Biyernes, Oktubre 23, 2009

1/2




Photo by onwatersedge at Flickr.


One Half

Sa mangilan-ngilan kong pinagkwentuhan ng aking lablayp, ang madalas nilang maitanong eh kung nakailan daw ba ako? As if ganun kaimportante ang dami. Ang sagot ko 1.5.

"Bakit 1.5? Ano yun, yung isa kalahati lang?"


Oo at hindi. Dahil sa isang Magulong Usapan

Naalala ko yung una ko, si J. Well siguro parang half lang din dapat ang rating nya. Eh kasi naman long distance. Ang gusto lang nya pag magkikita kami jerjer lang, pero naramdaman ko naman minahal nya ako. At sya pa yung nagtanong sakin kung kami na ba? Napa-oo lang naman ako kasi baguhan pa lang ako noon at gusto ko lang maexperience ang magkaroon ng relationship. Parang pinilit ko lang ang sarili ko. Di ako sigurado sa sarili ko kung mahal ko talaga sya.

Yung kalahati naman yun yung first love ko talaga, si E. Yung first time na nakaramdam ako na, "ahh ganun pala ang feeling." Ang kaso napunta sa MU ang lahat dahil sa maraming syang problema. Maraming complications, maraming hadlang, maraming problema. Parang pinagpilitan ko lang ang sarili ko. At di rin naman ako sigurado sa sarili ko kung mahal nya talaga ako.

Kaya sa ngayon kahit walang relasyon eh masaya naman ako. Marami namang friends jan na namomroblema, at eto naman ako nakiki-advice kung makikinig sila. Di na ako nagmamadali. Di na ako magkakamali. Sa susunod sisiguraduhin ko muna na sarili kong mahal ko yung tao, at sisiguruhin ko namang mahal nya ako. Kung di man dumating ang panahon na yon, masaya na rin ako naramdaman ko kung pano magmahal at mahalin kahit kala-kalahati lang.

Sana mahanap natin ang taong bubuo sa atin.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips