Lunes, Marso 23, 2009

Sugpo!


Usapang Hipon
March 16, 2009



Photo by
geckobob on Flickr


Monday evening makikipagmeet ako with friends sa matagal nang napromise na kainan namin. Last Christmas pa sana at sa Don Henrico's pero dahil napush forward ng ilang milyong beses eh naisip naming bumalik sa Dampa sa may MetroWalk. Nakakain na kami dito before at the last time eh solb na solb kami sa food.

So ayun pagdating namin dun, pinaupo na kami sa isang table kasya sa apat eh tatlo lang naman kami kaya enough na yun. Akswali inooffer samin yung for 8 persons yata, akala naman nila eh madami kaming oorderin. Heniweys tingin na sa menu si Pol, pero akswali alam na nya oorderin nya, same nung last time: One kilo ng Chili Garlic Shrimp at half kilo ng Tempura. Take note ang inorder namin yung Sugpo.

Maya maya lang anjan na ang first Tempura. Malalaki talaga kaya inupakan na namin. Shortly anjan na rin yung Chili Garlic. Pero nashock kami kasi parang mas maliit yun kesa sa tempura. Sabi ni Pol di daw kaya Suwahe lang yun? Hindi naman siguro arina kaya mas malaki yung tempura. Kaya pinatawag ni Pol ang punong tagapagluto Janggeum para magpaliwanag:


Pol:
Pwede pakicheck yung order namin kasi inorder namin kanina sugpo.

Jang:
Sugpo nga po yan!


Pol:
Ha?! Eh bakit mas maliit sya dito sa tempura!

Jang:
Eh kasi po sir hindi yan sugpo, Giant Hipon yan.

Pol: Anong pinagkaiba?

Jang:
Darker po sya at ching chong wang shing nya lang si kwong...


Hindi na namin naintindihan yung explanation nya pero ang labo talaga. Dumadahilan pa talaga eh. Ano ba ang tawag sa malaking hipon? Di ba Sugpo?! Ayoko naman na ginagawa kaming walang laman ang ulo eh, paikut ikutin pa kami. Kahit itanong mo pa sa google eh yan daw ang largest species of prawn.

So ayun nga tyaga na rin kami sa Giant Hipon nila. Akswali wala naman problema kasi one kilo din sya, pero kung alamang na yan at one kilo rin naman eh parang nagkakalokohan na masyado. Buti na lang masarap ang luto nila. Saka nakadiscount naman kami dun sa levelling ng hipon.

Wag mo sabihin kaya malaki lang yun eh dahil lang sa ulo? Eh aanhin ko naman ang ulo noh. Sabi sakin ni Robb masarap daw yun, maraming laman daw yun basta sipsipin ko lang. Tinry ko nga. Malasa nga, pero nung nahulog yung mga ibang laman laman dun, naisip ko mukha syang galamay ng ipis. Yikes! Ayoko na sumipsip ng ulo. Choosy ko lang?!

Sabi nila ang tao pag naikumpara sa hipon ang ibang sabihin non ay ang katawan lang ang maganda pero yung ulo tinatapon na, pwedeng ipakahulugang chakkaness ang mukha o di kaya'y walang laman ang utak. May counterpart naman tong lollipop. Ano ba mas gusto mo hipon o lollipop?


~0~


Ayon sa sawikain, "ang natutulog na hipon tinatangay ng agos." Napaisip tuloy ako, paano kung pilitin mo mang labanan ang agos ay masyado pa ring malakas ito para pigilan mo, ipagpapatuloy mo bang lumangoy palayo? Paano naman kung simula pa lang ay di mo na kayang salungatin ang agos, magpapadala ka na lang ba? Naniniwala ka ba sa tadhana? Maari kayang maraming daluyan ka mang languyan, sa nag-iisang tadhana ka rin lang patungo? Matutulog akong marami pang tanong sa aking isip.


*EMO MODE OFF*

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips