Ray of Light
04.2010
Minsan makulimlim ang langit, madilim, malamig, mahangin or all of the above. Minsan nakakahawa ang emote ng kalangitan at maya maya pa iiyak din yan nang tuluyan. Pero minsan nabubutas ang dilim ng mga haligi ng liwanag. *nosebleed* Ang lalim! Yah know yung mga rays of light?! Then enter stage na si eternal sunshine.
Naniniwala ako nung bata pa ako na kapag may ganyang special effect sa langit eh merong mga nateging gumogora na sa langit. Ayun go, grow and glow talaga! Epekto malamang ng overexposure sa panonood ng Ghost Busters cartoons. Parang handa na sila umenter sa langit yung mga souls para magparegister sa Facebook fanpage ni San Pedro.
May nagsabi sa akin before about this guy who knows this guy who knows this guy who said malapit na daw ang End of the World, sa year 2000 daw. At magkakaron daw ng rapture: as in kukunin sa heaven lahat ng virtuous. Iniimagine ko pa nga na makulimlim ang langit, tapos maraming beams of light at parang minamagnet lang papuntang liwanag sila. Imagine alien abduction pero instead of UFOs eh holy ang setting at meron ding mga angels playing harps for background music. Tapos maya maya seven trumpets naman parang orcherstra lang.
Josko 10 years na ang nakakalipas wala pa rin yang end of the world. Two years from now, meron na namang end of the world daw. Eh ilan pa bang end of the world ang hihintaying kong dumaan para makita yang rapture na yan?! I'm excited na mag-ascension eh. Choz!
~0~
Remakes?!04.10 05:00
More than two months na walang communication sa amin ni Warren. Last na kitakitz namin eh nung gumora pa kami sa Greenhills featuring Theo para magshopeng shopeng. Busy sya sa work, ako naman busy tumambay. Di man lang kami nagkakatext, kasi di naman kami ma-text na tao. Maituturing na communication pa ba ang comments via FB posts?
Heniweys, nag-abot kami one time sa FB chat. Patulog na ako that time. Wala palang pasok ang Warren that Saturday night dahil holiday daw, nagse-celebrate din ba ng Araw ng Kagitingan sa US? Biglang nagyaya ang Warren na manood kami ng sine. Di naman ako makajoin after ekpleyning na my means does not permit me to do so (which is legal parlance for Poorita Kalaw Katigbak, incidentally namesake din ni Elvin) kaya napilitan syang i-treat ako. Ako na ang pinapili nya ng sked sa Trinoma. Suggestment ko ang 5:40 screening para kung sakaling may ma-late ang next screening eh around 6:35. Mahaba na siguro ang 55 minutes allowance di ba?
Kinahapunan, di kaagad ako nakalarga kasi naman magrereformat ng PC ang kapatid ko kaya todo backup ng files ako, I'm sorry my pornies I couldn't save you. Bumiyahe ako 5pm na. Based on experience, ang northbound train around rush hour especially during weekends ay napupuno sa may Magallanes Stn pa lang, at nangangailangang maghintay ka ng 4 or more trains at ng matinding siksikan powers (don't forget to use deodorants). Nakakapagtaka lang eh di ganun kapuno ang MRT, masikip pa rin pero hindi sardinas.
Pagdating ng Trinoma ko pa lang tinext ang Warren: San ka na teh? Hindi nagrereply. Nagcheck muna ako ng schedules sa cinema. Maluwang pa ang lahat ng cinemas. Late na ako ng 10 minutes kaya 6:35 na next screening ang target namin. Tinext ko uli ang Warren: Sana nagrereply di ba?! Nanood ka na ba... on your own... pretending he's beside you? All alone, you walk with him 'til morning? After 5 or so minutes biglang tumawag, kakagising lang. Mabuti na lang talaga at malapit lang sya nakatira.
Nag-ikot muna ako habang nag-aabang sa Warren. Merong mini-gallery sa floor ng mga artwork presumably ng mga kiddielets. Karamihan gawa on paper, yung iba sa styro; merong watercolor, at meron ding pastel; merong portraits, merong still life at meron ding landscape. Meron ding parehas ang ipininta, di ko lang madistinguish sino ang orig at sino ang xerox. Nagtext ang Warren kung nasan na ako, ang reply ko: Nandito ako sa Taal Pastel on Paper. Naligaw pala kakahanap ang Warren, akala nya kainan yung tinext ko.
Nakabili kami ng ticket for Clash of the Titans at 7:20 screening. At ang luwang talaga ng cinema. Kahit yung movie ng Star Cinema parang di rin pumatok sa takilya. Skeri lang, Saturday night, nasan ang mga tao? Parang mas maraming pang tao sa mga malls last week nung Sabado Gloria. Di kaya nagrapture na at kami lang ang di nakareceive ng memo?! Heniweys much better siguro yun at mejo nabawasan ang populasyon. Natapos yung movie after two hours.
Yung movie eh remake nung 1981 classic, na ayon sa sources ko eh mas faithful daw sa Greek Mythology yung original. 2010 daw ang year of the remakes: Nightmare on Elm Street, The Thing, Hellraiser, Friday the 13th, at Working Girls. Oh dabah karamihan ng horror movie franchise eh gustong magtry again ng formula. Pero etong Clash of the Titans talaga, although di ko napanood yung original, eh somewhat disappointing talaga. Maganda yung graphics and all pero it's not all about eye candy, kelangan may story rin na makakapukaw ng damdamin, at hindi hinugot lang kung saan. Akala ko nga ang plot twist eh kakambal ni Perseus si Marimar, imagine?! Kung graphics lang ang pagbabasihan nila eh di sana gumawa na lang sila ng isang engrandeng photo slide. More commentaries sa aking upcoming review ng Clash of the Titans.
Rhapsody?!
04.10 21:00~
Biglang sabay na ginugutom ang na-eerna si Warren kaya napilitan syang dalhin muna ako sa house niya. Pinatry nya sakin yung Final Fantasy XIII nya sa PS3 habang jumejebs pansamantala. Pagkatapos noon eh nakikain na ako sa kanila ng food, nilagang baka kaso walang patatas (choosy pa) habang nanonood ng Twilight. Muntik na akong mawalan ng ganang kumain habang nanonood nitong bad movie, buti na lang may patis. Mabuti na rin at inilipat na sa The Simpsons yung channel kaya umaariba na naman sa rice ako.
Sa end credits ng Simpson, nagperform ng A capella yung Canvas kaya nainspire ako sumongnumber din. Pumayag akong magbijowke sa Cubao. Under consideration kung sa P2 na lang kami pupunta pero naturn off si Warren nung niremind ko sa kanya ang status ng P2: siksikan ng mga beki, tumataas na entrance fee na akala mo based sa oil price, unsanitary CR na open for rape anytime, at mala-construction site na interior design. Go na kami sa Starion, yung videoke bar sa likod ng Starlites. Nagwithdraw muna si Warren sa ATM. Sa likod namin may nakatambay na mga prosti. Ganun na sila kadesperado, kahit sa beki inoofferan ng serbisyo. Kahit sa Cubao on a Saturday night eh konti rin ang population.
Sa Starion naman tatlo o apat na table lang ang occupied sa open mic area. As usual VIP room kami. Umorder ng one bucket ng Red Horse at isang platter ng chicharong bulaklak. May complimentary platito ng roasted roastedan highland legumes and cornick (akswali nadiscover kong nagchacharge sila ng 15 para dito).
Sinimulan ni Warren ng emote songs. Maya maya nagsalang na ng Lost in your Eyes at No More Rhyme ni ateng Debbie Gibson on the red corner. At hinamon ko naman sya on the blue corner ng All This Time ni Tiffany, retro to 80s kung retro. Tuloy ang bakbakan ng senti songs ni Warren, habang ako eh tumitira ng pinoy rock at OPM tulad ng Miss na Miss Kita, Himala ng Rivermaya, at Your Love by Alamid.
Ang ending tumitipsy na naman ako after two hours. Nagyaya pa si Warren na mag-Wensha after. Tambay muna sa KFC pampababa ng amats. Deja vu? Nagpabili ng drinks si Warren. Omg, this is the part na matatapon ko sa sahig yung drink, thankfully hindi nangyari.
Rub-a-dub-dub?!
04.11 03:00~07:00
The usual full body massage ang pinili namin. Hubad kaagad at go na sa wet area para magshower. May pinapalabas na Stallone movie sa HBO pero dedma lang. Nakalublob na si Warren sa hot jacuzzi. Infernezz di sya scorching hot ngayon, just right lang. Stay kami doon ng approximately 10 minutes bago lumipat sa steam room. Sa loob ng steam room pala tumatambay ang mga tao. Nagstay kami doon ng 5 or so minutes. Ako ang last man standing, or so I thought (baka allergic lang yung mga tao sa amin kaya nag-aalisan). Biglang lipat naman sa sauna after a while. Di barbecue level yung sauna. Nag-aalisan pa rin yung mga tao pag kami na ang pumapasok sa room. Gusto ko sana magsalita ng, "Paunawa po, hindi po airborne ang kabekihan. (Tsura nyo lang teh. If I know mas malansa ka! Alam mo yan!)" May isang labas masok sa sauna para lang basain yung coal ng water galing sa waterjug. El niño pa naman ngayon, sana nagtitipid sya di ba? Sana sumalok na lang sya sa jacuzzi, although ang jologs non.
Nabore ang Warren dahil sa low heat (temperature-wise at maskel-wise). Gora kagad kami sa massage area. Syempre male na naman ang piniling masseur ni Warren. Di ba redundant yung male masseur? Habang naghihintay eh nagkekwentuhan pa kami about Villar, Gibo at Noynoy, eh di naman pala registered ang Warren cheh! Nang dumating na ang mga masahista go na kagad sa yah know... sex. Choz! Nilagay ko lang yan para lumabas sa mga google searches tong blog ko. Anyways, the usual mineral oil at moderate massage lang, from back to front, bottom to top. Google search check! Bago matapos tinanong pa ako kung may stretching, eh di ako sure sa response kaya sabi ko oo. Shett binali bali lang ang katawan ko. Tapos phone in question uli si kuya kung may buhat pa daw, again di ako sure kaya oo again. Ayun pinaghahagis ako sa ere, feeling ko nasa possessed evil mattress na may-I-float in midair. Para din syang production number ng mga cheerleaders courtesy of Walang Tulugan with the Master Showman, basta yung ganung tapon tapon ang feeling. Basta pag di sure, just say no na lang next time.
Natulog pa ako after ng massage, habang si Warren eh nagpa-do yah know. Do ng nails, maarte kasi sya eh. Pagbalik nya shining shimmering na ang kanyang pinkish nails, except dun sa isang bloody red kasi pinadugo ng manikurista. Nagpupungas pungas pa akong tumungo sa dining area. Isang table lang ang occupied ng dalawang beki. Not much of a buffet kasi dalawa lang ang food na nakalabas: fried rice at mechado or caldereta ata. Sa tabi ng stairs kami pumwesto. Merong nakadisplay na malaking painting ng pool area na puno ng nude women, at nakapusod lahat ng hair nila ha. Parang cloned silang lahat skeri. Naalala ko tuloy yung vid ni George Michael at Mary J. Blige ng As. Wala lang, naalala ko lang basta. Napahanap tuloy ako ng female wet area sa Wensha Timog. Parang never ko pa naencounter kung san sila nagbababad. Malamang hindi ako papasukin don at malamang hindi rin ako papasok don. Sa Wensha Pasay kasi nasisilip ko yung wet area nila from the common area.
Wi-wiwi pa sana si Warren sa may wet area. Eh occupied pa yung toilet. Biglang sumilip yung tao sa toilet ang nagsusumigaw ng, "Walang tubig! Di ko tuloy maflush!" Kaloka, hinold in na lang ni Warren yung ihi kesa naman makipagsapalaran sa yellow submarines. Maya maya may isa pang irate customer, wala daw tubig sa showers. Josko pwede naman dumiretso sa pool or gamiting pangwisik yung nasa water jug, that is kung jologs ka. Pero refined si teh, gusto nya warm water to lather the skin daw. Ayun umalis na lang sya. Mabuti na lang at di nag-Earth Hour baka biglang maglitanya sya ng, "Walang tubig, walang kuryente... eh di magsayaw na lang tayo." Maloloka talaga ako pag ganon.
Umuwi na rin kami around 7 am. Akswali mejo alam ko na pano magcommute to and fro sa Timog, pero nagcab si Warren kaya sino pa ako para tumangging maki-hitch. NagMRT na lang ako pauwi at maluwang pa rin ito, well Linggo naman kaya siguro ganon. Sa hintayan ng jeep sa Boni eh matagal pa bago nagpuno ito because of the same reason. Lumalaki ang concern ko na nauubos ang populasyon sa Pilipinas. Mabuti na lang at may mga cute na pasahero akong nakasakay na parang sinasabi nilang, "it's gonna be ok di pa tayo extinct." Choz.
Moral of the Story: Huli man daw at magaling, nagdadahilan pa rin. Magbagong buhay na baka masave ka pa. At dahil jan may nagtext, si Zeus: "Release the Kraken!"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento