Lunes, Marso 22, 2010

Basag


Photo by Ole Begemann at Flickr.

Out of order
 
March 19, 2010


I hate The Bar na ever. Yep, officially I hate it with all my heart and soul.

Nagyaya si Macoi sa bahay nila bandang Pasig dahil bertdey nya. Kasabay ko si Herson pumunta dahil tamang dumaan pa sya ng Boni. Mejo kinapa lang namin ang papunta don kasi katapat lang daw ng barangay hall ng Rosario. Pagdating sa naturang barangay hall, sumilip na kami sa katapat na tindahan. Parang walang event naman, tahimik. Nasa kabilang side pala kami ng street nag-aabang. Nandoon na rin sila Kuya Noi, Alex at Ian.

Kumain muna kami ng pang-dinner dahil marami pang food. May nirentahan din na videoke machine kaya more song na sila Kuya Noi. Circa 2002 ang latest songs yata at wala ako sa mood mag-emote kaya isang maka-rakrak damdaming Drops of Jupiter sana ang titirahin ko pero wa rin sya sa list. Kinanta na ni Son yung Before I Let You Go kaya di ko na rin kinanta ang version ko. Nawala na lang ang mood ko bumijowke pero go lang sa pagse-second voice.

Biglang inilabas na ni Mac ang bote ng The BaR, not just one or two, but three! Imagine! Or more pa ata. Since di pa kumakain yung iba eh kami na kagad ang isinalang sa nomohan. Dahil walang shot glass, ginamit na alternative ang plastic cup. Imagine mo naman ang diperensya ng radius squared nito sa regular shot glass times pi. At dahil mataas pa tumagay si Alex i-times height mo na yan. Ang resulta more than 250% sa volume ng shina-shot namin normally. Ang chaser lang eh iced tea, at least meron kesa tubig.

Nagdatingan na rin ang ibang FSR guests. Si Angel chumaperone kanila Levi at Seth. Si Ivan dumating with two friends na di pinakilala kasi nag-eat-and-run, baka bubooking. Si JD dumaan din at naggift ng porn cd... err movies daw ata. Yung iba mejo naligaw pa ata at kelangan pa itutorial ng way. Jomz came with Yanyan and Dolph. Solo entry si Efren na gogora na daw ng Baguio. Si Jackie nagtaxi pang dumating kasi may dalang mga delicacies straight from Bicol, mainit init pang laing at kinunot.

Kahit dumami na ang tao eh mabilis pa rin ang ikot ng tagay. Parang pass ng pass ang mga tao habang ako go lang ng go. Di ko na nga namalayan dumating na si Waga at Yuls. Sa sobrang taas ng tama ko wala na akong alam sa mga kaganapan. Ilang beses ako sumuka. Dumating din si Sherwin at ewan kung bakit bigla akong umi-english nung dumating sya. Para lang akong possessed that night. May pumaso pa sa akin ng sigarilyo, I have the scars to show. Sino ka man, pakshett ka! hahah.

Ang masakit pa eh maraming photo evidence, at may pagta-tag pang naganap. Sabi nila, "Biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising." Pero sabi ko naman, "Piksuran mo na ang bangag wag mo lang ita-tag." Remove tag is the new don't look at me o dudukutin ko yang eyeballs mo!

Di ko na nga nalaman pano ako nakarating sa sala. Nakipaglaro pa daw ako ng Tekken habang unti unting nag-eevaporate ang aking kamalayan. Nagigising lang ako para sumuka then tumba ulit, then gising, then suka some more, rinse and repeat.

Nung umaga na kahit nakakaramdam na ako ng gutom eh di muna ako kumain. Di pa maganda ang effect ng inom dahil upset pa ang stomach ko. Nagkape lang muna ako, napaso pa dila ko. Later feeling ko umaakyat ang dighay sa esophagus ko, at buti nafeel ko na rin na may gustong bumulwak, thank God nahold ko sya at naitakbo sa malapit na toilet na kahit di kalinisan eh natyaga ko naman. Pag-uwi ko naman eh cup noodles ang tinira ko at nakatulong naman na mainitan ang sikmura ko, yun nga lang napaso uli ang dila ko.
Natulog akong hilung hilo at masakit ang ulo. May paso pa sa dila at sa kamay.

Bangag na bangag talaga ako that time. Sobrang nakakahiya kasi andaming tao. Buti na lang di ako yung nagwawarla kapag lasing. Basag ako alam ko. Nabasag ang aking baluting matagal akong inalagaan, baluting nagtatago ng saloobin at mga gawing di ko maatim sa tamang wisyo. Nawalan ako ng sense or control, I AM SORRY [Gloria style]. Nang dahil sa The BaR na ni minsan ay di ko naman inenjoy ang lasa at amoy thinner pa. Mapait na nga ako, dadagdagan mo pa ng kapaitan (at walang effect ng double negative equals positive jan). At di rin nakukuha sa pagpapakalunod sa juice ang pait.

I am sorry sa lahat, nakakahiya. Di na lang muna ako magpapakita. Babalik muna sa kuweba para magtika. At dahil jan biglang umenter frame ang eksena nila ateng Honey B at GaGa, naway maikonek nyo somehow:

"Trust is like a mirror, you can fix it if it's broken. But you can still see the crack on that mother-f*cker's reflection."

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips