Miyerkules, Abril 28, 2010
NBI Clearance
09.2007
Pinangarap ko rin dati maging isang empleyado ng gobyerno. Kahit mababa ang sahod,* maganda naman ang benefits. Kasama sa mga benepisyo ang chance na umuwi ng maaga kahit may deadline, mag-extend sa pagtulog after lunch, at manigaw sa mga tao. Hindi ko maunawaan bakit kelangan pa gumaganon sila eh di ba nila alam di yon maganda sa tonsils?!
Three years ago nung first time ako kumuha ng NBI Clearance ko sa city hall lang namin. After one month ko pa na-claim yung sa akin sa kabagalan ng sistema. Pagdating ko sa counter ibinalik lang sa akin yung resibo. Go daw ako sa Carriedo kasi kelangan pa daw ng Quality Control eh ano to manufacturing plant? Apparently meron akong kapangalan, ang masakit pa eh may kaso daw na Theft sa DOST. Ang nakakainis eh di naman kami purely match ng name kasi two first names sa akin (umarte peyrents ko) pero kesyo daw maaaring umaalias lang ako.
Ok fine go na ako sa Carriedo. Muntik pa ako maligaw kasi first time ko dumaan sa Quiapo church noon. Nabentahan pa ako ng scapular ng Nazareno na ginawa ko namang lucky charm. Pero hindi lucky ang pagpunta ko doon. Sobrang effort sa pilahan, may umaaway pa sa akin kasi daw sumisingit daw ako. Pag nagtatanong ka naman sa mga employees don eh halos i-megaphone ka na sa pagpapaulan ng tanga at kung ano pang maririnig mo madalas sa mga Tulfo. Nung makapasok na ako sa Quality Control area, mabait naman yung mga staff don pero halong paninindak. Parang nasa witness stand ka at sumuswear the truth and nothing but the truth peksman mamatay man na wa ka talaga kaso before ever. Maayos naman natapos ang next steps after that kaya siguro nga lucky ang scapular.
Mejo traumatized pa rin ako sa pagkuha ng NBI clearance kaya nung nirequire uli sakin yon eh sinubmit ko ang Personal Copy ko. Very very wrong move. Dahil the next time na nangailangan ako ng clearance eh inulit ko lahat ng steps sa Carriedo. Infernezz nakakasanay na to. Natapos ko lahat from 9am to 2pm thanks uli sa aking lucky scapular.
NBI Renewal
04.27.2010
Pagkagaling sa innerview ko kanina after ng hiring process eh nilakad ko na ang mga requirements ko. Since nasa Ortigas area ako eh tinarget ko na ang NBI renewal sa Megamall. Dahan dahan kong tinahak ang mainit na araw kasi naisip ko naman kakabukas pa lang ng mall kaya konti pa ang tao. Konti pa nga naman talaga ang tao sa mall, pero sa NBI office nako nag-uumapaw na. Sinimulan ko sa Lower Grounds going up sa stairwell, umabot ako hanggang 5th floor at muntik pa nga umikot pababa sa kabilang stairwell. Inenjoy ko naman ang cruising sa dami ng nakapila. May ilang nang-aaura ang titig, pero nagfocus ako na kelangan clearance ang asikasuhin ko at hindi ang landi.
Sa dulo ng pila meron kaagad sumunod sa aking maturing manong. Nakasalpak na ang mp3 player ko para antisocial mode on na ako pero si manong andaming phone-in question. May tanong pa kung para saan yung pila, magkano daw ang babayaran at pati load nagtanong din. Eh syempre nagambala ako don baka sindikato sya. Buti naman hindi pero kahit kelangan alert dahil di mo alam kung sino ang budol budol.
Ilang usad pa-forward eh umabot na rin ako sa initial stairwell. Merong staff ang NBI na naglalagay na ng stickers sa mga personal copies. Ang nakakaloka dun sa staff na yun eh s/he looks ambiguously androgynous yah know. Meron syang earring sa kaliwang tenga at di pa rin yon nakatulong sa pag-uri ko sa kanya. At naka-bright orange pa sya. Kakastress. Dahil sa kalumaan ng personal copy ni manong sa likod ko eh pinabalik sya sa baba para magpascan. Bumalik din sya later. Pinakita pa nya na 2004 pa yung last clearance nya. At least ngayon alam ko na pang abroad pala yung green at local yung orange.
Ilang circles down the stairs ang inabangan ko rin. Halos mag-a-alas dose nang umabot ako sa lower grounds. Akala ko nga magla-lunchbreak pa sila, buti na lang may talent yung mga staff sa speed-lunch-ing.
Step 1 ang payment. Hindi man lang marunong mag-smile si teh. Pero nagrerespond naman sya sa mga tanong. Step 2 ang kodakan. Isusurrender mo na yung personal copy mo. Actually, kukunin lang nila sa info yung ID number mo, kuha ng piksur then print na kagad. May isang napasingit na girl sa akin. Infernezz pretty naman si teh, two ang inapplyan nyang clearance, orange at green. Sya na ang namamakyaw. Pag-smile talagang todo project sya. Naimagine ko tuloy si Rachel Berry sa gLee, "I insist you take my photo on the left side." Kumoment pa si photographer na parang cheerleader lang daw kung maka-smile si teh. Ayy alam na, Quinn Fabray pala ang drama ni teh. Buti naman at hindi ako ganon mukhang super mega haggard for all season ng pumosing na. Step 3 ang releasing. Kasama dito ang finger print. Yung nauna sa akin eh meron pang discrepancy kasi may kapangalan at pinapapunta sa Victory Mall sa Monumento. Kinabahan ako baka ako rin papuntahin don. Well buti naman naayos na yung sakin. Ang problem lang eh nahirapan si teh na magfingerprint sa akin. Di daw ako naka-relax. Eh pano ka naman makaka-relax kung pinipiga nila yung fingers mo?! Heniweys, may extra income pa silang tres sa wet wipes at singko sa envelope. NEXT!
Moral of the Story: Ang nagta-thumbprint ng matulin, napupuno ng uling. Hanodaw?
____________________
*Except sa BIR at Customs na mababa nga ang sahod pero malaki ang kita ooohhh alam na! Shhh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento