Lunes, Oktubre 5, 2009
Galera 101
Galera Trip
May 1, 2009
After ng matagal tagal ding pinapangarap na bituing makatungtong sa Puerto Galera ay nagkaron ng shockings galore nang dahil sa isang bagyo. Si Dante, kahit uber late na ang post na to ay hinding hindi ko sya makakalimutan. Parang nag-iwan pa sya ng pakla sa aking lalamunan at gunita noh?! Well akswali ka-namesung nya yung favorite kong prof dati sa Law na walang ibang kinekwento kundi mga green jokes, na kahit replay eh bentang benta sa araw ko. Oo, si Dante nga ang bagyong muntik umudlot ng aking paglalayag sa kapuluang iyon. Mayo uno pa lang nakaantabay na ako sa weather forecast. Megatext pa ako kay Diosa, kasi taga-Mindoro sya at infernezz hindi sya Mangyan akswali mukha pa nga syang chinese chorizo minus the smelly sausage. Heniweys confirm pa ako sa kanya kung kumakanta ba don si Regine Velasquez to the cover of the tune of Tuwing Umuulan by Eraserheads. Isang malaking check mam ang walang puknat na sagot nya sa akin. Kaya sa isang kasad-sad na pangyayari ay sumuko kagad kami ng Warren. Kalamanlaman namin nung Saburday ng tanghali na nagrereyna pala don ang Sunshine Dizon. Kaya pabook kagad kami ng Warren para sa Sunday flight, or is it voyage?
Talagang Trip Kita
May 3, 2009 c 6:00AM
Kinaumagahan ng Linggo, kitakitz namin sa Buendia JAM Bus. Eh alam kong malelate ako ng konti lang. Siguro mga 30minutes lang naman, normal naman yon sa Pinoy dabah at di naman sya ganun kasinglate. So nung nasa Magallanes station na ako saka ko lang naisipang magtext. "Magallanes na me, where na you?" Ayy ang Warren, etal nakagora na ang bus. Ayaw paawat talaga, iniwan talaga ako sa ere. Balak ko na sana magwalkout, pero nasa gitna pa kami ng Magallanes-Taft at wala naman ako mapag-eemotean don. So textback ako kung pano gumora dun. Basta sumakay lang daw ako ng diretsong bus papuntang Batangas Pier. Pero wait, there's more! Text sya ulit na andun daw sa area ang Owen at sabay na daw kami. Magkita daw kami sa may tabi ng Mister Donut. Ayy josko malay ko bang dalawa ang Mister Donut sa Buendia. Sino ba nangangailangan ng ganun kadaming Donut sa Buendia noh?! So text nya na baka sumakay na daw sa ibang bus kaya ako gora na lang din. Ang ending nagkita kita kami sa Pier kasama ni Warren ang mga officemates nya na sila Joross, Kel, at Pau, you gotta remember Pau. Remember that! Ang pasaway na Owen naiwan pa ng milya milya kasi dumaan pa daw sa Lipa yung Bus yata nya para magtour sa household ni Ate Vi or something.
Ang nakuha naming ride eh yung Blue Phoenix. Sosyal sya infernezz. Di aircon, at andaming saksakan, azz in outlet ng energy. Ewan ko ba kung anong pumossess sa kanila at biglang hugutan ng mga charger at go saksak lang ng saksak. Sabi nila 45 minutes lang daw ang byahe. Hindi kaya, nagtimer ako sa totoo lang at lagpas sya ng isa't kalahating oras. I should know, nagtimer ako. Sa sobrang luwang ng boat eh kaming lima lang ang nasa loob. Pumasyal pasyal ang Kel at it turns out na nagsisiksikan ang ibang mga tao sa kabilang room. Ayy takot ba sila sa mga beki?! Ang arte lang nila ha. Pagdating malapit sa isla eh pinababa kami, transfer boat daw sa isang de-motor na bangka, yung tipong may involved na gaas at tali. At yung tipong nakikita ko sa mga lumulubog na bangka pag may bagyo. Pag nangyari yon ewan ko kung may magdrama ng, "Jack, come back! Come back! Come back!" at megarepeat to fade yan until credits roll.
The Becky has Landed
May 3, 2009 c 12:00PM
Sa wakas we made it through! Landing namin around 11:30. Ang contact namin sa Galera ay isang nagngangalang Jessica. Akswali hinanapan nya kami ng room pero ang liit ng nakuha nya. So sabi namin baka may makuha later pag may nagcheckout. So kumain muna kami. Sa baba lang may canteen slash resto slash carinderia na akswali di ko sure pero parang somewhere in between. May laban si Pacquiao that time, si Hatton ata. Sa tapat ng tv may nakaupong angkan, siguro mahigit sampung 9-year-old gels yon kasama ang nanay at tatay nila. Bakit kaya sila pa ang nakaupo don eh alam ko namang si Daddy lang ang may interest manood ng boxing dabah. Sa may side kami napaupo. Nagshare lang kami ni Warren sa ulam na Sinigang na Baboy. Order naman ang iba ng kanya kanyang Liempo. Sa kagutuman ni Joross eh umorder pa sya ng barbeque para may instant food lang, na di naman talaga instant kasi nauna pang tumumba si Hatton bago naihain yung sunog na taba nya.
After non nakakuha na ng room si ateng Jessica. One big bed, two small beds, one bath. Ok na basta may matutulugan later. At natulog nga ang pulutong, sumugod kasi sa gyera after ng duty sa callcenner yah know. Tinour naman ako ng Warren. Walk down sa beach kami, doon daw sa dakong paroon papuntang left pag nakaharap ka sa dagat yung may falls daw or something. Nadaanan namin yung kinekwento nyang Terrace na may bahid ng chorvahan ng nakaraan. At after non nilakad namin ang ilang kilometro ng buhangin, na akswali mukhang ok naman pangexfoliate ng skin ko, patungo dun sa tinatawag nilang Jurassic. Wala syang konek kay Spielberg at walang dinosaur dito talaga. Basta maraming kababalaghan daw jan pagsapit ng dilim.
Later sa hapon, nagmeryenda kami ng Skrambol, yung tinitindang palamig sa elementary school, remember? At pati flavor ginaya nila sakin, yung combined na strawberry at mango daw. Parang lasang syrup nga lang eh pero di na ako nagpakachoosy masyado. Lumublob kami sa tubig, dahil di naman talaga ako marunong lumangoy dabah. Si Joross naman eh nagpabraid ng hair, arte lang noh?
Lights Out
May 3, 2009 c 6:00PM
At nakatulog din ako ng ilang oras afterwards. Di naman ako puyat nung kinagabihan pero nakijoin lang ako sa kanila. Kumain muna kami ng dinner. Watch ang tao dun sa carinderia ng Singing Bee at Special guest don si Jeddy, incidentally si Kel at fan din pala ni Jed. Maya maya pa pinabuksan na nila ang videoke machine. At sumong number na nga sila Kel, next si Pau. Ako rin megainput ng one song. Pero mahirap pala napili kong "Lips of an Angel" napataas masyado ang pasok ayun pumiyok pero ok lang. Maya maya nagshow na talaga ang Pau at Joross singing to the tune of Whitney Houston huh! At meron talagang nagrerequest ng song, akala mo nasa Comedy Bar ka, kulang nga lang sa okray powers si Joross. Konting practice pa neng.
After ng show change outfit na naman. Sando pala ang theme, na wala akong dala, ano naman ishoshowcase ko dabah? Ribcage?! Ang nakakatawa lang eh same pala ng sando ang Pau at Owen. So maglalagay na lang ng red scarf ang Pau nang biglang pagtingin nya eh nakared scarf na ang Kel. So si Kel na lang ang nagpaubaya at ginawang bandana ang scarf. Go na sa nomohan blues kami. Nakagetlak kami kaagad ng isang bench. Kaclose daw ni Pau yung entertainers don. Tinuruan pa nga nya daw nya sila ng steps ng Single Ladies. Kaya ayon nagshowoff ang Pau ng Jai Ho! Parang wala namang interest si ateng sa performance level ni Pau. Biglang out of nowhere may baliw baliwang ale na agaw attention sa harap. Sinasayawan ng dirty dancing yung mga foreynjers, kasi siguro bagay sa kanya yon dahil mukha syang dugyutin. Biglang nalipat ang spotlight sa mga waitresses dancing Single Ladies, winner sila infernezz. Tapos balik uli kay ateng crazy. Maya maya may nagwala sa kabilang table kasi nilalandi na ni ateng crazy yung mga lalake dun. Nagalit si other girl at pinukpok sya ng bote sa ulo. Akala ko sa gag show ko lang mapapanood yung ganun at alam ko gawa sa asukal yon eh. Ito talaga for real! Dumugo ang noo ni ateng crazy. Ayun exit stage right na sya.
Maya maya may sinama sa bench namin si Pau na isang Brit, si Ben. Kami naman ang dumugo, yung ilong ha. English englishan na kami sa kanya. Nagtatravel nga daw sya around Asia. Teacher daw sya dati sa Korea. Ayon pa sa chikka eh di beki si Ben, pero surprise sya nung malaman lahat kami oo. Well mukha naman syang cute at mabait talaga eh. Ganja daw ng smile ko ang compliment nya, sana naging smile na lang ako. Maya maya may lasing sa kabilang table na sumali na rin sa aming bench. Isang Racist American at isang sobrang bangag na Pinoy, turns out may-ari daw sila ng isang call cenner somewhere in Makati. Si Owen ang unang retiree, nalasing sa dalawng bote ng Red Horse ata. Aka tinamaan ng Mindoro Sling pero stop na kagad ako. Si Pau naman na nagyayabang na makakarami ng booking eh ayun biglang shumatup na. Lakas na pala ng tama. Parang laruang naubusan lang ng baterya, so retire na rin sya. More kwento pa si Ben. At tinuruan pa kami magtatatumbling sa beach. Inabot kami hanggang bago mag-alaskwatro ata.
At dahil doon naubusan kami ng chance iexplore ang Jurassic sa kagat ng dilim. Nilakad lang nami akswali papunta don. Si Kel nagretire na nang maaga kasama si Joross. Kami naman nahiga na don sa buhanginan ni Warren. Ang ganda magstargazing that night, minsan na minsan ko na lang makakita ng ganoon karaming stars. Pangarap na bituin. Kahit minsan di maaabot. Kaya go ka na lang gawin silang gabay sa pang-araw araw na buhay say ni Madam Zenaida Seva. At muntik na nga akong makatulog dun. Umalis na bigla si Warren at iniwan akong nagwiwish upon a star. Dumating si Joross at ako naman ay nagpaalam na sa kanya para bumorlogz.
Nawawala si Jessica!
May 4, 2009 c 7:00AM
Kinaumagahan eh sikat na ang araw ng dumating si Joross. Nakabooking pala ang leche, not just once, not just twice, not just thrice, but four times! Imagine! Oh ha! Talbog talaga si Pau. At dahil Monday na that means absent ako today. Ilang beses ako tinatawagan sa cel ko kaya inoff ko na lang. More time to make libot the place pa. So ayun para kaming nililigaw ang mga sarili. Hinahanap ko ang mga beki, at parang gusto ko na sumugod sa women's desk pero sabi nila sakin wag na. Ganon daw talaga ang takbo ng Galera. Sa kagat ng dilim lang sila nabubuhay.
Bago magtanghali eh hinanap namin si Jessica para sa scheduled massage therapy pero wala ang ateng. Naglalaba daw somewhere sa isang ilog yata. So yung mga kaclose na lang nya na mga thundercatz ang nagmasahe samin. Akala ko nga association sila ng mga school principals na nagbabakasyon don, pero di daw yun talaga ang racket nila sa buhay.
Pinadapa lang ako sa buhangin na may twalya lang. Sa tirik ng galit na araw eh isang payong lang ang nagsasalba sa buhay ko laban sa skin cancer. Pinahiran ako ng oil na parang coconut oil yata na may halong efficacent. Parang kasing amoy nya yung mansanilla sa totoo lang. At ang kamay ni lola may mga grains ng sand. Ang hapdi tuloy, parang nililiha nya ang balat ko. Natapos yung masahe na parang di ko man lang naenjoy. At least may anklet akong souvenir na nagpapaalala sa akin na never na ako magpapamasahe dito ulit.
Before lunch nakita pa namin ulit sila Ben, saka yung may-ari ng call cenner at ngayon eh nasa matinong pag-iisip na sya. Nagpaiwan pa sila Joross at Pau dahil may round two daw sila ng paramihan ng bookingan. Pero ayon sa chikka eh LotLot pa rin si Pau kasi nareplay yung bangag status nya. Itigil mo na yan teh, di yan nakakaganda sa yo!
Next summer, looking forward ako makapag stage two ng Galera adventures. Sana next time may kasama na ako dun sa may Jurassic. Hindi para kasiping or anything, para may kapiling akong magstargazing, para may kayakap habang nagwiwishing and hoping na sana kung sino man sya eh everlasting.
(Ampanget, pinilit masyado yong ka'-ing'an.)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento