Martes, Abril 20, 2010

Tofu

 Photo by keemberly at Flickr.



"Soy un perdedor."

~Beck, Mellow Gold (1993)


Usapang Soy

04.15.2010


Una kong namaster na crop sa Farmville ang Soybeans. Nagtataka pa nga ako bakit mukhang sitsaro o ipil ipil yun. Akswali di pa ako nakakakita ng soybean in real life. Well jan kaya nagmula ang tokwa or tofu. Di ako fan ng tofu dati kasi maarte ako noon sa food pero ngayon kahit ano yata kakainin ko na.

Ang salitang tofu eh Japanese word na ang meaning ay fermented beans. Pinauso nung mga Chinese sa cookingan. Color white sya kasi nga gawa sya sa soy milk. Although may napanood ako dati sa anime na Chuuka Ichiban kung san si Mao nagprepare ng Tofu Panda recipe using white and black tofu. Yung black tofu sweet flavored kasi cooked using black soy beans at brown sugar, parang taho lang why not.
Yung wet variant ang ginagawang taho dito sa Pinas. Lagyan lang ng arnibal at sago eh go na. Meron din strawberry flavor sa Baguio. Nagbebenta rin ng ganito sa mga canteens ng elementary school. Naalala ko nung grade 2 yata ako non, nagpunta sa school namin yung Nestle para magpafreetaste ng soya-flavored milk nila. Sila Richard at Raymond pa nga ang endorser non eh. Hindi ko gusto yung lasa nya.

Yung dried variation naman ang tawag eh tokwa. Nung time na nagrereview ako sa may bandang Sampaloc, ginagawa kong meryenda yung lugaw sa katabing karinderya. Kelangan ko lang talaga ng pampainit sa sikmura, masarap na at mura pa sya. Favorite sidedish ko don eh yung tokwa nila, malutong at maasim din yung suka nilang gamit.

Sa mga japanese resto, nagustuhan ko yung Tofu Furai ng Sushiya. Crunchy yung outer part na nabalot sa breading, pero soft yung inner part. Plus pa yung sweet sauce dip. Ang maganda pa nyan eh part yan ng bento nila. Ewan ko bakit sa ibang japanese fastfood chains eh di sila nag-ooffer na may kasamang tofu. Nakakasawa na kaya yung Yakisoba DAW nila na parang made of togue lang.




~0~


Kwago Island
04.16 00:00~04:00


Nagsimula sa pagpopost ko ng pic ng reading queue ko: isang malaking pile ng novels at nasa ilalim si Bob Ong. Nagcomment si Derek something about it at eventually eh gusto nya hiramin daw yung Libro ni Hudas.

Fast forward Byernes ng maghahating gabi. Nagtext na sya na magkikita kami sa Pioneer, dun kasi yung suggestion kong place. Pagbaba, nakauniform pa sya ng orange-ish yellow (or marigold according to Blue). Inaya ko sya to Madison Square, kasi nga he was looking forward to drinking that night.

We got to Kwago's Island Grill, my second time going to this bar. First time way back August with ex-officemates nung kasagsagan ng office politics. The bar is designed with wooden ornaments para i-emulate yung island feeling. Sa may second floor kami pumwesto bandang back sa tapat ng live band. They're named JJMomo, a brother and sister soulful acoustic duo. Si ateng Mommy (i forgot her name) nasa guitars, while si kuya Joey nasa beats. They play pop, rnb, and some alternative music. Chinito si kuya, number 17 makinis! Flawless ang legs, shett fetish ko pa naman yun. hahah

Umorder na kami ng drinks. Sanmig Light kay Derek at RedHorse sakin plus fries. Pagdating ng fries, dinip ni Derek yung finger nya sa mayo-ketchup substance tapos sinet aside. Nanghingi ng ketchup sa waiter. Apparently, they're using cheap generic mayo galing sa palengke daw. Pagdating ng ketchup, dinip uli yung finger para lasahan. Sinet aside din. Di ko na tinikman yung ketchup, feeling ko Papa Ketchup eh ewkie yung last na natikman kong banana ketcup. Nagpa-add ng order pa si Derek ng Tokwa't Baboy na suka ang sawsawan. Di masyadong crunchy yung tokwa, mala-goma na nga ata sa kakunatan. Ako na ang nag-iinarte dahil tinitinidor ko pa ang food, samantalang nagkakamay lang si Derek. Imagine Nigella Lawson.

Tuloy sa pagperform ang JJMomo. May ilang jammers na umakyat. May magjowa ata, si kuya nagguitar tapos si ateng sumong number. Nakakahighblood kasi ang OA lang ni teh, parang nagpipilit magpaka-operatic. Meron pa nagkaraoke version ng Ako'y Sa Iyo tapos kung makafalsetto naman nakakastress lang. Kinanta ni kuya Joey yung Wag na Lang Kaya, feeling ko naman ako ang kinakantahan. "Nais ko ay magpakilala sa iyo at ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko... wag na lang kaya *whistle*...." Nahiya pa si kuya, dinaan pa sa kanta. Nako ok lang yan sa akin, I wouldn't mind really [Feelingero mode]. Yung last na jammer eh close friend yata nila JJMomo, kinanta ni ate yung Oo ng Up Dharma Down.

Eh favorite ni Derek, nag-offer pa nya ng complimentary Cosmopolitan sa jammer. Ang weird nga lang sinerve yung cosmopolitan on a tall glass, at more orange than cranberry actually. Hindi pa marunong yung nagserve kasi madaling naignore ni teh yung cocktail. Hooowell, pang pilsen lang ang beauty ni teh. Bago pumack-up ang JJMomo, nakita ko may kasamang gurl si kuya Joey. Sad but its ok cause I know si teh na talaga ang award for best actressa in a beard role.
Kaloka lang ang music ng DJ when the band stops, kasi may halong pop, dance, at house music na di akma sa island setup ng bar.

Nagkaroon pa kami ng bonding time ni Derek. Nabrought up yung perpetual statline ko na "Waiting for Autumn to arrive." which is an allusion to 500 Days of Summer, my current favorite emo movie of all time. May-I-ekpleyn pa ang konek ko don, kesho nga nakarelate ako on both characters. Kay Tom dahil sa paniniwala sa destiny and love, at kay Summer sa paniniwala sa intuition about love. Biglang cutoff si Derek na sya rin at one point naniwala sa destiny. Ako rin naniwalang si Derek ang destiny ko, pero matagal nang panahon iyon at nagmove on na kami sa crossroads na yon. Yah know, parang the feeling is there, it's sweet and warm pero you want to keep it as is para di masira.

Tinext ni Derek si Jade, ang plan is to abduct him and take him to the nearest nomohan. Packup na rin kami from Kwago's. Ang tally: Derek~7-8 SanMig Light at ako~3 RedHorse. Slightly tipsy pero go lang.

We took the bus to Ortigas. Sakto pagbaba ng Galeria may nagbebenta ng taho. Bumili si Derek para breakfast at pampababa ng amats. Mainit pa yung taho but not boiling, kulang sa arnibal pero pwede na rin kesa tasteless. Tinungga ko lang yung taho. It feels warm inside but not too sweet, parang emotions lang?! Arte.

YooHoo
04.16 05:00~09:00


Ayaw pa sana maglakad ni Derek from Edsa to Emerald pero napilit ko rin sa wakas. Pagtapat sa ADB biglang juminggle pa sya doon! Buti di kami nahuli ng tanod. Sa may Wynsum ang office ni Jade. Ten minutes before five eh tawag ng tawag na si Derek para mangulit. Nag-uuwian na rin ang ilang katauhan galing sa building. May mga umaaura pa nga daw na umaaligid pero di ko napansin.

Enter stage si Jade wearing a bonnet, dark blue sweater, and a rainbow belt. He suggested na sa YooHoo sa Metrowalk na lang kami pumunta.

Sa second floor ang drinking area. Nagkalat ang ilang group of lasenggero't lasenggeras, probably call center agents. Tuwang tuwa naman ang Derek dahil makakainom sya kasabay ng pagsikat ang araw ala agent. Sa harap ko lang may umpukan ng mga di mawari. Nakatalikod sila at mukhang cute naman. Ayy pagharap gusto ko igreet sila ng Happy Foundation Day! Sana nakatalikod na lang sila forever.

We started with one bucket ng San Mig light na may followup later, and a platter of fries as requested by Jade for a starch-based pulutan. Same procedure sa pagdip ng finger ni Derek sa mayo-ketchup substance. This time highly recommended ang dip, siguro branded ang mayo nila.

Mixed ang playlist ng YooHoo. Nakarelate kami sa mid 90's pop-rock songs  like One of Us ni Joan Osborne, I'm a Bitch ni Meredith Brooks, at Thank U ni Alanis Morrissette. Biglang change playlist to 00's pop rnb era nila Rihanna, Chris Brown, and Lady GaGa. At ang di inaasahan ni Jade, biglang um-Empire State of Mind. Kung araw araw mo ba naman maririnig yan sa kapitbahay mo eh baka mabaliw ka talaga. Pang-asar pa si Derek na dahil may pagrereenactment ng Alicia Keys standing while piano-ing. At di pa jan nagtapos ang hinagpis ni Jade dahil fumallowup bigla ang Tik Tok ni ateng Key dollar sign Ha! Not just one but two LSS! Imagine!

Half bottle lang ininom ko for fear of impending basagness. Si Derek todo nomo pa rin. Alam ko lasheng na sya kasi may pagrereplay ng ilang stories nya, parang sirang plaka lang. Additional 7-8 bottles ng SanMig Light sa tally nya. Clap clap, ikaw na ang basag.

Isinabay namin papuntang sakayan ng bus southbound. Natulog na sya sa byahe at di ko alam kung ano ang kapalaran nya kasi bumaba ako ng Boni while si Jade naman sa Guadalupe bumaba. Sabi naman nya eh pagmulat ng mata nya eh naglaho na lang daw kami.

At talagang lakad pa ako kinahapunan ng araw na ito. Shett puyat na naman. Kamusta na naman sa eyebags. Anak ng tokwa!


Implikasyon: Kung ang soybean ay ang puso, ang tofu naman ang emosyon. Sa umpisa ito ay puro at puti at maaaring mabahiran. Maaring din itong tumigas. Tumatamis sa arnibal, at minsan nanabang sa paglipas ng panahon. Mas masarap ihain kapag mainit. At kung manlamig man, iyon ay dahil nilagay mo sa freezer. Ano daw? Basta alam ko kung nasan ang tofu ko: nasa freezer lang. [Emo mode sa tokwa]

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips