Sabado, Setyembre 26, 2009

Buses and Trains

Photo by Kris Kros at Flickr.



Road Trip
September 18, 2009



Gabi ng Miyerkules naimbitahan ako biglang gumora ng Power of Five leader na si Tonio papuntang
Naga para sa Peñafrancia. Syempre surprise kung surprise ako dahil ang original plan namin eh billiards lang sa Byernes. Eh since shock shockan pa ako kaya megaquestions ako sa event, ramdam ko naimbyernezz ang Tonio dahil sa kulit ko.

Heniweys, the following night binulabog naman ako ng text ng Tonio na ako daw ang magpabook ng trip namin. Kelangan daw ako gumising ng maaga! Akalain mo yun?! So the next day alas onse ako gumora ng Cubao at papunta na sana sa Superlines nang biglang phone in si Jackie na may reservation na daw, sa Isarog Bus Lines. Ang surprising eh 2 separate buses ang kinuha ni Jackie, yung four sa Power of Five nasa Regular Bus, pero yung sakin nasa Extreme na bus. At ang rason eh dahil wala daw kasama si Red sa kabilang bus. So kahit labag sa loob kong mawalay sa Power of Five, ang kapalit naman eh bus ride sa crush ko.


Drain Train
September 18 6:00 PM

So umuwi pa ako non at nag-impake. Around six ng gabi eh lumarga na ako pabalik ng Cubao. Pagdating sa MRT station, jampacked ang buong platform. Kakaalis lang ng isang tren, so wait uli ako. May dumating na second train na puno hanggang pintuan ang mga tao. Pinalagpas ko muna ang ilang tren, not just one, not just two, but three trains! Imagine?!

So napilitan akong magroundtrip para man lang magkachance makasakay. Pagdaan pa lang ng Guadalupe kita ko na puno yung ramp ng paNorth-bound. Sa Buendia naman nagsalpakan bigla yung mga magra-roundtrip. Ayala at Magallanes puno na talaga. Pagdating ng Taft narealize ko bigla na nasa last car ako so that means pang-girls ito sa travel pabalik. Napilitan tuloy akong lumipat ng car. Mapupuno na rin yung nasakyan ko pero ok pa rin naman. Pagbalik ng Magallanes, dumagsa na ang mga taong nagpipilit makasakay. Nasiksik talaga ako, at di na malaman kung san kakapit. Mabuti na lang talaga at talikuran don kundi magkakapalit talaga kayo ng fez nung katapat mo. Seven stations na ang dumaan, feeling ko magrorosaryo na ako sa hirap ng pasan ko, I mean dala ko pa sa backpack yung kagagamitan ko at sinisiksik ng mga mashoshondang constru-ish na mga passengers, wala pa rin talagang bumababa. Pagdating ng Araneta Station eh sure akong maraming bababa dito. True enough halos kalahati ng laman ng tren bumaba nga.


Naga Bound
September 18 8:45 PM

Nagkita kita ang Power of Five bandang Gateway. May kaba factor pa ang Tonio kasi akala nya 8pm yung byahe ko. Anong petsa na kasi ako nakarating, 8:15 na yata. So alay lakad kami patungong Ali Mall dun sa bus station. 8:45 ang byahe nila kaya sakto lang ang dating namin don. Megahanap pa sila ng bus muna nila kasi andami pala nakaready don. At last nakita rin nila so ako naman gumora na sa bus ko.

Wala pa rin ang Red. 15 minutes before take off, wala pa sya. Ako ang kinakabahan kasi baka malate sya. 5 minutes before 9 tinanong ako ng kundoktor kung malapit na ba yung kasama ko. Eh hindi ko pa talaga alam. Nung tumawag sya, sabi nya nasa J. Ruiz pa lang sya. Kitang kita ko nag-iba yung fez nung kundoktor nung marinig nya kung nasan pa lang si Red. "Yah know its like 4 stations pa eh, yah know!" Hindi daw maaari to, pero nakiusap namana ko sa driver kung pwede mag-antay pa ng 10 minutes na pinayagan naman nya. Pero maya maya rampa na naman si kundoktor at galit galitan effect na kausapin ko daw yung boss nila. Pumasok pa ako sa office at pati yung tindera ng ticket tinatalakan ako. Di daw pwedeng malate ng byahe! Di naman sila pwedeng magsakay sa EDSA kasi ang next stop lang nito eh sa Tiaong, Quezon pa! Worry worryhan ako syempre kasi ayokong bumiyahe mag-isa. Si Red naman talagang pinakaba ako ng husto, balak pang umuwi na lang kasi di daw sya aabot. Biglang enter na naman si manong kundoktor at offer na ibenta ko daw yung ticket, or makipagswap daw ako. Eh naisip kong bakit isaswap ko yung isang ticket kung wala naman akong kasama para ienjoy yung byahe. So nakipagdeal akong iswap ang 2 tickets kahit palugi basta may kasama ako sa bus. 9:20 na dumating ang Red, kahit nahaggard ako sa dealings sa bus, happy na rin ako at may kasama na ako sa wakas.

Pass 10pm na nang bumiyahe yung bus. More kwento kami ni Red, akswali parang sya yung nagkekwento, ako yung audience. Feeling ko nga nabobo ako bigla kasi di ako makacomment sa mosts ng topic nya, about spirituality, capitalism at politics. Bakit kapag iba kasama ko navovoice out ko naman yung views ko? Heniweys kapag ang topic na eh randomness lang, saka lang ako nakakacomment.

May one and only stop over ang bus dakong Tiaong sa may McDo ang kitakitz. Mega-call kagad ang Tonio asking kung nasan na ba kami. Nag-abot pa pala yung bus namin sa stopover. So gora ako sa bus nila. Chikka chikka and all. Maya maya bumalik na ako sa bus, kumain si Red ng two piece chicken at one rice. OMG, ako nga one piece chicken laban sa two rice ang solb eh. Maya maya eh nauna pa kaming gumora ang bus. Bumorlogz na ang Red. At dahil di ako makatulog, nagsounds na lang ako at nagsong number habang nakadungaw sa bintana. Malay ko bang nakabroadcast pala ang voice ko sa buong bus.

Nakarating kami bandang Naga before 6am. Wala pa rin ang bus nila Tonio. Si Jackie halos dalawang oras na palang nag-aabang. Pinaconfirm pa nya kung wala sa bangin yung bus nila. Alas siete na sila dumating. Slowly but surely ang drama ni manong driver daw, at sweet lover pa, imagine bawat kanto hinihintuan. Feeling yata may sasakay or mapipick up na pokpok sa kanto.


Manila Bound
September 20 8:00 PM


Pabalik ng Manila, nakakuha na si Jackie ng seats sa Extreme Bus. Mas malaki ang seats nito, pwede siguro dalawang tao ang magkasya sa luwang. Pagpasok may 2 sets ng magkatabing seats; syempre magkasama si Ken at Tonio, tapos party naman si Lee at Pau. Separate lives kami ni Red, kasi may nakapwesto na dun sa tabi nya. Mejo nahaggard pa nga ako sa pag-upo ko sa seat kasi di ko makita ung lever dun sa foot rest. Buti na lang nakita rin ni Red. Bumorlogz na ako. Maya't maya nagigising ako sa sobrang lamig. Feeling ko ito ang pinakamalamig na byahe ko. Mag-isa sa upuan, walang makausap, walang makaramay. Blizzard kung blizzard ito.

Pagkababa ng Cubao, nauna nang lumarga si Red. Sabay sabay kaming Power of Five patungong Gateway, pero humiwalay na kami ni Pau kasi dadaan pa kaming paEDSA. Sa byahe sa bus, nakatext ko ang Red. Nagpasalamat ako sa pagsama nya samin. "I enjoyed ur company," text back nya. Napakavague ng word na your, single o plural ba ang use nya don? Ilang balikan pa ng messages eh biniro nya ako dun sa common friend namin na may past daw kami. At dahil don napilitan akong iispluk na crush ko sya at si Ken. Well, crush lang naman naisip ko. Pero sa puntong ito crush level 2 na sya.

Level 1: Physical attraction
Level 2: Personality
Level 3: Romantic chorvaness

Buti na lang wala pa syang ginagawa para magqualify sa level 3. Pero sa puntong ito nafifeel ko talaga malapit na sya dun, at malapit na ako mainlurve. Shett, 'this should not be happening' naisip ko. Ako lang naman ang nakakaramdam nito eh. Mejo fresh pa sakin si Derek at ayokong bumalik sa emote emote-an. Bet ko tuloy magsongnumber yung sa Bachelor Girl.

I walked under a bus
I got hit by a train

Keep fallin' in love

Which is kind of the same

I sunk out at sea

Crashed my car

Gone insane

And it felt so good
I wanna do it again.


Do I really wanna do this again? Hayz.

Life's a journey ika nga, di mahalaga kung saan ka man patungo kundi ang papaano ka pupunta don. Pwede kang bumiyahe mag-isa o may kasama, pwede kang makipagsiksikan o maghanap ng kumportable at maluwang, pwede mong tulugan ito o namnamin ang bawat sandali. Basta't wag mo lang kalilimutang ipanalangin na patnubayan Niya ang iyong bawat hakbang.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips