Linggo, Marso 29, 2009

Lights, Camera...


Photo by mysunnysideup at Flickr.

Earth Hour?!
March 28, 2009


March 25, Wednesday
12am. Nagpuyat sa paggawa ng bank recon na di pa rin tapos til now kasi andaming ginawang ritual muna, chat, unyt confe, ehem, etc.
3am. Lights out.
10pm. Nagmamadaling maglakad sa kahabaan ng Paseo kasi naghahabol si Diosa ng last bus papuntang Maynila. Nadaanan ang marquee ng Insular promoting Earth Hour.


Diosa: Yan yung dapat magpatay kayo ng ilaw for one hour.

Athan: Sabagay malaki na ang kuryente sa bahay. Teka para san to?

Diosa: Parang vote mo yun against global warming. Bale Earth versus Global Warming daw ito. Nagstart ito nung 2007 sa Sydney. And has already taken place in New York, San Francisco, Paris...

Athan: Parang google ka teh! Teka kelan ba to?

Diosa: Sa Sunday yata, ay hindi pala. Bukas yata.


10pm. Tingin uli sa marquee, Saturday daw eh. Baka naman jinojowk lang ako ni Diosa.
11pm. pagkauwi lumamon, check mails.
12am. Lights out.


March 26, Thursday
10pm. Late na naman ang uwi pero kasabay namin ngayon si Gerald na naiinis kasi di makaporma daw kasi naman super fastforward ang inaasahan nyang long walks on the beach, or Paseo if applicable, and stuff yah know. Daan na naman sa Insular at meh ad pa rin ng Earth Hour. So ayon sa aming debate, Saturday nga talaga. Akala ko mali yung marquee eh, ipagrarally ko sana si Diosa sa Ayala.
Pagkauwi lumamon, check mails.
12am Lights out.



March 27, Friday
6pm. Maaga ako umalis ng office kasi nga meh miming sa Laguna.
7pm. Nasa Buendia na wala pa ang BSrecon Band headed by Mama Zen, leche late sila! Wori worihan pa naman ako na maligaw at mahuli sa byahe.
8pm. Dumating na sila, umarkila ng van at go na sa Laguna.
10pm. Nasa Sun city na kami, lumamon, nagkodakan, tapos nagbihis na ng swim suit, nagkodakan ulit.


March 28, Saturday
12am. Nasa pool pa. Naghahanap ng aura. hahah. Akswali meron dun pasulyap pa't kunwari patingin tingin sa akin, the feeling is mutual naman eh pero may jowang supah chakka.
3am. Umahon na sa pool. Nagshower at nagbihis.
4am. Nakipagumpukan sa Starbuko with Alvin, Kath, at Jack nagkekwentuhan, nag-eemohan, nakikivideoke sa mga sintunado't lasing na swimmers ng kabilang cottage.
5am. Lights out.
6am. Nagising sa kodakan sa kama. Nag-almusal, nagkodakan uli.
8am. Lumusong na naman sa pool, ang bewang ay nabasa, ngunit ang kanyang... buhok di pa rin nababasa.
9am. Umahon na sa pool. Nagshower at nagbihis.
10am. Pauwi na kami pero nagkodakan muna uli. Nakipag-away sa driver si Mama Zen. Bumili ng pasalubong. May nakasakay na mute nagturo samin ng sasakyan pamaynila. Sana tinuruan nya rin kami ng sign language kasi hindi namin gets yung ibang sinabi nya, at magagamit ko rin yun kung sakaling mag-apply ako sa Kapwa ko Mahal ko.
11am. Lumipat ng bus papuntang LRT Buendia. Nung nasa Alabang na, nagkodakan uli. Bumaba sa Magallanes, nagMRT. Umulan. Nagpatila sandali. Nagjeep.
12pm. Pagkauwi lumamon, nagcheck ng mails.
2pm. Lights out.
8:30pm. Earth hour na! Sana makakuha ng magandang kodak moment, pero wait lang hindi pala ako nag-alarm.
8:31pm. Earth hour na!!! Earth to Athan! Gising na!
8:32pm. Earth hour na!!!
Earth to Athan! Huyy!!! Bahala ka nga.


March 29, Sunday
4am. Nagising sa gutom. Shett lagpas na sa Earth Hour! Kainezz namiss ko. Pero I'm sure naman na nakiramay ako dun, in spirit nga lang at accidentally pa. Nako next time na may ganitong event di ko na kakalimutang mag-alarm. Amfufu talaga.

Kung minsan naiwan ka sa dilim, wag mag-alala dahil may bukas pa naman naghihintay para umulit. At kung mahaba man ang panahon para maulit ang lumagpas na sandali, maaari kang mag-abang ng may buong pasensya sa tamang oras, o maglibang sa mga nakakalibang na gawain tulad ng panonood ng Wowowee o Daisy Siete, pagko-cross stitch, paglalaro sa PSP, paglalaba ng brief at panty, pagbabadminton,
o di kaya'y pagba-bubblebath. Sana sa susunod mas nakapaghanda ako ng maayos, magsusuot ako ng black polka dots at maglulusis! Go Earth Hour go!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips