Biyernes, Abril 30, 2010

Kontrapelo


Photo by Momo Trish at Flickr. Snowberries


Sa Pula, Sa Puti
04.29.2010


Akswali mini-update lang to. Again napaisip ako ng title na saswak sa kwento ko pero ayan ang pinakamalapit na naisip ko. Red and White. At dahil jan pati yung piksur eh dapat may konek din somehow sa blog na to. Heniweys, ewan ko lang kung may pumapansin pa sa mga iniinsert kong pictures. Merong konek yon somehow. Kelangan lang ng powers of references at wikipedia. Choz.

Heniweys, ano ba ang may konek sa red at white?! Well meron jan sa sabong na ang magkalabang sides eh laging either pula o puti. Ewan ko bakit pero ganun talaga. May dehado, may llamado. Logis! Logis!
Sa food pwede rin sa wines dahil merong red wine for red meat at white wine for white meat. Mejo matching effect lang yan pero actually it depends din what kind of wine not just the color. Sa spag naman typically merong two sauces ng red made commonly of tomatoes at white sauce. Akala ko rin dati white sauce is automatically carbonara pero hindi pala dahil maraming variations ng sauces na white colored. Although meron pang ilang sauces that would not fall under red or white, those are beside my point. Sa asukal nga merong puti at pula, pero yung pula kulay brown talaga ano ha?!

Sa multimedia merong mga queens yah know from Through the Looking Glass ni Lewis Carroll merong red queen at white queen. Although chess pieces ang focus dito, ewan ko bakit red imbes na black ang ginamit. Colorblind malamang si author. Heniweys, fabulous ang portrayal ni Helena Bonham Carter as Iracebeth the red queen at ni Anne Hathaway as Mirana the white queen sa latest adaptation ni Tim Burton. Sadly, hindi masyadong patok sa ratings dahil marami DAW nawala sa narration. Meron din sa kwento ng Snow White and Rose Red na di kafriendster ng mga dwarfs [sic] kasi magkanamesung lang sila nung Disney Princess.

Meron ding red at white blood cells. Actually marami pang contrasting ang red at white. Sa symbolism ng flag natin: ang red ang katapangan at ang white ang kalinisan.

At dahil jan kahit walang transition eh sisimulan ko pa rin ang kwento ko. Nagmamadali ako ashushwal dahil late na naghahabol sa aking appointment. Kelangan ko makasakay ng FX dahil yun lang ang transpo na dumadaan malapit sa pupuntahan ko. May isang nakaparada na nagpupuno malapit sa kanto. Isa na lang daw at gogora na kaya ayun sumiksik na ako. Ewan ko ba at bakit pinagsisiksikan ng sampung pinoy ang sarili nila sa loob ng masikip na fx. Bukod sa claustrophobic na ito eh hindi ba yon oover sa weight limit ng sasakyan? Naawa ako bigla sa gulong.

Heniweys, nasa mid part ako sumiksik. Puro gurls ang kahelera ko, wala naman majobabs pero masikip pa rin kasi pati mga shoulder bag nila may nakalaang space. More than thirty minutes ang biyahe including traffic sa destination ko, ganun katagal na pala naipit ang aking mga ugat.

Pagbaba eh may short walk pa papunta sa building. Doon ko pa lang nadama ang kakaibang sensation. Totally namanhid yung junjun ko. Alam mo yung pakiramdam ng biglang nanumbalik yung yung feelings? Yung parang tinutusok ka ng isang libong karayom, well less than one thousand kasi di yata kasya yung ganon karami don. Nararamdaman kong dumadaloy yung dugo sa mga ugat. Parang may umaagos. Feeling ko nagwewet lang ako... yah know parang sa wet dreams pero gising ako. As in may akala ko talaga nabasa na ako. Parang umiihi lang ako sa sobrang bilis ng agos. Bumagal ang paglalakad ko. At ilang beses na gusto kong umupo muna, pero natatakot lang ako na baka lalo ko maipit. After two minutes or so, nagstabilize na ang condition ko. Shett! First time ko yata nagkaron ng cramps sa junjun. Takot na takot ako pero I wouldn't say I didn't like it. Shett ulit! Ganun ba ang feeling ng iniipit?! OMG may iba akong naiimagine. hahah. Ayyjazzlavett! Well, maybe next time eh hindi na ako magpapaipit sa crotch area, sasadyain ko na lang yon when I want it. hahah


Moral of the Story: Don't try this at home without adult supervision or consent. At wag nang ipagsiksikan ang sarili kung masikip na ang fx. Maghintay ka lang at may dadaan din jan na kasya para sayo.

Implikasyon: May mga feelings na kapag namanhid na eh di magandang ibalik pa ang sensation, parang tutusukin ka talaga ng milyon milyong karayom. May mga bagay na sadyang not meant to be yah know. Parang pulang sampaguita.* They don't exist unless pilitin mo.

At dahil jan may nagtext, si Alice: "Why not paint the sampaguitas red?" What an odd thing to say. Pati ba naman yon patulan?! But of course, all the best people are mad. Choz!


____________________
*Isasama ko sana sa example ang puting gumamela pero meron pala noon. Oo ginoogle ko na, nasa Hawaii. I'm sure mas mabula pa yan lalo na pag hinaluan ng Tide.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips