mo jan, mananaig ang punyetang feelings na yan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento