Sabado, Abril 3, 2010

Go Planet!


Photo by Katrina Lou Samsin at Flickr.


Binondo and Earth Hour
March 27, 2010



Nagset-up ang FSR ng isang foodtrip sa Binondo headed by Yanyan. Unlike nung last event na handled nya sa may Wildlife, kaunti lang ang nagsign-up dito. Mejo haggard nga daw sya at muntik na nya i-cancel totally. Ako naman hindi rin sure kung pupunta ako sa event na yan, una dahil tipid tipiran na at rume-red alert na ang jiraffe mode. At pangalawa may mga lumaline up na ibang meetups with Elvin at Ezz. Di natuloy ang lakad with Elvin sa Anicon dahil gusto nya solohin si Yohji. Si Ezz sa naman eh napush back sa hapon ang luwas sa Manila dahil mas pinrioritize ang pagdidilig ng virtual farm nila ngayong El Niño.






Photo by Noi. Oil tanks along Pasig River.


Superfairy Trip Kita!
c. 4:00 ~ 5:30 PM



Alas tres ang call time pero ang actual arrival ng ferry eh alas quatro y media. Nilakad ko again from Boni to Guadalupe derecho sa loob na ng station. Present na si Yanyan, Kuya Noy, Nhes, Albert, at Jaycee. Fourty five paysows ang isang ticket to Escolta. Sila Macoi at Alex eh wala pa kasi di daw nila alam paano pumunta sa station from MRT, which I doubt kasi baka dumetour muna sila sa Red Building yah know. Ten minutes before arrival ng ferry dumating ang dalawa.

Dumating na din ang ferry. May three columns ng seats. Pumwesto ako malapit sa bintana sa port side para may view ako. Closed naman ang doors kaya di mo maamoy ang halimuyak ng Pasig except yung engine at gas. Ang mga stations na dinaanan along the way eh barangay Hulo na pinakamalapit sa akin, barangay Valenzuela sa Makati (hindi yung city mismo kasi so so far north yon), Lambingan bridge sa may Punta, market sa Sta. Ana, Pureza via PUP Sta. Mesa, Lawton sa likod ng Malacañang, at last stop namin sa Escolta entrance to Binondo. Walang masyadong view rin makikita kungdi mga oil tanks, squatter areas at tenements minsan may village din pero nag-iisa lang ata yon, mga tulay na may nakasabit na mga kakubuhan (at minsan ginagawa ring date rendezvous), at mga kinakalawang na carrier boats. Merong apartment slash condo whatever din na nadaanan named Sin Village, kaputol pala sya ng Jaime Cardinal sa katabing building. Pagdaan sa Malacañang palace eh bawal pumiksur taking, as if naman ganun ka breath-taking yung view. At least nakita ko yung design sa bente pesos.





Photo by GIBBster at Flickr. Froglegs.


From Binondo with love
c. 5:30 ~ 7:30 PM

Pagbaba ng Escolta Stn, tinahak na namin ang kahabaan ng Binondo along Quintin Paredes street. Mejo disappointed ang Jaycee dahil wala kaming nasasalubong na kacha-Chinese-an. Old business district ng Manila ito according to Jaycee, pero naiisip ko lang basta mga intsik eh botika at bakery. May mga columns, arcs at ornaments pa with the chinese writing and everything para iremind sayong Chinatown nga ito. More lakad pa hanggang umabot kami sa Binondo church. Sa harap merong mga purple firetrucks courtesy of Eng Bee Tin hopyaan. Meron ding bust ni Roberto Ongpin (cynthia igoogle mo na lang) na ginawang tambayan ng mga kabayo. Sabi ni Yanyan beki daw yung mga kabayo kasi ba naman nakapoint yung hindlegs nila parang umiistrike ng model pose lang.


Pumasok muna kami sa church. Since first visit ito eh eligible kami sa isang wish. Sa ceiling ng church eh merong mural ng mysteries. Yung altar mismo eh mukhang miniature version ng isang Cathedral, ang pinaka-centerpiece eh ang Lady of the Most Holy Rosary tapos may sarili sariling apartment ang assorted saints. And take note in pink ang color theme ng altar. Sa may right side merong Nazareno na ginawa naming wish ko lang booth. Sa may entrance ng simbahan pwede ka ring magtirik ng kandila para sa mga idinudulog na kahiligan. Nag-alay si Albert at Jaycee, for love and career ba ito?

Nakahambalang na rin sa kakalsadahan ang mga palaspas. Actually cramming na ang mga tindera, de-stapler na ang paggawa nila para lang umabot sa rush sales. Sa tapat ng simbahan ang San Lorenzo Ruiz plaza kung saan nagtatatambay ang mga kaindayan at kaconstruhan, at naglalaro ang mga kabataan. Naghahanap pa sana ng ibang park si Jaycee kasi di satisfied sa kawalan ng mga chinito. Tinahak na lang namin ang Ongpin patungo sa Estero. Along the way may nadaanan kaming some kinda fruit slash veggie slash rootcrop. Nagdedebate pa sila kung papaya ba yun o pipino, tanging ako lang ang nakaisip na mukhang mais sya ginulo ko lang lalo ang isip nila. Napakaraming chinese drugstores na nagkalat. Gusto sana bumili nila Jaycee at Yanyan ng pampataba pero winarningan na namin sila: mahirap magpapayat after (mas concerned pa kami don kesa sa risks ng side effects).

After ng ikalawang tulay along the road liliko ka lang at Estero na. Parang dampa style pala dito, pero instead na mamalengke ka eh pipili ka lang sa fresh stock nila ng iluluto at ang klase ng pagkakaluto. Maraming kainan doon at kanya kanyang hila ang mga servers. Gusto sana namin sa loob sa may aircon pero josko naman sa third floor pa kami dadalhin at solo namin ang room, wala kaming masasight. Kaya ayun nagdecide na sa labas na lang para may view. Best seller daw ang froglegs kaya bumili na rin kami non, chili. Lasang manok nga sya ayon sa ibang claims, naiimagine ko chicken wings dahil sa bony structure pero meron syang black gooey essence pag tinatry mo ibreak yung crispiness. Nag-add na kami ng order: 2 platter ng fried rice, sweet and sour pork, buttered chicken, beef with brocolli, at tig 1.5 liters ng Mountain Dew, Sprite at Coke. Masarap lahat ng food, pero favorite ko ang beef, na maraming natira... well, more for me. Favorite naman nila ang chicken, pero parang ordinary lang sa akin, mas masarap pa yung broasted chicken sa Ermita na dinayo namin before. Busog talaga, solb! Napatagal pa ang stay namin dahil nagtutunaw ng kinain at di pa namin alam saan ang next destination. Nakakairita yung mga streetchildren na nangungulit manghingi ng food kahit di pa kami tapos kumain. Mukha naman silang healthy pero pumi-PG mode josko, eto ba ang epekto ng palagiang paliligo sa dagat ng basura? After namin magbillout, di pa kami nakakatayo eh suguran na silang lahat sa food.




Photo by Noi. Kalesa near Binondo Church.



Alay Lakad
c. 7:30 ~ 8:30 PM

Nilakad na namin ang dulo ng Ongpin at ngayon naman nasa tapat na kami ng Sta. Cruz church. Hindi na rin kami nakapasok sa simbahan, pero sayang ang wish dabah? Lakad pa kami papuntang Rizal Avenue. Si Yanyan may nakatitigang kakuyahan, azz in tumigil pa si kuya at inaantay gumawa ng move si Yanyan. Pero dedma lang si Yanyan, about face si kuya na may bekpek na may nakasulat daw na masseur ayy alam na! Pagdating sa innersection liko naman kami papuntang Recto. Dumarami na dito ang titigan factor, pati yung magbabalot yata nakikipagtitigan na.

Napadpad kami sa tapat ng Isetann, at dun na pala ang pugad ng aurahan, lahat na talaga doon eh gumagala ang mga mata. Di na kami pinapasok sa loob kasi closing na sila bandang alas ocho pa lang. Naglakad uli kami patungong Mendiola naman. May kaguluhan sa gitna ng daan, may mga kabataang mukhang rumarugby na nagtatakbuhan na akala mo may snatchang naganap pero parang papampam lang. Pagdating sa innersection ng Quezon Boulevard bumulaga sa amin si Lee (na sa sobrang kagalaan lately kung san san nakakasalubong sa Cubao, Malate at ngayon sa Recto). Naghihintay daw doon ng kadate nya, eh mukhang ininjan sya kaya may back up plan na maghanap ng ibang kadate. Linoloko pa nila na baka nga naghahanap ng pangtuition tong si Lee. Jumoin na rin sya sa lakaran namin.

Malapit na kami sa Ever Gotesco Recto ng magsuggest si Lee na sa likod ng simbahan ng Quiapo kami mag-inuman. Nagsuggest naman si Kuya Noi na sa MOA na lang kami pumunta. Umagree naman lahat kaya retrace steps kami papuntang Djose Stn. Lumusot na kami via walkway ng LRT Purple line Recto Stn, pinaikot pa kami paakyat sa 3rd floor kasi closed yung gate na derecho don. Pagdaan namin sa tapat ng gate uli saka pa lang binuksan uli ni manong gardo. Pagdating sa LRT Yellow line Djose Stn kelangan mo pa umakyat uli para makatawid sa kabilang southbound side. Pati sa elevator eh pinagsiksikan na namin ang sarili dahil sa pagod. Keh agang penitensya naman kasi nito. I just wish nagkalesa na lang kami galing Binondo dabah.




Photo by Noi. Candles at Binondo Church.


Blackout
8:30 ~ 1:00 AM

Almost 8:30pm na nung sumakay kami ng train. Nagjojowk pa nga ako na stop muna ang operations for one hour. Siksikan pa rin ang train kahit past rush hour na. Hindi man lang nila pinatay ang ilaw sa loob ng train, sayang ang kapaan moments. Masisilip mo sa labas na maraming nakapatay na ilaw along Taft. Pagdating sa Edsa Stn, lumakad na kami sa walkway to MRT Blue Line Taft Stn. Nakapatay ang mga ilaw sa station kaya nakakatakot baka gumulong ka sa hagdan pababa.


Sumakay na lang kami ng jeep papuntang MOA. Malapit sa MOA eh may nagko-concert sa labas for Earth hour. Binabalak ko pa naman sana jumoin sa cause nito kaso eto nasa galaan ako. (Anyways di naman ako ganun kasure ang tamang pagjoin, di ko binasa ang rules. Alam ko lang papatayin ang ilaw. Ok lang naman siguro nakaopen yung electric fan di ba? Mainit ngayong panahon ng El Niño eh.)

Nakita ko pa classmate kong si Roseann na last seen sa school nung bumisita kami for Graduation '08. Kelangan ko pa sya habulin kasi dedma mode pala sya dahil akala nya di sya yung tinatawag. Kasama nya ang jowang si Vince, ang sweet na sila pa rin til now. Parang di sya nagbago... payat na long hair at may glasses. Pero sabi nya sakin mukha daw akong pumayat. Malamang malabo pa rin talaga ang mata nya, di talaga sya nagbago.

Tumambay kami malapit sa bay area. Paikot ikot ang mga motorized trolly something na sinasakyan ng mga katatauhan. Although madilim sa mall area, shining shimmering naman sa fountain area dahil pagkalalaki ng spotlight nila plus may search light pa silang ginagamit. May concert concertan pa don sa stage pero ang nakakaloka may pag-iinsert na mga recipes in between songs yung host kung makapag-accent naman eh nakakastress. Umuwi din kaagad si Albert kasi date spot pala ito ng ex nya. By 9:30 nga nagresume na ang liwanag sa mall, parang di ko man lang nafeel ang spirit ng Earth sa MoA.

Naglakad lakad pa kami kung san kami nonomo. Ayaw kasi ni Kuya Noi sa Padi's Point kasi ampanget ng live band doon na parang bumibijowke lang. Nagsettle down kami sa Giligan's pero may queue pa bago makaupo. Mabuti naman at umabot kami bago ang first set nung live band. I forgot the name of the live band. Umorder na sila Kuya Noi ng Superdry at kilawing tangigue. Sila Mac at Alex naman umorder ng Cerveza Negra. Nakailang rounds na ng song di pa rin dumating yung order nila Mac, yun pala out of stock. Di pa sinabi nung una kaya naki Superdry na lang din sila. Di na ako uminom kasi ayoko malasing. May dalang book ng Lefty si Mac na ginawang sketchpad. Alam ko iniisketch nya ako pero dedma kunwari, galaw galaw para ma-out of focus sya. Sa kaboringan eh inilabas ni Yanyan ang baong lollipop (not just any kind eto yung umiilaw) at pinakitaan pa nya kami ng hidden talent sa pagsa-suck. Sana hidden na lang sya kalurkey.

Ok naman yung performance ng band, pero mostly RnB ang forte nila. Yung nasa guitars at male vocals nila eh parang kahawig ni Apl ng BEP. Merong isang birthday celebrater named Joanne ata na pinagjam singing No Ordinary Love. Mas maganda ang performance nya kesa sa female vocals ng band dahil kayang kaya bumirit ni teh. Si Kuya Noi nga gusto rin makijam sana pero naunahan na syang iperform ang song na Collide ni Howie Day.

Nag-uwian kami bandang ala una ng madaling araw. Nagcab na sila Kuya Noi habang kami naman eh nagbus lang. Dahil tama lang ang lamig sa aircon, sa matinding pagod, at sa pagharana ni Kuya Germs sa tv eh nagsitulog ang mga tao sa bus. Nagising ako malapit na sa Guadalupe buti na lang bago pa lumampas ng baba. Sa bahay di pa talaga natulog at nagpuyat pa hanggang alas sais. Pagdating ng tanghaling tapat, naramdaman ko na ang init. Pumatay ang electric fan. Brownout! Shett! Punishment ito ni Gaea sa mga di nakikijoin sa Earth Hour.

 

Moral of the Story: Wag masyado magkaka-kain ng froglegs, nakakataas sya ng echozera levels sa bloodstream. And learn to conserve our resources. Go planet and world peace!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips