Lunes, Oktubre 12, 2009

Adayo Ngarud


Photo of San Agustin Church in Paoay


Ilocos Trip

May, 2009


After ng madugong tax season, naisipan ng office namin na kelangan mag-unwind. So megaplan ng bonggacious na out of town. Naglabas sila ng listahan ng names at checklist kung san pwede magroadtrip. Pero ang nasa choices lang eh Laguna hotsprings na inayawan ng mga lalakeng takot maluto ang itlog; Batangas beach na bentang benta na sa mga videoke moments ng mga comedy movies ng 80s at 90s; at Baguio na mabenta sa palengkehan. Eh biglang nagsuggest si Ace na sa Pagudpud or Galera na lang kami pumunta. Akswali lugi ako kung sa Galera kasi kakagaling ko lang dun, gusto ko sana iba naman. So bigla naming binoycott yung list at nagsuggest na sa Pagudpud or Galera na lang kami magpunta. Buti na lang ayaw ng boss namin sa Galera kasi talamak daw dun ang pedophiles, na parang di ko naman nasense nung punta ko dun. At by popular vote nanalo ang Pagudpud, ratified ng aming bossing. Panalo na naman ang demokrasya!


So dumating ang Mayo 28 ang start ng aming adventure. Nagsimula ang araw namin sa isang misa sa Don Bosco for thanksgiving at safe voyage na rin siguro. May breakfast pa kami sa McDo bago pinabalik sa office. Sa hapon eh saka pa lang nagsipag-uwian ang mga tao para kunin ang mga bagahe. Ang nakuhang ride namin ay isang coaster, oo isa lang para sa bente singko mahigit katao. May ginawa nang seat plan at dahil ayokong mapalayo sa mga kaclose ko eh napuwesto ako sa aisle seat, na di ko pa alam na kasumpa sumpa sya. Malaki ang seat plan kumpara sa actual dahil pag itinambak mo na ang mga tao at bagahe eh riot na. Akswali may hindi pa sumunod sa seatplan, at iyon ay walang iba kung di ang Aling Chuchay. Si Aling Chuchay na nagpasundo pa sa Quezon Ave tapos megatalak na sana daw nilagay na lang namin sya sa kitchen. Atzif may kitchen ang coaster! Eh kasi tong si Aling Chuchay eh plus size sya azz in di lang plus yata, multiplied or raise to the 3rd power pa siguro. At nang dahil jan narearrange ang pwestuhan. Dun pa rin ako sa gitna. Ang masama eh mahigit sampung oras na byahe at walang matinong sandalan, feeling ko mababali ang leeg ko talaga dahil wala akong baon na unan at wala rin akong mapagstretchan ng paa. Kulang pa ang tawagin syang stiff neck sa totoo lang, at pag may nagcomment talaga non baka sya pa ang binalian ko ng leeg. Kaasar! Pero para paraan na lang kung pano ka makakapagrelax. Sabi nga nila kung walang kumot matutong mamaluktot, same lang din ng concept yon kung walang space.


Day 1: Laoag
May 29 c 6:00AM

At last nakarating din sa Laoag, ang first pitstop. Biglang open ang door at enter si tour guide Nel yata ang name, well whatever it is care bear ko naman dahil di ko sya iaadd sa facebook. Pinsan pala ito ni Aling Chuchay, isang chubby slash almost-obese pero slight lang na thundercatz na nababalot ng nakakabahing na aura ng paminta. "Welcome to the city of sunshine." Weh hindi nga? Umuulan ba naman kasi nung time na yon. Kwento kwento pa si Lola na dumadahilan sa ulan at sunshine koneksyones pero dedma, pagod lahat kami. Pinagora nya si Manong Driver sa titirhan namin pansamantala. Isang apartment style na lugar na ayon sa mga officemates ko eh para daw dorm nila. At ang name Thalia talaga. Keri na yon basta may place lang para sa power nap. Pero wala nang ganong naganap, eh nagshower pa kami tapos biglang nagpusoy pa tapos boom go na kami sa aming pupuntahan for the day.

Breakfast muna sa Jabee. Ewan ko ba kung nataranta ng bongga ang staff and crew nila pero inabot ng trenta minuto yung pagluluto ng corned beef ha. Eh pwede namang magbukas ng lata, ipainit ng konti sa kawali tapos go na. Pero hindi ganon, pinatirik muna ang mga mata namin bago pa to naserve. Go for ulcer.

First stop sa aming Ilocos trip ang Sta. Monica Church sa Sarrat. Lumang simbahan na sya at sarado pa dahil mukhang under construction. Sa tabi may lumang kumbento, na wala ka naman masyado masasight dito pero may entrance fee pa sya ha! Sinulit na lang namin sa pagpapakodak sa pader, sa balon, sa puno, at kung san san na pwedeng magsmile. Aba kahit san din eh humahangos ang Nel at megaposing din. Close?

Next stop namin eh sa Sand Dunes. Ayon kay Nel eh dito daw nagshoot ng Panday. Sa pagkaintindi namin eh yung kay Jericho version kaya feel na feel ni Garah mag-ala Heart Evangelista don. Mejo matarik yung mga dunes pero walang nakapigil samin na magkodakan sa tuktok. Mataimtim ang lugar at pwedeng pwede mag emote doon, pero tinatamad lang ako. Nabored din ako after kong  iligid ang aking mata. Feeling ko papatok ang go kart don.

Naglunch muna kami. Of course mga Ilocano food ang sinerve kaya di na kami nakapili. May native chicken tinola, yung sabaw lang kinain ko kasi di ko gusto yung dark yung manok. Meron din bagnet, pakbet, at dinakdakan. At syempre special participation ang extra rice. After ng lunch, next stop ang Fort Ilocandia. Di naman kami nakapasok dun, atzif naman papasukin kami eh di naman kami nakacheck in dabah? Pass thru lang sya after ng another round of kodakan.

Sa hapon tuloy ang gora namin sa Paoay, dun sa balur ni Marcos. Bawal daw syang piksuran. Nakakatakot sya, parang wax na parang happy foundation day. After non eh tambling kami sa simbahan ng San Agustin. At dahil nilubugan kami ng araw don eh di kami nakapasok sa Malacañang of the North. Nagtyaga na lang  kami sa Paoay Lake sa bandang likuran. Ok na sana sya kaso lang madumi pala yung tubig. Imagine mo merong pinagtapunan ng kinain na daing sa gilid gilid, at may froth pa yung tubig na akala mo toxic sya. Di kaya yung daing eh isda sya na sunog lang sa acids ng tubig? I wonder. And to think playground to ng mga Marcos dati ha?! Di kaya sila nalapnos dito?

Nung gabi na eh napilitan pa akong maghanap ng mabibilhan ng battery. Ang lakas ng ulan noon pero tinahak ko talaga ang kakalsadahan. Bet kong magmusicvid doon ng "Heto ako-ohohohhh, basang basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapita-ahhhahhhn," pero walang bumackup songer ever sakin kaya di na lang. Nakabayla ako sa pinakamalapit na Caltex pa. So ayun lakad uli pabalik sa ulan.
"Dumi at putik sa aking katawan, ihip ng hangin at katahimikan, bawat patak ng ulan at ang lamig, waring nag-uutos, upang maglaho ang pag-ibig." Panalong panalo na ang eksena kasi everything I need andun na, nanglilimahid talaga yung daan sa kapuputikan, pero infernezz bagay doon mag-emote. Pramiss! Pero never ko naman wish maglupasay dun noh.

Hatinggabi eh nag-iingay pa kami. Practice galore para sa presentation daw kasi. Nagalit nga yung caretaker kasi nabubulahaw namin ang kapitbahay. Eh pagsilip naman namin sobrang layo ang mga bahay, at puro palaka lang naririnig namin sa background. Echozzerang frog si kuya. So back kami sa practice ng Jai Ho. Kaso di namin alam yung steps so imbento na lang kami. Ok naman sya dahil napagmerge namin ang Walk like an Egyptian, Katutubo Dance,  Swing at El Bimbo.

Parang ayaw matulog ng mga tao, tatalbugan na naman si Kuya Germs. Lights out kami ng alas dos. Dahil pangdalawahan ang kwarto eh dalawa lang ang unan. Jahit paano eh nakabawi ako ng tulog kahit wala akong unan. Sanay naman akong mababa ang unan or kahit wala, basta makaderetso lang ako ng higa ok na ako, kumportable na ako doon. Nakabaluktot o nakaderetso, may unan o wala, nakaupo o nakahiga, kailangan na talaga iborlogz ito dahil mahaba haba pa ang adventures sa Ilocos.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips