Huwebes, Oktubre 8, 2009

I Quote You

Photo by Spectrious at Flickr.


Quotable Quotes?!
April, 2009



Ngayong nakaalis na ako sa past job ko sa CKC eh isisiwalat ko na lahat lahat. Oo, sasabihin ko na ang lahat ng mga nakalap kong kasabihan, kaisplukan, kachorvahan, at mga walang katuturang words of wisdom kuno sa mga officemates ko. Collection ito ng mga ilang quotes na naging uso noong naroon pa ako. Magbibigay din ako ng etymology, definition, at examples kung pano mo ito maiaapply sa iyong pang araw araw na pamumuhay.

Hindi ko na isinama ang mga sumikat na tawagan. Sa mga gels sa department namin eh kumalat yung 'friend', at sa guys naman 'tsong'. Dun naman sa mga nasa kabilang department ang tawagan nila ay 'bru'. Ang sweet lang nila noh?! Ang nakakatakot lang eh pati yung mga thundercatz eh napick-up yung 'friend' tuloy nakakarinding madinig yun sa kanila. Pati ang motto nila na synergy at hierarchy, na nakakarindi nang paulit ulit every meeting, eh di ko na sinama dito.


Pick-Up Six:
Memorable Lines

Mga memorable isteytments na tumatak sa kaoopisan noong nakaraang season. Sa sobrang kabangagan eh kung anu ano na lang tae taeng konsepto ang napipickup ng mga tao. Please bear with us.


1. "I will never, EVER..."


Sagot ni Jhen nung tinatanong sya kung pwede sya magstay-in sa office para tapusin yung reports, biglang litanya sya nyan, "I will never, EVER sleep here!" Talbog si Kuya Germs sa Walaaaaaaaang Tulugan! Take note: kelangan high pitch ka pag sinasabi yung 'EVER' at pwedeng samahan ng dabog. Yung last word eh pwedeng palitan ng isang bagay na ayaw na ayaw mo gawin ever sa tanang buhay mo. For example ayomo lumulublob sa tubig baha kahit yun na lang ang magsasalba sa buhay mo sa parating na tsunami eh go make talak ka na ng, "I will never, EVER make lusong to the baha eeeeehhh!" Make sure may naipong pakape sa mga bisita, at wag kalimutan ang pagpili ng kahoy o metal.


2. "Do whatever you like!"

Another litanya ni Jhen nung panahong walang naniniwala sa kanya sa procedures na dapat gawin sa filing ng reports, as it turns out eh tama kami. Kelangan may halong bitchiness sa tone nyan, rising ang intonation, at with matching irap para winning moment mo na to. Mag-ingat lang sa madidilim na lugar at baka kinabukasan nasa dyaryo ka na kasama ng mga tinapa.


3. "I cannot words."

Nosebleed moment ni Lei ng nahaggard sa pagprepare ng report. Kape lang ang katapat nito, pwede rin lumaklak ng energy drink. Wag lang masyado pagsabay sabayin baka isama ka rin sa pakape. Gamitin lang ito in case of emergency, parang break the glass lang ang drama. Parang lifeline ang use kasi nito, call a friend sya akswali. Iwasang ulit ulitin at baka markadong tonta ka na forever and ever.


4. "Don't joke joke me!"

Sagot ni Roy ng biglang niloloko sya eh may malaking problema pala syang sangkot dun sa client nya. Kaya ayun kahit simpleng joke lang sineryoso. Samahan ng pandidilat ng mata. Wag gawin sa harap ng mga lasing baka magripuhan ka na lang ng walang sabi sabi. Bagay na bagay sa mga walang sense of humor or sa mga slow pumick up ng jokes.


5. "Sekreeeehhht!"

Nakakainis na sagot ng team nila Fitz kapag tinatanong. Haluan mo pa nang provincial accent para may dagdag inis points. Kailangang disiplinado sa pagsagot, or rather sa pag-iwas pala ng sagot. Hindi effective sa mga chismosa dahil di mo na kailangan tanungin, sila na mismo ang magsisiwalat ng secret, oo pramiss!


6. "Wala syang alam!"

Nagsimula sa meeting nung sabihin ng boss ko na walang alam si Donnie, well siguro she meant well na wala pang masyadong alam si Donnie sa background nung client. Pero kahit anong sugarcoating eh masakit yun na parang biglang mo na lang tinapakan at niyurakan, at hinamak ang buong pagkatao at kaalaman nya. Inevolve na lang namin to para gawing running joke sa group namin. Pwede syang gamitin pag may dramang ipinagtatanggol mo ang isang tao, parang star witness ang dating mo non. Kelangan may-I-luha-to-the-side para mas kapanipaniwala. Pwede ring sabihin pag feel mo boblacks ang tinuturo mo. Samahan ito ng taray effect at pagduduro sa fezz para ipamukha na pang Row 4 lang ang beauty nya.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips